1. She's the Boss

943K 18.1K 1.6K
                                    

It was another Monday morning. Kung almost all the working population of the world hate mondays, fortunately she was included in the few percent who love it.

Nakataas ang noo niyang umibis mula sa kanyang kotse, it was red 2016 BMW 2 series. Sa lobby palang ng building kung saan siya nagtratrabaho ay nakayuko na sa kanya ang mga empleyado. In her office she was highly respected and envied.

Through the office glass doors she could see everyone chitchatting inside office premises. But the moment she badged in naging alerto ang mga ito at bumalik sa kanya-kanyang cubicle. She was aware na medyo takot ang mga ito sa kanya, hindi sa sinasadya niya yun pero dahil strikto siya sa kanyang mga rules and regulations sa office at hindi rin siya pala-salita o pala-tawa, namimis-interpret ng mga ito na masungit siya. Na-realized niyang mabuti na rin siguro yun para manatiling masunurin at professional ang mga ito sa kanya.

"Good morning Miss Vee." bati sa kanya ng kanyang most reliable personal assistant na si Candy. Mas matanda ito sa kanya ng isang taon. She was beautiful, she was a former beauty queen of her region. Kahit na singe mom ito ay maayos nitong nagagampanan ang trabaho sa kanya. She was with her almost 16hrs a day pero, kahit si Candy ay ilag sa kanya.

Tinanguan niya ang babae to acknowledge.

Sumunod ito sa kanya sa kanyang opisina upang ibigay ang kanyang mga schedules for the day. Pagkatapos nun ay napansin niyang medyo atubili itong sabihin ang kanya kung sino ang first appointment niya for the today.

"Ahh..Miss Vee.."

"Yes?"

"Your first appointment is Amanda Richards, the wife of an important client. She didn't come here for business though. May sasabihin lang daw sa inyo."

Amanda Richards. Tumaas ang isang kilay niya. Yeah right. Amanda Richards, she remembered her. A former classmate.

"Did she schedule an appointment?"she asked, skeptical. Hindi kasi ang tipo ng babae na yun ang dadaan sa tamang proseso. Kilalang kilala niya ang mga uri nito.

"Yeah. 3 weeks ago, her husband called asking for a little time with you. Since he's a VIP, pinagbigyan siya."

Napabuntong hininga siya.

"Fine, let her in."

Ilang minuto ang lumipas Amanda Richards came in. Sinadya niyang wag itong pansinin at itutok lang ang mga mata sa monitor ng kanyang computer.

"Same old you, Vee." sabi nito sa pinakamaarteng paraan. Parang gusto niyang takpan ang tainga niya. Well, para matapos niya ay tiningnan niya ito.

"Have a seat." tipid niyang sabi na nakataas ang kilay.

The woman was screaming wealth in her all signatured outfit. Amanda was wearing a red little dress, Prada shoes and a collectors edition Louis Vuitton bag. A typical former school cheerleader, campus queen image. The heck.

Hindi ito naupo, sa halip she roamed around her spacious office. Sinisipat nito ang mga plaques of recognition niya na nakasabit mga walls.

"Not bad for a school nerd who had her nose always on books. It paid off real well for you Vee." komento nito.

"I'm not a school nerd. Im just out of your league. I don't open my legs for a living.What do you want from me, Amanda?"

Nakakaloko ang mga ngiti nitong punung-puno ng kaplastikan. She really cannot stay in the same room with this woman without suffocating herself.

"You really haven't changed a bit. Anti-social ka pa rin. Iniexpect ko talaga na papalayasin mo ako kaagad, hindi nga ako nagkamali."

"Alam mo pala, why do you even came her? Ginamit mo pa connections ng asawa mo just to talk to me."

"You still don't have friends, do you? Wala pa ring makatagal sa ugali mo? Haha. Kahit employees mo halatang takot sayo eh. Roooaaarr!" pang aasar pa nito.

She had enough. "Gusto mong ipakaladkad kita sa security? I won't freakin care If you're a VIP's wife, I can have another client in a minute!"

Natikom ang bibig ni Amanda. Kahit nakasalamin siya ay nakakapaso ang matatalim niyang tingin.

"Ok. I'll tell you why I'm here. It's about the school reunion next month, gusto ka lang iremind ng org na bawal na bawal ang umabsent dun. Alam ko namang wala kang hilig sa party, mas gugustuhin mo pang i-refuse ang school kesa---"

"Pupunta ako."

Natigilan ito. Tila hindi inaasahan ang sagot niya. Kaplastikan lang naman talaga ang pag iimbita nito sa kanya.

"Are you sure?"tanong nito.

"I said what I said."

Alanganin ang tango nito na hindi talaga makapaniwala. Natawa siya. Masarap pala sa pakiramdam ang supalpalin ang mga taong kagaya nito.

But she had her comeback. "Are you aware that most of our batch mates have partners. Most of them are married to loaded guys. For sure magpapabonggahan sila ng mga partners nila. Are you up for the challenge Ms. Frosty Ice Queen?"

Sumasakit na ang ulo niya sa pakikipag usap dito tungkol sa mga walang kwentang bagay. Ano ngayon kung wala siyang partner, eh sa hindi niya kelangan yun. She was a self-made woman afterall. Hindi niya kelangan ang lalaki para umangat sa buhay.

Sinipat niya si Amanda, ito yung mga tipong umangat sa buhay dahil naglandi. Nag-asawa ng isang foreigner na almost double her age. Magkaroon lang ng instant pantustos sa mga luho at pagpaparetoke.

"Hindi ka na nakasagot diyan. Umaatras ka na ba?" nakatawang sabi nito. "Sabagay, naiintindihan kita, wala ka namang boyfriend na ipagmamalaki, inaasahan na naming lahat na magiging matanda kang dalaga---"

"May boyfriend ako." she cutted her off. Pinanlisikan niya din ito ng mata.

Mas malalang gulat ang gumuhit sa retokada nitong mukha. "Sinungaling."

Nainsulto siya dun. Pakiramdam niya literal na tinatapakan nito ang kanyang pagkatao. Anong palagay nito sa kanya, may deadly virus na pinandidirihan ng mga lalaki?

Nakagat nito ang labi. "Ooopps...sorry, no offense meant Vee.Hmm, sabagay,bat ka nga naman magsisinungaling."

Kaplastikan na naman.

"So dadalhin mo siya sa party, tama?"

Marahang napapadyak siya ng paa sa ilalim ng desk. Inuubos ng babaeng ito ang pasensya niya.

"We wanted our relationship to remain private so hindi ko siya pwedeng dalhin dun."

"Bakit naman?" tumawa ito. "Oh my God Vee. Don't tell me naging desperado ka na dahil walang nanliligaw sayo pumatol ka nalang sa isang nobody. Pangit ba? Poor?"

"You're pissing me off!" tumaas na ang boses niya. "Of course he's not. He's rich, he's good looking. At kahit pagsamasamahin mo ang napangasawa ng lahat members ng cheering squad mo, hindi niyo siya mapapantayan. You understand? Don't compare yourself to me, Amanda. Coz no matter how hard you try, you will never beat me in any field. Mas matalino ako sayo, mas successful. At kahit iparetoke mo pa ng ilang beses yang pagmumukha mo, alam mong mas maganda pa rin ako sayo!"

It was Amanda's turn na mapikon. She felt smoke coming out of the woman's ears in anger. Tumaas na ang kilay nito at namumula sa sobrang inis sa kanya. She ripped an old wound open, she thought.

"You'll regret everything you just said. You want war, frosty queen? I'll give it to you. I'll tell everyone na darating ang sinasabi mong boyfriend mo, siguraduhin mong he will live up to their expectations dahil sinisigurado ko sayo mapapahiya ka."

"War is on. Magdala ka ng tissue ha? Dahil baka katulad nung college tayo, mag-run na naman yang eyeliners at mascara mo sa kakaiyak dahil ikaw na naman ang talo."

She left her room fuming.

WANTED PERFECT BOYFRIEND for the lady boss (PUBLISHED under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon