43.The Heartbreak

560K 15.3K 3.8K
                                    



Nagising siya because of an automatic alarm system inside her room. The female robotic voice that came from nowhere told her the time of the day, the temperature, and some other vague things she couldn't understand.

Sumakit ang ulo niya nang bigla siyang bumalikwas. Anong nangyari? Nasaan siya? Ginala niya ang paningin sa buong paligid. One big part of her room's walls were made of thick glass, she could see a breathtaking view of the shore and the seas outside. Tapos ang buong kwarto at napapalibutan ng magagarang mga bagay. Isa lang ang sigurado siya, wala siya sa hotel, at hindi niya alam kung nasaan siya.Tinangka niyang gumalaw, God, she felt sore all over, especially the part in between her legs.

Tapos ay biglang bumalik ang alaala niya sa naganap ng nakaraang gabi. Napamura siya, napasabunot sa ulo. She remembered what she did last night--what she stupidly did last night. Nasaan si Black? Wala ito? Nakaramdam siya ng matinding pagkadismaya, ni hindi man lang siya nito inantay magising. And she even doubt kung tumabi man lang ba itong matulog sa kanya. Napayakap siya sa sariling tuhod, nang umagang yun pakiramdam niya nahulog siya sa pinakamalalim na bangin, mag-isa at hindi makaahon.

Kahit masakit ang buong katawan pinilit niyang bumangon. She was not on her clothes last night, ang suot niya paggising niya ay oversized na itim na polo shirt na panlalaki. The room was quite big kaya effort na sa kanya ang paika-ikang paglalakad hanggang sa marating niya ang pinto.

Pagbukas niya ng pinto, ikinagulat niya ang pagsalubong sa kanya ni Paola. Nakangiti ito pero hindi niya maramdaman ang sinseridad, para bang inutusan lamang itong gawin yun. Hawak nito ang damit niya at isang bagong pair of jeans kapalit ng sinira niya sa bar kagabi.

"Good Morning Ms. Suarez, your clothes."

Alanganin niyang inabot mula dito ang malinis na niyang mga damit.

"Nasaan si Blac---Christian?" mahina niyang tanong.

"He left early in the morning, he has to attend a very important event today, he can't miss it."

Dismayado siyang tumango, so may lakad ito? Hindi man lang nagawang gisingin siya kahit saglit para magpaalam. Hindi ba nito naisip na pagkatapos ng nangyari kagabi ay malamang na hanapin niya ito pagkagising niya at masasaktan siya ng husto kapag hindi niya ito nabungaran kinaumagahan? Wala man lang itong pakialam sa nararamdaman niya.

Sa mga oras na yun parang tinutusok ng maraming karayom ang puso niya at tumatagos ang lahat ng iyon sa kanyang kaluluwa.

"He told me to wait for you so I can personally send you to your hotel."

"Ano?" Ngayon ay pinagtabuyan siyang bigla, hindi pa nga sila nagkakausap? Ano to? Ano sa palagay nito ang nangyari sa kanila kagabi? Naglaro ng jackenpoy? T*ng ina naman oh! Hindi niya mapigilan ang mapamura sa ginawa nito sa kanya. "Paola, can I ask you something?"

Tiningnan lang siya nito ng diretso sa mga mata. Paola was sober now, hindi niya ini-expect na magiging mabait pa rin ito sa kanya kagaya ng insedenteng nalasing ito ng sobra. "Sure." tipid nitong sagot.

"Ganun ba talaga ka-sama ang amo mo? Pagkatapos ba nitong gamitin, paglaruan at pagsawaan ang isang bagay ay itatapon na lamang nito na parang basahan?"

Matagal bago sumagot si Paola pero nag antay siya. "Tanga ka. Ang tanga mo. I've warned you what kind of man he is, mukhang hindi ka nakinig, mukha nagpauto ka pa rin sa kanya. Akala ko pa naman lalaban ka, sa totoo lang, disappointed ako sayo."

Masakit iyon. Pero totoo lamang magsalita si Paola, siguro ay pranka lang talaga ito at nahawa sa amo nitong hindi marunong mag-filter ng sinasabi. Wala itong pakialam sa kung ano ang mararamdaman niya, sinabi lamang nito ang alam nitong totoo. At wala siyang pwedeng ibwelta dito dahil totoo lang naman talaga ang sinabi nito.

WANTED PERFECT BOYFRIEND for the lady boss (PUBLISHED under PSICOM)Where stories live. Discover now