5. Pressure!Pressure!

509K 12.5K 860
                                    



Kinaumagahan pumasok si Vee na mainit ang ulo. Matindi kasi ang pressure ng boyfriend-boyfriend issue na yan sa bahay nila, dagdag pa ang fact na hindi siya makamove on sa lalaking nag-extort sa kanya ng pera.

Ang baliw na yun, ang lakas ng loob na rumaket sa kanya! Kaya mainit ang ulo niya.

"Miss Vee, I'm sorry for the late notice but your first appointment today with Mr. Chua was cancelled...." bungad sa kanya ng secretaryng si Candy.

"What??! Why?"

Kaagad na kumulo ang dugo niya. Maaga pa naman siyang pumasok para sa appointment na yun tapos magbibigay lang ito ng late notice? Hindi pwede!

Napakagat sa labi si Candy bago sumagot. " Emergency daw po. Family matters, pinapauwi daw po ng asawa niya pabalik sa China as soon as possible.."

Natutop ni Vee ang sariling noo. Halos buong gabi nyang pinag-aralan ang proposal nila sa Intsik na yun tapos makakansela lang dahil pinauwi ng asawa? For the love of God, she can't accept it. Para sa kanya mababaw na rason iyon.

"Sige na, bumalik ka na sa desk mo. Asikasuhin mo ang next appointment ko with Mr. Tan, itanong mo kung pwedeng iresched ng mas maaga yun today."

Kaagad na tumango ang babae saka nagmamadaling lumabas ng kwarto. Inis niyang kinalampag ang desk nang makaalis ito. Tapos ay inabot ang mga papel na sana ay pipirmahan ni Mr. Chua today.

"Shred this documents, now!" binagsak niya ang mga papel sa desk ni Candy. Nanlaki ang mga mata ng kanyang sekretarya.

"Pero Miss Vee, mga unsign docs mo po ito with Mr. Chua?"

"Anong akala mo sakin hindi nagbabasa? I know! And I'm telling you to shred them right now. I don't wanna do business with him anymore, he pissed me off. If he can't draw a line between family and business, I don't have anything to do with him. Sa lahat ng ayoko ay yung mga unprofessional."

Napangiwi si Candy. Hindi ito sang ayon sa sinabi ng amo pero wala itong magagawa. Eh kung yun ang pananaw ng masungit nitong Boss eh. Atubiling kinuha ng sekretarya ang mga papel na iniwanan ng amo upang dalhin na sa shredding machine.

"Ah Miss Vee!" habol ni Candy. " Gusto ko lang pong ipaalam na madami sa mga kaklase niyo ang tumawag confirming you and your boyfriend's attendance sa reunion. Also, there were calls from the media people, gathering information about your rumored boyfriend.."

Umikot ang eyeballs ni Vee. Ang buysit na Amanda na yun, talagang nagsimula nang magkalat ng tsismis.

"Sabihin mo sa kanilang lahat kung hindi sila makapaghintay sa announcement ko at sa lintik na reunion na yan, magpakamatay na sila! Padalhan mo ng lubid! Mga peste."

Napangiwi si Candy sa sagot niya.




***********

"Ate!" excited na sumalubong sa kanya si Cassy. Humalik muna ito bago nagsalitang muli. " Tumawag si Papa kanina, kinukumusta ka rin niya, I told him may boyfriend ka na!!"

"You told him what??!" Pinandilatan niya ito. Akala niya dahil tapos na ang araw eh tapos na rin ang stress niya, dumagdag pa tong pakialamera niyang kapatid.

"I told him may boyfriend ka na. I requested him to come back home sooner para andito siya pag dinala mo na dito ang jowa mo.!"

Gigil niyang nasabunutan ang kapatid.

"Gaga ka talaga! Napakadaldal mo sinabi ko bang sabihin mo kay Papa?!"

"Araaayy!! Ate naman eh!" reklamo nito na dumistansya na sa kanya. "Bakit ka ba nagagalit eh natuwa pa nga si Papa sa balita ko eh. Tawagan mo raw siya."

"Ano!? kakalbuhin kita Cassy!"

Pero bago pa man niya mahila ang buhok nito ay tumatawa na itong tumakbo palayo.



********************

"Wow Pare!" dumating si Mike habang kumakain si Black. "Ang tindi ng ulam mo, pang five star hotel, yan ba yung fish fillet de El Nino?"

Awtomatikong batok ang inabot nito sa kanya. Inaalaska na naman nito ang ulam niyang dadalawang maliliit na tuyo na nabili niya sa kanto.

"Tarantado ka magsalita ka pa, gigilitan ko yang ngala-ngala mo gamit ang lata ng sardinas na ulam ko kagabi!"

Lumiko ang mga labi ni Mike.

"Grabe naman to para nagbibiro lang."

"Wala akong pera kaya wag kang nagbibiro ngayon. Makikikain ka na naman, mahal ang bigas ngayon kaya lumayas na dito!"

"Hindi ako makikikain. Wala daw pera, di ba may bago ka nang trabaho?"

Inirapan niya ito. "Nasisante nga ako! Anak ng hindi mataeng balyena kasi yung amo ko, pinag initan ako nung isang araw. Kesyo lagi daw akong late! Kung di ba naman may sayad eh ang layo ng agency nila dito sa bahay ko."

"Ikaw ang may sayad, lakarin mo ba naman mula dito hanggang sa trabaho mo, tanghali ka na nga makakarating!"

"Ulol! Panu ako sa-sideline kung di ako maglalakad? Utak mo talaga nasa talampakan!"

Matapos kumain ang sinaksak niya sa tiyan ni Mike ang mga pinagkainan. "Hugasan mo, para may silbi ka naman!"

"Ako na naman? Kakarating ko lang--"

"May reklamo?"

"Sinabi ko ba?" Kumamot lang ito sa ulo.

Siya naman ay prenteng naupo sa kahoy na bintana ng bahay na tinulutuyan niya. Ilang buwan na rin siya sa lugar na ito. Mabaho, magulo, maingay, pero unti-unti nasasanay na siya sa buhay na ganito.

"Ba't di ka na lang kasi umuwi sa inyo?" sabi ni Mike habang naghuhugas.

"Hindi na nga ako uuwi dun! Ano ba kasing pinunta mo dito? Kailangan mo ng pera, nag aadik ka na? Malas mo kahit panigarilyo, pansunog ng baga wala ako!"

"Mas may pera pa nga ako sayo eh! Binibisita lang kita."

"Wow, Tol hindi tayo talo!"

"Kung ayaw mo talagang umuwi sa inyo, pwede kitang ipasok na waiter dun sa restaurant ng kaibigan ko. Mga middle class lang naman ang nagpupunta dun, walang makakakilala sayo. Gwapo ka naman, madali kang matatanggap dun kahit di kita irekomenda."

Kumunot ang noo ni Black.

"Waiter?"

"Oo, nag-utility ka nga na mas mahirap yun. Ano payag ka?"

He needed to keep a low profile job. Waiter sa middle class na restaurant? Ok lang naman siguro.

"Oh sige na mag aapply ako bukas. Wag ka nang makialam, kaya ko na yun. Tapos lumayas ka na, magsasara na ako baka mamaya dumating na naman yung kasera kong kamukha na ng isanlibo kape-pera!"

"Eh ilang buwan ka na bang hindi nagbabayad?"

"Dalawa. Dalawang buwan pa lang para nang milyones ang utang ko kakasinggil ng balyenang yun."

"Impierno yata tong nasuotan mo Tol.."

Umiling si Black. Tapos tumawa sa kaibigan. " Hindi Tol, kasi kung impierno dito dapat matagal na akong umuwi, kaso mas impierno sa bahay namin, at wag mong kakalimutang naroon si Lucifera!"

Napabuntong hininga si Mike sa sagot niya. Pero ang totoo, mas nageenjoy talaga siya sa ganitong buhay at wala siyang kabalak balak na umuwi.

WANTED PERFECT BOYFRIEND for the lady boss (PUBLISHED under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon