x42: Made-up Mind

42.9K 690 61
                                    

dedic porr-- @KylaelaineBonado

- - - - - - - -

x42: Made-up Mind

[RACHELLYN's PoV]

Puti.

Kulay puting kisame ang una kong nakita nung dumilat ako. But I was feeling very light-headed kaya hindi ko na 'yun pinansin pa. Pumikit na lang ako ulit para magpahinga.

Kaso, napaisip ako bigla.

Nasaan na ba ako?

Muli akong napadilat, and everything that had happened quickly flashed back in my mind.

Dad finding out my pregnancy..

'Yung paglusob na gagawin niya sa school ko para magtanong tungkol kay Adrian..

'Yung pagmamakaawa at pagpigil ko sa kanya na umalis..

And then.. my bleeding..

Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng paghawak ng isang kamay ko sa puson ko. Hindi na ito masakit kagaya ng naramdaman ko kanina. Pero ano bang nangyari? Did I...

Did I lose my baby?

My breathing became harsh as I sat up. Naiiyak kong kinapa-kapa ang puson ko. Pinipilit kong pakiramdaman kung nandito pa rin ba ang baby ko. Sakto ring may humawi ng kurtina na nakaharang sa hinihigaan ko. It was Dad.

"D-Dad.. 'Y-'Yung baby ko po?" Tuluyan na kong naiyak, making my dad panic.

"H-Hey Rachellyn! Calm down!" Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Pinunasan niya ang mga luha ko.

"D-Dad.. 'Yung baby ko po.."

"Shh, your baby's fine, Rachellyn. So please, please stop crying."

"T-Talaga po?" Para lang akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Pero hindi ko pa rin mapigilang umiyak dahil may kaba at takot pa rin akong nararamdaman sa nangyari sa'kin kanina.

"Yes. I'm telling you the truth. You still have your baby. Malakas siya eh. Kumakapit pa rin siya sa'yo sa kabila ng mga pinagdadaanan mo ngayon. So you have to be strong for him too, Rachellyn. Please. 'Cause if you stay like this for much longer, crying, stressed and hurt, baka tuluyan na siyang mawala sa'yo."

Umiling ako, sobbing. "N-No Dad.. Ayoko pong mawala ang baby ko.."

"I know, I know. Hindi siya mawawala siya sa'yo. Just.. Just be strong. Stop crying. Relax. Take a rest. You need it-- you and your baby needs it. " At patuloy niyang pinunasan ang mga luha ko.

Ewan ko ba. Ligtas na ang baby ko pero takot na takot pa rin ako. I couldn't bear even just to think na p'wede siyang mawala sa'kin.

No.

Kahit hindi ko pa talaga siya nararamdaman sa loob ko, napamahal na siya sa'kin. Anak ko siya eh. My baby's already part of me na ayaw na ayaw ko nang mawala sa'kin.

Dad stayed by my side, patting my head, hanggang sa tuluyan na kong maging kalmado. He then asked me what I want for lunch, pero umiling lang ako at nagrequest na umuwi na lang muna bago kumain.

Hindi tumanggi si Dad. Iniuwi nga niya ko. We didn't use his car, though. Nagtaxi kami. I didn't mind it but I couldn't help to think na dahil 'yun sa bleeding ko kanina.

Todo asikaso sa'kin si Dad pagkauwi namin. He fixed my bed, prepared PJs na isusuot ko, and even assisted me sa pag-upo ko sa kama.

Masaya ako pero hindi ako makangiti. Bukod sa wala akong lakas para ngumiti man lang eh nagi-guilty ako. Nilagay ko ang sarili ko miserable at nakakadisappoint na sitwasyong ito but here is my dad. Inaalagaan pa rin niya ko as if I'm a little girl when in fact, dapat itakwil na niya ko.

Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon