x14: Date End

65.5K 785 42
                                    

dedic porr -- @CharmanePetalio 

- - - - - 

x14: Date End 




[MILLIANA's PoV] 


"M-MILLIE!" rinig ko ang pigil na pagsigaw ni Chelly sa pangalan ko. Pero di ko yun pinansin. Tumakbo pa rin ako palabas nitong mall. 


Sa labas, parang bata lang ako na naliligaw. Umiiyak habang naglalakad. Sa bawat paghakbang ko, pinupunasan ko ang mga luhang iniiyak ko. Pinagtitinginan na nga ako ng mga nakakasalubong ko. 


Nakakahiya talaga. Gusto ko sanang magtago muna para iiyak ang lahat ng sama ng loob ko pero saan naman ako magtatago dito? 


Uuwi na lang ako. Tutal naman mas gusto kong makalayo sa lugar na toh. Gusto kong mapag-isa. 


"MILLIE!" malakas na tawag ng isang lalaki na nasa likuran ko. 


Sa boses nun, sigurado akong si Levi yun. Sinundan na naman pala nya ko? 


Di ko sya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang umiiyak. 


"Oi Millie!" tumabi sya sakin at sinabayan ako sa paglalakad. "Pwede bang huminto ka muna?!" 


Binilisan ko naman ang paglalakad. Pero binilisan nya rin maglakad para makasabay sakin! 


"Tsk!" bigla nya kong hinawakan sa braso at hinatak sa isang tabi. 


"A-Ano ba Levi?!" sigaw ko pero sirang-sira ang boses ko. 


"Pipilitin mo ba kasing umuwi nang ganyan ka?! Umiiyak?! Di ka ba nahihiya ah?! Pinagtitinginan ka na ng mga nakakasalubong mo oh!" 


"NAHIHIYA AKO! SOBRA! KA.. Kanina pa nga ko hiyang-hiya eh.." lalo pa akong naiyak sa pag-alala sa mga nangyari kanina. Lalo rin akong nahirapan sa pagsasalita dahil sa nararamdaman kong sobrang sama ng loob. "Ngayon ano bang gusto mong gawin ko Levi? Gusto mo bang tumigil muna ako dito sa gitna para.. para panoorin pa ko ng mga tao na umiyak? Para mas magmukha akong kahiya-hiya at kaawa-awa?" 


Di na sya sumagot at nanatiling nakatitig lang sa mga mata ko. Hanggang sa huminga sya nang malalim at binitawan na ang braso ko. Habang ako, di pa rin makatigil sa pag-iyak. Tsk. Ano ba namang mga luha toh! Pwede bang mamaya na kayo ulit magsilabasan pag nakauwi na ko? Please? Ayoko nang umiyak dito eh.. 


Pinunasan ko na naman ang mga luha ko at pilit pinigilan ang sarili ko na umiyak. Pero ayaw talaga! Hikbi pa ko nang hikbi! Ano ba Milliana! T-Tama na yan.. 


"Wag mo na nga pigilan yang pag-iyak mo." sabi ni pusandi! Bwiset toh! Palibhasa gustung-gusto nyang nakikita ako na umiiy-- 


O///O 


S-Si Levi, bigla akong niyakap?! At dinidiin pa nya ang ulo ko sa dibdib nya! 


"Sige lang. Iiyak mo na yan lahat habang tinatago kita." 


Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya. Agad ding huminto ang pag-iyak ko at.. at parang nawala bigla lahat ng sama ng loob ko? 


Di na ko nakagalaw pero di rin ako mapakali. Ano ba kasing meron ang yakap ng pusanding toh? Bakit nakaka-ilang na ewan? 


Ah, a-ano! Siguro kasi first time lang na may nangyakap sakin na lalaki bukod kay Papa! 


Pero bakit ba toh ginagawa ni Levi ngayon? Kanina rin, bakit nya ko iginanti kay Ryan? Tapos sabi pa nya, wala raw karapatan si Ryan na saktan at paiyakin ako? 


Naitakip ko ang isang kamay ko sa bibig ko. Ramdam ko ang lalong pagbilis ng tibok ng puso ko sa mga naiisip ko. 


Si Levi.. Di kaya may gusto sya sakin? 


"Millie.. Okay ka na?" mahina nyang tanong. 


"Uhh o-oo!" humiwalay na ko sakanya at pinunasan ang mga luhang iniyak ko kanina. 


"Tsktsk." lumapit sya sakin at may kinuha mula sa bulsa nya. Panyo yun at gamit yun, pinunasan nya ang mukha ko. "Uso rin gumamit ng panyo, askal." 


T///T 


>///< 


"Akin na nga! Kaya ko punasan ang sarili ko noh!" inagaw ko yung panyo nya para punasan ang sarili ko. 


Rinig kong natawa sya. Hindi mapang-asar ang tawa nya ngayon tulad ng usual nyang tawa. 


"Levi.." tawag ko sakanya habang takip-takip ang mukha ko ng panyo. 


"Hm?" 


"Bakit.. B-Bakit mo ginawa yun kay Ryan?" 


"Yung sapak ba?" 


Tumango ako. 


"Hmm.. Diba sinabi ko na yung dahilan kanina? Hindi mo ba yun narinig?" 


"N-Narinig.. Pero bakit kailangan mo pa kong iganti? Bakit sabi mo..wala syang karapatan na saktan at paiyakin ako?" 


Di na sya sumagot. Natahimik na kami. At ako, nakatakip na nga ang mukha pero parang mas gusto ko pa toh takpan! N-Nahihiya ako! Dapat yata di ko na yun tinanong sa pusanding toh eh! >///< 


"Syempre kasi.." medyo humina ang boses nya. 


At kung anong ikinahina ng boses nya, yun ang ikinalakas ng tibok ng puso ko. 


"Kasi ang gusto ko, ako lang ang magpapaiyak sayo Millie." tuloy na nya. 


Sinilip ko na sya nang nakataas ang isang kilay ko. Aba. Nakangiti sya nang nakakaloko! 


"Kaya nabadtrip ako sa manliligaw mong yun eh." dagdag pa nya. "Agawan ba raw ako ng papel sa buhay mo?" 


"HEH!" binato ko sa mukha nya yung panyo nya. Kadiri na kung kadiri! Bwisit sya eh! Sabi na kasi, gustung-gusto talaga nya na umiiyak ako! "Feeling mo naman mapapaiyak mo ko ulit ah?! Hindi na wui!" 


Natawa lang sya at inalis na ang panyong nasa mukha nya. In fairness, parang di sya nandiri dun. 


"Oh, back to normal ka na?" tanong nya. 


Eh.. oo nga noh? Di ko namalayang bumalik na ko sa normal. Yung mabilis magalit, sumisigaw at madaldal. 


Slight akong napangiti dun. 


"Millie.. Wag mo na isipin yung Ryan na yun ah.." humina ulit ang boses ni Levi. Binalik na nya sa bulsa nya yung panyo. "Wala syang kwentang lalaki at di karapat-dapat patulan ng kahit sinong babae kaya hayaan mo na lang sya.. Marami pa dyang iba.." 


Wow.. Si Levi.. Pinapangaralan ako? 


Nakakabilib ah.. Ngayon lang sya nagka-sense kausap.. 


Pero.. 


"T-Teka lang ah Levi? Babalik muna ko dun!" tatakbo sana ko pabalik ng mall pero pinigilan ako ni Levi sa braso! 


"Ano ba Millie?! Sinaktan at pinaiyak ka nga tapos babalikan mo pa ang lalaking yun?!" may galit at gigil sa tono nya. 


Napakunot noo naman ako sakanya. "Sinabi ko bang sa lalaking yun ako babalikan ah?! Sina Chelly at Adrian ang babalikan ko dun sa mall!" 


Napakurap sya. "Ah.. Ganun ba.. Pero wag mo na rin balikan ang dalawang yun dun!" 


"Pero..kailangan ko magsorry sakanila eh.." 


"Itext mo na lang sila mamaya! Pag binalikan mo pa sila ngayon, iistorbohin mo lang sila ulit eh! Tsaka yung dalawang yun pa. Di galit ang mga yun sayo." 


"T-Talaga?" paninigurado ko pa. 


"Hindi nga. Pero nag-aalala sila. Yun ang nakita kong reaksyon nila kanina nung bigla kang tumakbo eh." 


Napasigh ako. Nakakainis at talagang inabala ko ang first date ng besty ko at ni Adrian. 


"So, tara na? Tayo na lang ang mag-date." sabi ni Levi sabay akbay sakin! 


"M-Mag-date ka mag-isa mo!" siniko ko ang tyan nya. Pero bakit nautal ako?! O///O 


"Aray ah!" reklamo ni Levi. Buti inalis na nya ang pagkakaakbay nya sakin para hawakan ang tyan nya. "Pagkatapos ng mga ginawa ko sayo, sasaktan mo lang ako ng ganito?!" 


"O-OO! P-PUSANDI KA EH!" Tch! Nauutal pa rin ako! >///< 


B-Bwiset.. Iniwan ko na lang sya at nagmadaling umalis. 


"HOY ASKAL! SAGLIT LANG!" pagkasigaw nya nun, tumakbo ako! 


WAAA~ Ewan ko pero basta! A-Ayoko munang mapadikit kay Levi.. >///< 




[RACHELLYN's PoV] 


Nandito kami ni Adrian ngayon sa 7-11 sa kanto ng subdivision namin. 


Dito na lang kami nagpunta after ng gulong nangyari kanina. Sabi kasi ni Adrian, wag na kami magstay dun sa mall at baka huntingin kami ng guard dahil dun sa gulo. So ito..bago nya ko ihatid pauwi, dumaan muna kami dito para kumain. 


"Masakit pa toh?" tanong ni Adrian sabay hawak sa kanang kamay ko. 


Umiling lang ako. Di ako makasagot eh kasi sumisipsip ako ng Slurpee. 


Inayos nya ang pagkakahawak sa kamay ko. "Sorry kanina ah.." 


"Sorry sa?" pagtataka ko. 


"Sa pag-iwan ko kanina sayo nung kumakain tayo." 


Ngumiti ako. May tatlong beses na yata syang nagsosorry dahil dun eh. 


"Adrian naman. Sabi ko na diba okay lang yun? Ang mahalaga naman kasi, pinagtanggol mo ko kay Ryan." 


Natawa sya. Pero yung tawa nya, yung parang nahihiya. 


Again, napangiti ako. Nakakatuwa lang talaga na nakakatakot din ang mga nangyari ngayong araw. Syempre nakakatuwa kasi nakita ko ang ginawang pagtatanggol sakin ni Adrian. Pero nakakatakot din kasi nakakatakot pala sya magalit! Naestatwa nga lang ako kanina nung parang aawayin na nya si Ryan eh. Pero buti na lang nandun si Millie at naawat sya. 


And speaking of Millie.. nag-aalala pa rin ako sakanya.. Kanina nung tumakbo sya, hahabulin ko dapat sya pero pinigilan ako ni Adrian eh. Tumakbo rin pala kasi si Levi nun at hinabol sya. Pero nahabol nga ba sya ni Levi? Sana ganun nga.. Sana di na sya umiiyak ngayon.. 


"Chelle ko.." malambing na tawag ni Adrian. Nakapangalong-baba sya sa table at nakatitig sakin. "Wag ka na mag-alala kay Millie. Sigurado akong tumigil na yung umiyak dahil kay Levi." 


Ehhh? Mind reader ba tong si Adrian? O___O 


Chineck nya ang relos nya. "Pa-5 na Chelle. Tara na?" 


Tumango ako at tumayo na. 


Magkahawak-kamay kaming naglakad pauwi samin. 


Mabilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na excited. Malapit na eh.. Pagkahatid na pagkahatid kasi nya sakin sa gate namin, sasagutin ko na sya. 


At pagkarating namin dun, huminga ako nang malalim at hinarap sya. Ito na, Rachellyn. Do it! 


"Salamat ah Chelle, sa pakikipagdate sakin. Sana maulit." nakangiti nyang sabi sabay bitaw na sa kamay. 


"Oo naman Adrian. Mauulit yun." sagot ko na mas nagpalapad sa ngiti nya. 


"Edi.. Bukas ulit?" 


"Haa? Ang bilis naman nun.." >3< 


Tumawa sya at pinat ang ulo ko. "Joke lang yun! Joke ng isang nagbabaka-sakali. HEHEHE" 


T3T 


"Uhm, Adrian.." 


"Oh?" 


Napalunok ako. "Adrian, s--" 


*tenenen-nenen~* 


EH? NOKIA RINGTONE BA YUN? 


"Ay.." may hinanap si Adrian sa bulsa nya. "May tumatawag yata sa cellphone ko.." 


AYY. ANO BA YAN.. >3< 


"Tsk. Si Mama pala toh. Teka lang ah Chelle." sinagot nya yung tawag ng mama pala nya. "Ma? Ah.. Sa bahay ng nililigawan ko.." 


ALAM NG MAMA NYA NA MAY NILILIGAWAN SYA? O___O 


Nagkamot ng ulo si Adrian. "Tsk. Oo nga pala. Sige-sige, hintayin nyo na lang ako dyan." 


Binaba na nya ang phone nya at inis na tumingin sakin. 


"Chelle, alis na ko. Text text na lang tayo mamya ah?" 
mabilis nyang sabi sabay lapit sakin at halik sa noo ko! "Bye." 


Nagmadali syang naglakad paalis pagkahalik at pagkapaalam nya sakin. 


Habang ako, nanatiling nakatayo dito nang medyo may sama ng loob sa sarili ko. 


Failed na naman kasi ang pagsagot ko kay Adrian. Lagi na lang ganito. Eh kailan ba toh matutuloy? T3T 




xxxxxx TBC~ 

LOL. Don't worry Chelle. Malapit na malapit na. XD 

oh and sina ASKAL at PUSANDI ===============>> over there XD ===============>>

Comment/Vote. And thanks porr reading~ ^^

Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon