x18: In A Relationship

62K 703 46
                                    

x18: In A Relationship

[RACHELLYN's PoV]

Inspired.. Blooming..

Yun ang nararamdaman ko ngayon. Ganito pala ang feeling eh noh pag nasa isang relasyon ka na?

Napangiti naman ako sa sarili ko sa may salamin dahil sa mga naiisip ko.

Ang mga nangyari kagabi, parang isang panaginip lang. Pero hindi. TOTOO TALAGA ANG LAHAT NANG YUN.

Totoong magkasama kaming nanood ni Adrian ng fireworks sa rooftop ng school building namin at totoong sinagot ko na sya. Adrian's no longer my suitor but is already my boyfriend. TOTOONG KAMI NA.

Lumapad ang ngiti ko. Tinapos ko na rin ang pag-aayos sa sarili ko dahil may lakad pa ko ngayon. Sabado ngayon eh at kailangan kong pumunta sa school para sa paglilinis na napag-usapang gawin ng klase namin.

Pagkaalis ko ng bahay, dumiretso ako sa 7-11 sa may kanto ng subdivision namin. Dun kasi kami magkikita ni Adrian, tulad nung first date naming dalawa. At mula dun, sabay kaming pumunta ng school-- while we were holding each other's hands.

Hmm.. Dapat hindi na iba sakin tong paghoholding hands namin kasi nagawa na namin toh dati. Pero ngayong ginagawa namin toh nang kami na.. well.. it felt different-- very different but so much better.

Sa jeep, sa harapan kami pumwesto. We were just talking about random things hanggang sa mapunta sa pamilya ang topic namin.

"Wala akong kapatid eh." sagot ko kay Adrian nang tanungin nya ko kung may kapatid ba ko. "Ikaw ba Adrian, meron?"

"Wala rin.. Pero may pinsan ako na kasabay kong lumaki at kasama ko pa rin sa bahay hanggang ngayon."

"Wow naman.. Parang may kapatid ka na rin nun ah.."

Medyo natawa sya. "Parang ganun na nga.."

"Ay, ano nga palang work ng mama at papa mo, Adrian?" tanong ko pa nang maalala ko na sya, may alam na sa parents ko samantalang ako, wala pang alam sa parents nya.

"Yung mama ko? Nursery teacher sya. Yung papa ko naman.." natulala sya saglit. "Di ko alam eh. Tara na Chelle."

Pumara na si Adrian sa driver nitong jeep at bumaba na kami.

At nakakacurious naman yung sagot nya. Bakit kaya di nya alam ang work ng papa nya?

Tahimik na kaming naglakad. Hanggang sa makasalubong namin sina Millie at Levi sa tapat ng school namin!

"CHELLYYY!!" tumakbo si Millie sakin. "Anong nangyari sainyo kagabi?! Bakit bigla na lang kayong nawala ni Adrian?!" TTTOTTT

Naku. Nung tinakas nga pala ko ni Adrian kagabi, hindi na kami nakabalik sakanila ni Levi. Wala rin tuloy silang alam sa nangyari samin.

"At ano yan ah, pre?" tanong naman ni Levi na tinuro ang kamay namin ni Adrian na magkahawak. "H-H-W-W?"

Halos matawa kami ni Adrian sa napansin ni Levi.

"Ah, kagabi kasi, sinolo ko si Chelle sa panonood ng fireworks." paliwanag na ni Adrian. "Tapos..."

Biglang tumingin sakin si Adrian. Nakangiti sya at para bang hinihintay nya na ako ang magpatuloy sa pagpapaliwanag nya.

"Tapos.." umpisa ko naman sabay balik ng tingin kina Millie. "Sinagot ko na sya.."

"WOAH!" - Levi

"S-So ibig sabihin..K-KAYO NA?" - Millie

Nakangiti akong tumango kay Millie.

"AYOS AH! CONGRATS PRE!" lumapit si Levi kay Adrian at aktong yayakapin toh. "I'M SO PROUD OF YOU!"

Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon