x35: That Playboy

50.6K 635 100
                                    

x35: That Playboy

[ADRIAN's PoV]

Magulo.

Mula nang makipaghiwalay ako kay Chelle nung nakaraang linggo, naging ganyan na ang buhay ko. MAGULO. Puro na lang ako gala, inom, babae. Para lang akong naliligaw ng landas. Pero wala akong pakialam dahil wala naman akong maramdaman na kahit ano bukod sa galit na meron ako ngayon para sa dalawang taong bumuo sakin.

Alam ko isang kababawan itong ginagawa ko. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko eh. Hindi ko makontrol itong galit ko. Bukod dun, naniniwala ako na sa ganitong paraan ko na lang makikilala ang taong gustung-gusto ko makilala-- sa pamamagitan ng paggaya sa kung ano sya.

"Ugh.." napainat ako kasabay ng pagdilat ng mga mata ko.

6AM-- yun ang nakita ko sa orasang nakasabit sa dingding nitong kwarto ni Cindy.

Oo nga pala.. Dito nga pala ako nakatulog kina Cindy. Niyaya nya kasi ako kagabi na magdinner dito. Kasalukuyan din kasing nasa out-of-town ang mga magulang nya kaya ang lakas ng loob nyang yayain ako dito. Pero imbis na magdinner, dito kami nauwi sa kama nya. At ito.. nangyari ang inasahan kong mangyayari samin.

Napapikit ako bigla at napabuntung hininga.

Yung nangyari samin ni Cindy, nagustuhan ko yun. Bukod kasi sa matagal na yung hinahanap ng katawan ko, ako pa ang nakauna sa babaeng toh-- parang kay Chelle lang. Pero hindi katulad ng nangyari samin ni Chelle, hindi ako nakaramdam ng saya sa nangyari samin ni Cindy.

Si Chelle.. iba pa rin talaga sya eh.. Iba sya sa lahat ng babaeng nakarelasyon ko..

Pero hindi ko na sya dapat inaalala pa!

Umupo ako at inis na hinilamos ang mga palad ko sa mukha ko. Pilit kong inalis sa utak ko si Chelle.

Maya-maya, napunta ang atensyon ko kay Cindy na natutulog pa rin dito sa tabi ko. Ang himbing-himbing ng tulog nya. Pero wala akong pakialam. Hindi ko na sya hihintaying gumising. Aalis na ko at uuwi.

Bumangon na ako at mabilis na nagbihis. Tapos umalis na ko ng bahay nila.

Medyo wala ako sa sarili nang bumyahe ako pauwi samin. At pagkarating ko sa bahay namin, agad akong sinalubong ng nag-aalala kong ina.

"Adrian anak.. Nasaan ka ba nang buong gabi ah? Tinawagan ko ang lahat ng kakilala kong kaibigan mo pero wala ka raw sakanila at di rin nila alam kung nasaan ka.."

"Ah.. Dun kasi ako nakitulog sa bahay ng babae ko." walang emosyon kong sagot sakanya.

"Ba.. Babae mo?"

"Oo. Babae. Girlfriend. Girlfriend na pansamantala nga lang."

Saglit na natulala sakin si Mama. "Adrian.. Ano ba yang pinaggagawa mo? Ha?"

"Ano pa nga ba sa tingin mo?"

Hindi na nakasagot si Mama. Halatang nasaktan at nalungkot sya sa mga narinig nya sakin. Pero ako? Natuwa ako. Ito ang gusto kong maramdaman nya eh.

Nginisian ko na lang sya bago ako tumalikod at umakyat sa kwarto ko.

Wednesday ngayon kaya naghanda akong pumasok sa school. Naligo at nagbihis lang ako tapos umalis na ko ng bahay. Yung pagkain ng almusal, sa 7-11 ko na lang ginawa. Kawala naman kasi ng gana kumain sa bahay.

Sa school, may tatlong babae na ka-year ko ang nakisabay sakin na maglakad papuntang building namin. Kilala ko sila. Ilan sila sa mga babaeng lagi naming nakakabiruan ni Levi sa canteen. Yung isa sakanila na si Sharon, alam kong may gusto sakin. Todo dikit at papansin nga sya sakin eh. Pinansin ko naman sya at pinatulan. Inakbayan ko sya habang naglalakad kami.

Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon