x39: Misery

45.3K 702 113
                                    

x39: Misery

[RACHELLYN's PoV]

No. No. No.

I can't be pregnant. Just no.

'Yun ang paulit-ulit kong iniisip mula pa kagabi. Pero kinokontra rin ako ng sarili kong utak. Whenever I convince myself that I can't be pregnant, my mind will always say that I can, that it is very much possible dahil may nangyari nga sa'min ni Adrian. Idagdag pa dun ang pregnancy symptoms na nararanasan ko.

Ang gulo-gulo lang ng isip ko. Sa gulo eh hindi ko na naenjoy ang kabuuan ng prom namin kagabi. It even made me feel worse and more sick.

Ngayon, nakaupo ako dito sa kama ko, bagong gising at tulala. Dad just took his leave for work and... I'm planning to do something.

Sa tingin ko kasi, kailangan ko nang kumpirmahin ang totoong kondisyon ko. And to do it so, I thought of taking a pregnancy test.

Right now, I have two pregnancy test kits. Binili ko ang mga ito kagabi nung sinundo ako ni Dad after ng prom namin. But of course, Dad has no idea about me buying these. Ang alam lang kasi niya na binili ko dun sa 24-hour convenience and drugstore ay malalaking pack ng mga chichirya at cookies.

And I'm so nervous right now. Bukod sa ngayon lang ako gagamit nito, natatakot din ako sa resultang ibibigay nito sa'kin.

Pero sa kabila ng sobrang kaba ko, nagawa kong tumuloy sa CR nitong kwarto ko. There I read the instructions kung paano gamitin itong pregnancy test kits at sinunod ko sila. I peed on the kits then pinatong ko sila sa tabi ng lababo.

Tumayo lang ako roon habang naghihintay ng limang minuto para makita ang resulta. Pumikit din ako para magdasal.

God please, make it negative. Please. Please.

Dumilat ako at tumitig sa repleksyon ko sa may salamin. Hindi ko alam pero parang confident ako ngayon. Confident ako na negative ang magiging resulta ng dalawang pregnancy test na ginawa ko. Negative kasi hindi naman talaga ako buntis. Diba? Lahat ng nararanasan ko nitong huli, hindi 'yun dahil sa buntis ako kundi dahil lang sa depressed ako. Diba?

Nag-alarm bigla ang cellphone ko. Ibig sabihin, five minutes na ang lumipas at may resulta na itong mga pregnancy test.

Pumikit ako ulit at kinuha ang isang pregnancy test kit.

Dahan-dahan, tinignan ko ang resulta nito. And I held my breath upon seeing it.

Two lines.

It's positive.

Umiling ako with my eyes starting to get teary.

This can't be true. Hinding-hindi. Sabi sa nabasa ko kagabi sa internet, minsan nagkakamali rin ang resulta ng pregnancy tests. So this one must be wrong. Tsaka meron pa kong isang pregnancy test. It's a different brand so it must be the one which will tell me the truth. It will say that I am not pregnant. It will be negative.

With a trembling hand, kinuha ko 'yung isang pregnancy test kit. Holding it made my breathing harsh and my heartbeat so fast. Kung pwede ko lang i-skip ang parteng ito ng buhay ko at pumunta sa parte na magsasabi sa'kin na magiging okay lang ang lahat sa huli, ginawa ko na. But I can't. I can't since this is reality, this is life, and no one can skip any part of it.

Niyukuan ko ang kamay kong may hawak sa isang pregnancy test kit at dahan-dahan ko ulit tinignan ang resulta nito.

Then my tears started to fall down, the same time as I fell down on my knees.

It's positive. Again.

Buntis ako. Buntis nga ako. May bata na ngang laman itong tiyan ko. Bata na anak namin ni Adrian.

Adrian..

Remembering his name made me feel more pain, made me feel more miserable, and made me cry more.

Ano bang ginawa ko sa sarili ko? Ano nang gagawin ko?

Hindi ko alam. Hindi ko alam. Basta ang gusto ko lang gawin ngayon ay umiyak.

Sa gitna ng pag-iyak ko, biglang nagring ang cellphone ko. I checked it and saw that my mom was the one calling.

Sinubukan kong pigilan ang pag-iyak ko bago sagutin ang tawag niya. Pero wala. Kakapindot ko pa lang nung answer key eh napahagulhol na naman ako.

"H-Hey, sweetie?" Nag-alala agad-agad sa'kin ang nanay ko.

"Mo..Mommy.. I'm sorry.." Sabi ko naman sa kanya with a very much broken voice.

"Rachellyn, ano bang nangyayari sa'yo ah? Bakit ka umiiyak?" Mom was panicking. Pero hindi ko siya masagot. I just cried and she kept on asking me what happened and why I was crying. Halos magmakaawa na nga rin siya na sagutin ko siya. She was almost about to cry as well. Hindi niya malaman ang gagawin niya since she's miles away from me, from her daughter who is currently breaking down and badly needs comfort. "Oh Rachellyn, please talk to me. Please sweetie. Please tell me what happened to you."

Pinilit ko ulit na tumahan. Nung humihikbi na lang ako, sinubukan ko nang magsalita.

"M-Mom.."

"Yes sweetie?" Mom sniffed.

"I'm really sorry.." Oh no. Naiiyak na naman ako. "Sana po..hindi kayo magalit sa'kin.." And I started on shedding tears again.

Huminga nang malalim si Mom. "Ano nga ba kasing nangyari sa'yo, Rachellyn?"

Humawak ako sa puson ko. And with another broken voice, I said, "Buntis po ako.."

"Oh my God.." Mom uttered.

Gusto kong humagulhol ulit. Pero pinigilan ko ang sarili ko. At ang hirap-hirap lang nito at napakasakit.

Nanatiling kalmado ang nanay ko sa kabila ng pag-sniff niya. She asked me kung sigurado ba ako na buntis ako. Kinwento ko naman sa kanya ang lahat ng nangyari sa'kin-- 'yung pag-give in ko kay Adrian months ago, 'yung nararanasan ko na pregnancy symptoms nitong nakaraaan, as well as 'yung resulta ng dalawang pregnancy test na ginawa ko ngayong umaga.

"So nagkaboyfriend ka pala.." Mom was hurt and disappointed, I could tell it on her tone. Naiyak na lang ako.

Nang malaman pa niya na hiwalay na kami ni Adrian, sinabi niya na kailangan ko raw itong kausapin. Pati si Dad daw, dapat kong kausapin para may umalalay sa'kin. Pero tumanggi ako. Hindi ko kasi kayang gawin 'yun. Hindi ko kayang umamin kay Adrian o kay Dad.

"Rachellyn, you won't be able to get through that all alone. Dapat mong ipaalam 'yan sa tatay ng magiging anak mo at siyempre sa tatay mo. Please, tell them your condition. You'll need their support."

Hindi ko siya masagot. Umiyak lang ako.

"Please stop crying na, sweetie. Your baby will be sad, too. Gusto mo ba 'yun?"

"Hin..Hindi po.." Humihikbi kong sagot habang nakahawak sa puson ko.

"Sweetie, everything's going to be fine. Hindi ka nag-iisa. Your dad and I will support you. And for sure, susuportahan ka rin ni Adrian."

With Mom's words, I soon stopped from crying. Nagpromise din ako na susubukan kong kausapin sina Dad at Adrian as soon as I can. Chineer naman ako ni Mom. She said that I can do it. At bago natapos ang phonecall namin, sinabihan niya ko ng ilang do's and don'ts. Maya't maya niya rin daw akong tatawagan hangga't hindi pa ko umaamin kay Dad para masiguro niyang ayos lang ako.

After that, tumayo na ko at muling hinarap ang sarili ko sa salamin. Pinunasan ko ang lahat ng luhang iniyak ko at humawak ako sa puson ko pagkatapos.

Para sa baby ko, dapat kayanin ko 'to. At sana nga kayanin kong umamin kay Dad, lalo na kay Adrian.

xxxxxx TBC~

Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon