x34: Break-up Aftermath

52.7K 680 77
                                    

x34: Break-up Aftermath

[RACHELLYN's PoV]

Crying-- it was all I'd been doing mula nang makipag-break sakin si Adrian. After ko nga umiyak sa rooftop ng school namin kahapon, umuwi na ko para lang umiyak ulit. Buti na lang walang ibang tao samin. Dad was at his work, while Mom was already back to US.

Although, a part of me wished that either one of my parents was there para may maiyakan ako. But still, I ended up thinking na mas mabuti nang wala sila. Natatakot pa rin kasi ako na ipaalam sakanila ang ginawa kong lihim na pakikipag-boyfriend.

Besides, kinakaya ko namang harapin itong problema ko nang mag-isa.

Kinakaya ko.. Naniniwala ako na malalagpasan ko rin toh. After all, ganito naman talaga pag nagmahal ka nang sobra-sobra diba? Sobra-sobra ka ring masasaktan sa huli-- lalo na kung isang playboy kagaya ni Adrian ang minahal mo.

Natulala naman ako sa mga naisip ko nang makaupo na ako dito sa kama. Babangon na sana ako para maghandang pumasok ng school. Pero dahil sa mga naisip ko, natigilan ako. Parang nanghina lang ako. Parang gusto ko na namang umiyak.

Si Adrian.. Akala ko kasi nagbago na talaga sya. Akala ko seryoso talaga sya sakin. Akala ko, mahal talaga nya ko.

Pero hindi pala..

At ang tanga-tanga ko lang..

Bakit ba kasi naniwala ako sakanya? Bakit ba sya pa ang minahal ko? Bakit ba sobrang nagpatanga ako at pati katawan ko, binigay ko sakanya? At bakit ba mahal ko pa rin sya sa kabila ng ginawa nya sakin?

God.. Tuluyan na kong napaiyak.

I really don't get it. Gusto kong magalit kay Adrian. Pero hindi ko kaya. Mahal na mahal ko pa rin talaga sya. Kung lalapitan nga nya ko at yayaing makipagbalikan sakanya, I'll say yes to him without thinking twice.

Pero alam ko, imposible nang mangyari yun. Adrian's a real playboy. Hinding-hindi na nya ako gugustuhing balikan pa, lalo na't nakuha na nya ang gusto nya sakin. And that fact hurts me BIG TIME.

Gamit ang kumot ko, tinakpan ko ang mukha ko. Then I cried all of my heartache again.

Oh God please.. Sana malagpasan ko na toh.. Ayoko na eh.. Ayoko nang masaktan, ayoko nang magsisi..

Umiyak lang ako nang umiyak. Hanggang sa pinilit ko nang pahintuin ang sarili ko sa pag-iyak.

That's enough, Rachellyn.. Move now. Kailangan mo pang pumasok sa school. Wag mo hayaang maapektuhan ang studies mo nang dahil lang dyan sa problemang pag-ibig mo. Okay?

Sniffing, bumangon na ko't naligo. And after kong magbihis, nagpunta na akong dining para saluhan si Dad sa pagkain ng breakfast. Kaso, tapos na pala syang kumain at paalis na sya para pumasok sa work. At nang makita nya ko, hindi nakalagpas sakanya ang namamagang mga mata ko.

"Umiyak ka ba?" Dad asked with one brow up. Then lumapit sya sakin. Hinawakan nya ang isang pisngi ko at tinignan nang mas maiigi ang mga mata ko. "Anong problema huh, Rachellyn? Bakit ka umiyak?"

Ngumiti lang ako tapos niyakap ko sya.

"Nag-away ba kayo ni Millie?" nag-aalala nya pang tanong.

"N-No Dad.. Ano po.." hinigpitan ko ang yakap ko sakanya. "Wala lang po toh.."

"Mm." pinat nya ang ulo. "Di na kita pipiliting sabihin sakin yang problema mo. But I'll remind you. I'm still your dad. Pag may problema ka, pwede mo yang ishare sakin. And I swear, I'll do everything I can to help you. You understand that, Rachellyn?"

Mas napangiti naman ako sa sinabi nya. I was very glad, but I was also very sorry. Itong problema ko kasi, hindi ko kayang ishare sakanya.

"Yes Dad.. Thank you po.." I told him.

Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon