xx7: The Way He Courts (part2~)

83.1K 1K 102
                                    

xx7: The Way He Courts (part2~)

[RACHELLYN's PoV]

A few weeks already passed and patuloy lang si Adrian sa panliligaw sakin.

In those weeks, he stayed as my seatmate, doing the same sweet things na talaga namang nakakahulog ng loob. BUT NO. Di pa tuluyang nahuhulog ang loob ko sakanya. Pinipigilan ko ang sarili ko eh.

Kasi naman.. Di pa rin ako sigurado sakanya at.. nakakaramdam pa rin ako ng takot..

"Ah! Mahilig kasi gumala ang mokong na yun kaya ayun, adik sya sa date!" sabi ni Millie na kasabay ko ngayong umakyat ng room. Naikwento ko kasi sakanya ang halos araw-araw na pagyayaya sakin ni Adrian ng date. "Pero bakit nga ba ayaw mo makipag-date sakanya? Mahalagang bagay kaya yun sa tulad nyong nasa ligawan stage!"

"Oo nga pero.. ewan.. di ko lang feel na makipagdate sakanya.." sagot ko.

"Hm.. Sabagay.." she shrugged. "5 times a week naman kayong nagkakasama nang maghapon dito sa school tapos kada uwian eh naihahatid ka pa nya pauwi. Dapat lang na makuntento na sya kahit papaano dun. Manliligaw mo pa lang naman sya eh, hindi boyfriend."

Manliligaw..

Somehow, that word made me feel a little guilty.

I gave Adrian a chance to be my suitor. But 'till when will we stay like this?

Inaamin ko na. I like him. I'm attracted to him. I'd like to give in already but I'm really scared. Gusto ko talagang makasigurado muna sakanya pero pano? Maybe I need a sign before I say yes to him? Pero ano naman kayang sign yun?

Tsk. Bakit ba ang daming arte nitong puso ko? ~___~

"Tsaka tama lang yan! Pag ganun, mas mapapahirapan mo sya sa panliligaw at malalaman din natin kung gaano sya kaseryoso't kapasensyoso sayo!"

Mas mapapahirapan?

Oh great.. Hearing that made me feel more guilty and scared.

Pinapahirapan ko si Adrian without any assurance na sasagutin ko sya. At paano na lang kung sumuko sya bigla sa pagiging hard-to-get ko?

I think.. that would hurt me..

"Ang tagal nyo naman!" reklamo ni Levi nang makabalik na kami ng room.

Lunchbreak ngayon eh at may ilang araw na rin na nagsasabay kaming apat, including Adrian, sa pag-kain. Dun kami pumupwesto sa seat namin ni Adrian. Ginagamit naman nina Levi at Millie ang dalawang seat sa tapat namin at iniikot yun para magkakaharap kaming apat.

"Ganun talaga pag babae noh! Matagal mag-CR!" sagot ni Millie sabay upo sa tabi ni Levi.

Habang ako, tahimik lang na umupo sa tabi ni Adrian.

"Tss. Bakit nga ba kayo ganyang mga babae? Ano bang ginagawa nyo at inaabot kayo ng syam-syam sa CR? Dinadasalan nyo pa ba muna yung inidoro bago kayo lumabas dun ah?"

"PFT! HAHAHAHAHA!" natawa nang napakalas si Adrian! "Dinadasalan ba? Yung with matching luhod? HAHAHAHA"

"Di lang luhod! Nag-aalay pa kamo sila!" dagdag pa ni Levi na mas ikinatawa nila.

Kami naman ni Millie, nakatingin lang sakanila.

o___o - tingin ko sa katabi kong si Adrian.

T___T - tingin ni Millie sa katabi nyang si Levi.

"HUH. Kayo kasing mga lalaki, mga baboy kayo sa katawan nyo. Kaya di na ko magtataka kung di kayo nagtatagal sa CR eh." inirapan ni Millie si Levi at tumuloy na sa pagkain ng sandwich nya.

Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon