xx6: The Way He Courts

91K 1.2K 47
                                    

xx6: The Way He Courts

[RACHELLYN's PoV]

Tamang titig ako ngayon sa upuan ni Millie which is nasa tabi ko lang.

Haay..

Ang tagal nya yatang pumasok ngayon? T3T

Nakakapagtaka. Madalas syang nauunang pumasok sakin eh o di kaya ay magkakasabay kami sa gate.

Ilang minuto na lang, magsisimula na ang klase. Bakit kaya wala pa sya? Gustung-gusto ko pa naman nang magkwento at magconsult sakanya tungkol sa sinabi ni Adrian sakin kahapon.

Si Adrian..

..na manliligaw ko na.

>///

Medyo nagwala na naman ang puso ko. Pag naiisip ko kasi si Adrian at ang gagawin nyang panliligaw sakin, di ko maiwasang makaramdam ng.. uhm.. excitement..

Pero syempre, nandun pa rin yung takot at pagdududa..

"Oo na! Oo na! Tss." boses yun ni Millie ah!

Tumingin ako sa may pintuan. Nandito na nga sya! Nakasunod sakanya yung dalawang pasaway-- sina Levi at Adrian. Kaya siguro sya badtrip, binabadtrip na naman sya nung dalawa.

Saktong pagpasok nila ng room, nagring na ang school bell. Nagsi-upuan na ang mga kaklase namin, maging silang tatlo.

Pero si Millie, hindi umupo sa tabi ko! Dun sya umupo sa tabi ni Levi! O___O

At ang umupo sa tabi ko ay si..

*budumbudumbudumbudum

S-Si Adrian lang naman.. O///O

"Good morning, Chelle ko." nakangiting bati sakin nitong si Adrian.

Aga-aga eh kung maka-'Chelle ko' naman ang lalaking toh.. >///

"G-Good morning din.." mahina kong bati rin sakanya. "Bakit pala ikaw ang umupo dyan? Paano na si.. Millie.."

Napatingin ako kay Millie. Dun sya nakaupo sa dating pwesto ni Adrian. At dahil katabi nya si Levi, ayun, badtrip na badtrip ang mukha nya. Habang si Levi, nananahimik pero mukhang natatawa.

"Dito ako umupo kasi nililigawan na kita. Diba?" sagot sakin ni Adrian. Tumingin na ko ulit sakanya at.. nakangiti lang naman sya sakin nang nakakaloko. "Gusto kong mapalapit sayo, Chelle. Kaya lalapit ako sayo hangga't maaari."

O///o

Err.. okay..

"Si Millie naman, hayaan mo na sya sa tabi ng pusandi nya. Tutal naman, nililigawan na sya ni Levi."

"H-HAA?" gulat kong reaksyon! "Na-Nanliligaw na rin si Levi..?! K-Kay Millie..?!" O///O

"Uhm.." natulala saglit sakin si Adrian. Then he smiled wide. "Hehehe.. Nagjojoke lang ako Chelle.."

EHHH~? Nagjojoke lang sya?! O___O

Psh! Inirapan ko sya at tumingin na lang sa labas ng bintana. Kainis sya. Akala ko pa naman nagkakadevelopan na yung dalawa. =3=

"Hehehe.." sige lang Adrian. Pagtawanan mo pa ko. "Ang cute mo magpout.."

T//3//T

>//x//

Naipurse ko tuloy itong mga labi ko! Bakit ba kasi pati pagpout ko kailangan nyang pansinin?! At bakit ba kasi naging habit ko na ang magpout?! T//x//T

Nang balikan ko ng tingin si Adrian, ayun.. nakapangalong-baba sya sa desk nya habang nakangiting nakatitig sakin.

Ano ba namang titig yan.. >///

Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon