x33: One Painful Moment

52.1K 658 112
  • Dedicated to Regie Faith Amoncio
                                    

dedic porr -- Regie Faith Amoncio (ng FB~)

- - - - -

x33: One Painful Moment

[RACHELLYN's PoV]

BACK TO SCHOOL NA!

Excited na excited na kong pumasok ulit ng school after ng Christmas vacation namin. Nakaka-miss din kayang mag-aral! At bukod dun, namimiss ko na rin nang sobra si Adrian. Nitong huli kasi, hindi na kami nakakapag-text. Yung phone nya kasi, nawala raw.

Maaga-aga akong nakarating ng school. Pero dun muna ko nag-stay sa may shade sa babaan ng jeep para hintayin si Adrian.

Nakaupo lang ako dun at masayang nag-iisip ng kung anu-ano. Gaya ng JS namin na malapit na! Naiimagine ko na ang magiging porma ni Adrian. And for sure, gwapo sya sa kung anumang formal attire na susuotin nya.

Naeexcite na ko. Gusto ko na syang makasayaw.

Then after ng JS namin, matatapos naman na yung school year namin. Ang bilis lang ng panahon. Next year, seniors na kami at magpaplano na for college.

Hmm.. Saan kaya magka-college si Adrian? Sana naman matanggap kami sa iisang university para magkasama kami.

"CHELLYYY!" Si Millie, dumating na. Nilapitan nya ko agad dito sa shade. "Anong ginagawa mo dito?"

"Hinihintay si Adrian." nakangiti kong sagot.

"Eh! Bakit dito mo sya hinihintay?! Dun na lang sa room!"

Medyo natawa ako sa suggestion nya. "Ayoko Millie. Gusto ko syang makasabay maglakad eh."

Napasimangot naman si Millie. "Pag may boyfriend nga naman oh.. Tsktsk. Oh edi mauna na pala ako ah! May kakausapin pa ko eh!"

"Sige lang."

Nauna na ngang dumiretso ng school si Millie. At ako, hinintay pa si Adrian dito.

Ilang minuto pa ang lumipas. Medyo naninibago na ko. Dumating na kasi yung time ng usual kong pagpasok ng school. At dati pag ganitong time, maaabutan ko si Adrian na hinihintay ako dito. Pero bakit ngayon, wala pa sya?

Nakakapanibago talaga pero ayos lang. Baka nasarapan lang sya ng tulog kaya ganito.

"Chelle."

Nagulat naman ako sa pagtawag na yun ni Adrian!

Nakakagulat kasi hindi sya nanggaling sa harapan ko kung saan ko sya inaasahan. Nanggaling sya sa likuran ko.

Nilingunan ko sya. At nagulat na naman ako. Wala kasi syang dala na gamit o bag.

"Adrian.." tumayo na ko at lumapit sakanya. "San ka galing?"

"Dun sa school." simple nyang sagot na for the third time, ikinagulat ko. "Sabi ni Millie nandito ka raw at hinihintay ako eh. Bakit hindi ka na lang dumiretso dun?"

Ikaw, bakit hindi mo ko hinintay dito gaya nang lagi mong ginagawa?

Gusto ko sanang itanong yan sakanya. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayoko namang magtampuhan kami agad noh. Kakakita lang namin ulit at halos kakaumpisa lang ng bagong taon kaya iiwasan ko muna ang magpaka-nega.

Napapout na lang ako. "Gusto lang sana kasi kita makasabay maglakad papasok ng school.. Eh di ko naman akalaing nandun ka na.."

Natulala bigla sakin si Adrian. Nakabuka ang bibig nya, as if may sasabihin sya o di kaya ay ngingiti sya. Mas okay sana yung ngiti. But what he did was the former.

"Tara na." tipid nyang salita at tinalikuran na nya ko.

Eh ano yun? Di man lang ba nya kukunin itong paper bag ko gaya nang nakagawian nya?

At di nga. Di nga nya kinuha itong paper bag ko. Napa-pout na naman tuloy ako.

Tinabihan ko sa paglalakad si Adrian at inestimate ang mood nya. Mukhang badtrip sya eh. Pero bakit kaya?

"Adrian.. Bakit nga pala ang aga mo pumasok ngayon?" tanong ko na lang.

"Wala lang." Pero parang ayaw naman nya ng may kausap.

Psh..

Moody Adrian..

Nanahimik na lang ako hanggang sa makaakyat kami ng 3rd floor sa buiding naming mga juniors.

Doon naman, biglang hinawakan ni Adrian ang isang kamay ko at hinatak nya ko paakyat sa rooftop!

Napangiti ako. Namiss ko ring umakyat dun sa secret hide-out namin kasama sya.

Pagkalabas namin doon sa rooftop, saktong tumunog yung bell. Magsisimula na yung flag ceremony. Gusto ko sanang umattend nun. Kaso, mas gusto ko namang makasama si Adrian dito!

Huminga na lang ako nang malalim nang maraming beses. Ang sarap ng hangin dito eh!

Pero mas masarap ang paghawak ni Adrian sa kamay ko. Ang higpit eh.

"Chelle.." tawag bigla ni Adrian.

Tinignan ko sya. Nakatulala sya sa kawalan. "Bakit Adrian?"

"Magbreak na tayo."

Natigilan ako saglit sa sinabi nya.

Teka lang ah.. Baka kasi nagkamali lang ako ng rinig.

"Ano ulit yun Adrian?"

"Sabi ko, magbreak na tayo." ulit nya pa without any emotions. Habang ako, natigilan na naman at natulala sakanya.

Hindi ako makapaniwala. This can't be true. Adrian.. he can't be doing this to me.

"Bakit naman?" I asked in low voice as I felt confused and skeptic.

"Basta Chelle.. Di na kita mahal." and he already let go of my hand.

On that moment, nakaramdam na ko ng sakit sa puso ko. It feels like it's being cut and pinched here and there.

Pagkabitaw ni Adrian sa kamay ko, iniwan na nya ko dito nang nakatulala.

No.. No way. This really can't be true. He can't be breaking up with me. Mahal na mahal kaya nya ko! So for sure, nagjojoke lang sya o di kaya ay nagtatampo.

Tama, tama! Nagtatampo nga lang yun! Nung bakasyon nga kasi, hindi kami masyadong nagkita at nakapagdate dahil sa nanay ko.

Sinundan ko na si Adrian. Lalambingin ko sya at bibigay rin yun. Malakas kaya ko sakanya!

Nagmadali akong bumaba at hinanap sya. Kaliwa-kanan, lumilingon ako. Wala na sya sa corridor. So siguro nasa room na sya.

Dun ako pumunta. Hinatak ko yung pinto ng room namin na medyo nakabukas na. Then I stepped in.

"Adr--" napatakip ako bigla ng bibig sa naabutan ko.

Nandun nga si Adrian. Nasa may likuran sya nitong room and there.. there he was kissing Cindy. He was kissing her the same way as how he used to kiss me.

Napuno ng sunod-sunod na tanong na BAKIT ang isip ko.

Bakit toh nangyayari? Bakit toh ginagawa ni Adrian? Bakit bigla na lang syang nagkakaganito?

Diba sabi nya, mahal na mahal nya ko? Pero bakit ganito? May nangyari lang samin, wala na? Iiwan na nya ko para sa ibang babae? Iiwan na nya ko kasi pinagsawaan na nya ko? Ganun ba yun?

Oh God.. I hate this.. May mga tumulo nang luha mula sa mga mata ko. Habang yung puso ko, parang sumisigaw na sa bawat pagtibok nito dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Sobra.. Sobrang sakit..

Kahit hindi ako makakilos, pinilit kong igalaw ang mga paa ko. Pinilit kong tumakbo. Kailangan kong umalis. Kailangan kong makalayo. Kailangan kong magtago sa isang lugar kung saan pwede ko iiyak ang lahat ng sakit at sama ng loob na nararamdaman ako.

And my feet brought me back up to the rooftop.

Tama lang ang lugar na toh. Eksakto.

Umupo ako sa isang gilid doon. And there I cried all of my heartache out.

xxxxxx TBC~

Playboy's GirlWhere stories live. Discover now