x23: Bothering Look

54.2K 610 44
                                    

x23: Bothering Look

[RACHELLYN's PoV]

Finally, nagresume na ang klase namin. Exciting kasi ngayong araw ko na lang ulit nakita si Adrian pati sina Millie at Levi. Pero mula nang magkita kami ni Adrian kanina, di pa kami nakakapag-usap nang maayos. Nasa bad mood sya eh at wala akong ideya kung bakit. Wala naman kasi syang sinasabi. Basta tahimik lang sya at nakasimangot.

Four of our subjects already passed by at nairaos na rin namin ang group report namin sa Physics(report na naging comedy act dahil dun sa aso't pusa). Pero si Adrian, ganun pa rin. Nakasimangot. T3T

Eh ano bang problema ng lalaking toh? Kagabi naman nung magkatext kami, masaya sya. Tapos ngayon... psh..

Lunchbreak na. Ako, nagliligpit pa muna ng ilang gamit ko samantalang si Adrian, nakapirmi lang sa seat nya.

"Oy Adrian!" sigaw ni Levi na papalapit samin. Parehas kami ni Adrian na napatingin sakanya. "Ginutom ako dun sa reporting natin! Ano bang kakainin natin ngayon ah?!"

"Teka pusandiii!" hinabol ni Millie si Levi at hinila sya sa batok ng collar ng uniform nya.

Napaubo naman si Levi at hawak sa leeg nya. "ASKAL NAMAN! NASASAKAL AKO!"

"Ay! Sorry! Hehehe" agad din syang binitawan ni Millie at sa braso na lang hinawakan. "Uhm kasi! Di tayo sasabay maglunch kina Chelly ngayon!"

"Eh? Bakit?" pagtataka ni Levi. Kahit ako, nagtaka.

Magtatanong nga rin sana ako nang 'bakit' pero agad na sumagot si Millie. "Basta! Dapat hayaan muna natin sila ni Adriani na magsolo!"

Hayaan kami na magsolo? O___o

"Pero askal! Kailangan sabay kami ni Adrian kumain! Ililib--"

"HEH! Wag ka na kumontra, pwede ba?! Hayaan na natin sila at kailangan pa nilang mag-usap!" tumingin sakin si Millie at nagwink. Tapos hinatak na nya palayo si Levi na hindi na nakapalag.

Napangiti na lang ako sa ginawa ni Millie. I appreciate how she's trying to help me.

"Adrian!" Oh, that call. It's Cindy.

Nawala agad ang ngiti ko sa pagtawag na yun ni Cindy kay Adrian. Medyo masama pa rin ang loob ko sakanya dahil sa pagtawag nya sakin last week na playboy's girl eh. Siguro kasi wala pa kong pinagsasabihan ng tungkol dun? Kahit nga kay Millie, di ko pa nakukwento yun. Ewan ko ba, parang gusto ko lang yun sarilinin.

Mula likod ng room, lumapit si Cindy sa pwesto namin ni Adrian. "Tara! Sabay-sabay na tayo mag-lunch!"

"HINDE!" sigaw ni Millie na nasa may blackboard na. Pero bigla syang nagmadali na lumapit kay Cindy nang hatak-hatak pa rin sa braso si Levi. "Samin ka sasabay mag-lunch, Cindy!"

"Huh?" mukhang nalilito si Cindy.

"HUH~?" maarteng ginaya ni Millie ang sinabi nya. "Sabi ko, samin ni pusandi ka sasabay mag-lunch! Di dyan sa dalawa dahil busy sila!"

"Pero--"

"Uy, good idea yan askal!" di sinasadyang pagputol ni Levi sa sasabihin ni Cindy. "Para naman may babae tayong kasama!"

"BAKET?! HINDI BA BABAE TINGIN MO SAKEN AH?!" reklamo ni Millie.

"HAHAHAHA" tinawanan sya ni Levi. "Ang talino mo talagang askal ka!"

"Argh! Bwiset ka!" hinampas sya ni Millie sa braso.

"ARAY!" hinilot ni Levi ang nahampas nyang braso.

"Hmp. Tara na nga! Kumain na tayo sa baba!" hinawakan na rin ni Millie sa isang braso si Cindy at hinatak sya palayo kasabay ni Levi.

Si Cindy, nakapout na tumingin kay Adrian habang hinahatak sya ni Millie. Si Adrian naman, nakatingin din sakanya. Pero agad ding nilayo ni Adrian ang tingin nya kay Cindy at napasigh. Then sakin naman sya tumingin.

Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon