x29: Dreams

60.8K 689 57
                                    

x29: Dreams

[RACHELLYN's PoV]

"Adrian!" tawag ko kay Adrian na hinihintay ako sa 7-11 sa kanto ng subdivision namin.

Agad naman nya akong nilingunan. Then he smiled.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang ngiti nya. Akala ko, galit na sya eh. Pinaghintay ko ba naman sya nang may 30 minutes dito. Bukod pa dun, ilang araw pang napostpone itong date namin na dapat nung Sunday pa. Pinilit ko kasi munang tapusin ang lahat ng take-home activities and assignments namin. Nakakahiya rin naman kasing magpaalam sa tatay ko na gagala ako tapos pag tinanong nya ako kung tapos na ba ko sa mga kailangan kong gawin eh 'hindi' ang isasagot ko.

"Chelle." Still with a smile, sinalubong ako ni Adrian. "Tara." at hinawakan nya agad ang kamay ko bago kami lumabas nitong 7-11.

Maaga-aga pa. Wala pa ngang tanghali pero kulimlim ang langit. Mukhang uulan pero walang problema! May dala naman akong payong! Hihi.

"Nood tayong sine. Okay lang ba yun sayo, Chelle ko?" Adrian asked.

"Oo naman. Kahit saan mo ko gustong dalhin, okay lang." nakangiti ko namang sagot sakanya.

Adrian's smile widened at my answer. Hinigpitan nya rin ang hawak nya sa kamay ko atsaka kami tumawid ng kalsada para sumakay ng jeep.

* *

Sa mall kami nagpunta. At gaya ng yaya nya kanina, nanood kaming sine. English comedy movie sya. Naalala ko tuloy yung first date namin. Comedy rin ang pinanood namin that time eh. Kagaya rin noon ang pagtawa namin ngayon sa pinapanood namin. Lalo na yung tawa ni Adrian, naku, wagas pa rin. Kaya minsan, sakanya na ko natatawa eh.

After manood ng sine, magle-late lunch na dapat kami. Kaso una naming nadaanan yung arcade center! Napalaro muna tuloy kami doon. Ito kasing si Adrian, adik yata sa mga larong nandito. Twing magpupunta kaya kami dito sa mall, hinding-hindi nya makakaligtaang dumaan sa arcade center na toh kahit saglit lang. Pero sobrang okay lang naman yun sakin. Kada punta naman kasi namin dito, may binibigay sakin si Adrian na kapalit ng tickets na nakukuha namin. If not small stuffed toys, mga cute stationery naman or cute ballpens ang binibigay nya.

And this time, isang pink cellphone holder ang binigay nya! Ang galing-galing nga kasi dun nya lang yun nakuha sa may UFO catcher! *u*

"Thank you Adrian!" tuwang-tuwa kong sabi sakanya nang mailagay na nya sa phone ko yung holder.

"Anong thank you? May kapalit yan Chelle." pang-aasar naman nya.

"Psh.." I pouted. "Alam ko na yan.." then I smiled, knowing that one KISS ang tinutukoy nyang kapalit. "Pero mamaya ko na lang yun ibibigay pagkahatid mo sakin pauwi."

Adrian gave off a grin. "Hmm, kung ihatid na kaya kita ngayon sainyo para makuha ko na yun?"

"EHHH~?! Pero Adrian, may gusto pa kong pasyalan.." kontra ko naman.

"Oh? Saan naman?" he turned very curious.

"Nalimutan mo na? Diba, gusto kong makita yung bahay na tinitirahan nyo dati.."

"Ay. Oo nga pala." napakamot sya ng ulo. "Seryoso ka bang gusto mo pumunta dun? Baka mabored ka lang dun eh."

"Saglit lang naman tayo dun.. Gusto ko lang naman kasi makita nang malapitan yung bahay.." paliwanag ko pa. Gustung-gusto ko talaga yun mapuntahan eh kasi never pa ko nakakapasok sa bahay na ganun kalaki at kaganda ang design.

Natawa bigla si Adrian. "Geh na nga. Pupunta na tayo dun. Iiyak ka na eh."

"Ano? Pero di naman ako naiiyak ah?" >3

Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon