Chapter 39: No, Kisses.

798 23 0
                                    

Last one chapter after this. Kapag natapos ko, post ko agad.

Read between the lines. Hahaha! Love you dears! :*

Chapter 39

Luhan’s Point of view

Tinitigan ko siya habang natutulog. Nakayakap pa rin siya sa’kin, ako rin naman sa kanya. Kahit anong pagod ko nawawala kapag nakikita ko siya. Kahit na gusto kong magpahinga, mas gusto ko pa rin na tignan siya habang natutulog. Pakiramdam ko kasi kahit anong oras… iiwan niya ko.

Maya-maya naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko sa bulsa ko. Kinuha ko naman, yung isang kamay ko nakapulupot pa rin kay Kisses. Buti pala at na-silent ko, ang lakas kasi ng ring tone ko. Boses niya yun eh. :3

**Calling… Manager

Napatingin ako sa wall clock nina Kisses. 11 na. Halos magtu-two hours na ulit nakakatulog si Kisses.

“Hello, manager?” bati ko.

“Nasan ka ng bata ka?”

“Uhh, na kay na Kisses po.”

“Luhan, maaga ang flight natin bukas. Napagbigyan na kita. Susunduin na kita.”

“Manager…”

“Nandito na ko sa van. Papunta na ko dyan.”

Pinutol niya yung tawag. I sighed. Aalis na naman ako. Kakaayos lang naming dalawa, iiwan ko na naman siya. Hinila ko siya lalo at niyakap ng mas mahigpit. Narinig ko ang paghinga niya. Mas gusto kong maramdaman ko siya ngayon.

Pagkatapos non, unti unti akong humiwalay sa kanya. Inayos ko ang higa niya, kinuha ko yung kumot niya sa kwarto. Hinawakan ko ang mukha niya. Kahit kelan hindi ko siya malilimutan. Mukha ng pinakamamahal ko.

“Luhan…”

Napatingin ako sa tumawag sa’kin. Si Kuya Toby. Ngumiti siya sa’kin kaya napangiti na rin ako.

“Pasensya ka na sa pinagawa ko sa’yo kanina ah?”

“Ayos lang po.” Umupo siya paharap kay Kisses. Tumabi ako sa kanya. “May kasalanan naman po ako eh.”

“Mahal mo talaga siya no?”

“Sobra.” Tinitigan ko si Kisses na natutulog pa rin. “Pumasok ako sa trabahong to para magpasaya ng fans at ginawa rin sa’kin ni Kisses yon. Kahit anong pagod ko sa rehearsals, maalala ko lang siya napapangiti na ko. Gusto kong ipagsigawan sa lahat na mahal na mahal ko ang kapatid niyo pero ayokong magulo ang tahimik niyang buhay. Kung magkakaroon ako ng chance… gusto ko siyang ipakilala sa mga magulang ko. Pagkatapos ng concert namin, papupuntahin ko sila dito para makilala si Kisses.”

“Balak mo bang pakasalan si Kisses?”

Napangiti ako. Pumasok na yon sa isip ko dati. Iyon na siguro ang pinakamagandang pwedeng mangyari sa’min.

“Opo. Gusto ko siyang pakasalan.” Pinilit kong hindi umiyak. Dapat maging masaya ako ngayon. “Aalagaan ko siya. Hindi ko siya pababayaan. Ibibigay ko lahat ng gusto niya. Pasasayahin ko siya habang kasama ko siya. Handa akong ibigay pati buhay ko para sa kanya.”

“Matapang si Kisses. Handa na siya sa pwedeng mangyari sa kanya pero natatakot siya sa mga taong iiwan niya. Hindi niya kasi gustong magpaiyak eh. Pero wala na tayong magagawa, traydor din ang mga luha natin.”

“Oo nga eh.” Pagkatapos non, wala nang nagsalita sa’min. Parehas lang kaming nakatitig kay Kisses. Kaya napalingon nalang kami ng may kumatok sa pinto.

Into Your WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon