Chapter 28: Truth.

919 21 4
                                    

KEEP ON VOTING! #EMAzing EXO

HWAITINGGGGGG! =)))))

**

Chapter 28

“M-may gusto sana akong sabihin sayo…”

“Ano yun? Ayos ka lang ba? Parang namumutla ka? May masakit ba sayo?”

Sunud-sunod kong tanong sa kanya. Sa tagal ko ng kasama si Lay ngayon ko lang siya nakitang ganitong kabalisa.  Kahit pagod siya noon, nagagawa niya pang tumawa pero ngayon…

“Ahm…” huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. “W-wala lang. Magpagaling ka para makapunta na tayo sa Baguio.”

“Pssh. Pasensya na dahil sa’kin pati kayo naaapektuhan.”

“Hyung, para san pa’t We Are One?”

Ngumiti lang ako sa sinabi ni D.O. Ngumiti ako kay Lay pero nakita ko sa mga mata niya na may tinatago pa rin siya. Hindi ko siya mapilit dahil baka kung ano lang ang sabihin niya sa’kin. Siguro sasabihin niya rin sa tamang panahon.

“Pupunta mamaya sina Sehun dito. Hindi kami makabisita lahat dahil baka may makakita eh.”

“Ayos lang, mas mabuti nga na hindi na kayo pumunta dito. Baka mahawaan ko lang kayo.”

“Eh sino namang mag-aalaga sayo?” Sabi ni Lay.

“Tss…” natigilan ako sa tanong niya. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko na sagot sa tanong niya. Yung taong hindi lang sa panahong ito ako aalagaan. Maging hanggang sa tumanda na kami. Funny, isn’t it? Iniisip ko na ang future ko kasama siya pero alam kong wala na siyang pakialam sa’kin. Pwede pang mangyari na iwasan niya ko dahil sa nalaman niya. Alam kong magkakamarka na ang pagkakaibigan namin.

“May…” huminga ako ng malalim. “May balita kayo kay Kisses?”

Parehas silang natigilan sa tanong ko. May mali ba sa sinabi ko?

“M-may problema ba?”

“Ahm… hyung, mas mabuti siguro magpagaling ka muna bago ka mag-isip ng kung ano. S-siguro naman pwede mo siyang makausap pagkalabas mo ng hospital.”

Wala na kong nagawa kundi tumango. Pinikit ko ang mga mata ko. Naririnig ko pa rin kung anong pinag-uusapan nila sa paligid ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. Ilang oras lang akong nakapikit noon. Hindi na nga ako nagmulat ng magpaalam sina Lay kay manager. Namalayan ko nalang nandito na sina Sehun, Suho at Kai.

“Kanina pa tulog si Luhan, manager?” Tanong ni Kai. Hindi ko alam kung bakit tamad na tamad akong magmulat ng mata.

“Oo. Hindi na naman mataas ang lagnat niya eh. Nagpapahinga lang.”

“Mabuti naman po. Kumain na ba siya?” Si Suho naman.

“Hindi pa. Dalawang oras na siyang natutulog. Hindi na nga namalayan na umalis sina Lay.”

“Ganun po ba?”

Nag-uusap sila pero mahina lang. Maya maya katahimikan ang narinig ko nung bumukas ang pinto. Siguro dinalaw na naman ako ng isa sa mga kaibigan ko. Pssh. Medyo tamad, Luhan.

“H-hello…” iba na yung boses ni Sehun. Parang kinakabahan? Bakit naman? “Dinadalaw mo ba si Luhan?”

Wala akong narinig na sagot mula sa dumating. Tumahimik lang talaga sa paligid. Magmumulat na sana ako ng mata ng biglang nagsalita si Suho.

“B-bibili muna kami ng pagkain. Ikaw muna bahala sa kanya, may kasama ka naman eh. Ayos lang ba?”

Wala akong narinig na sagot ulit.

“Salamat…” sabi ni Suho. Obvious naman na pumayag. “Manager, sumama ka sa’min! Dali.”

“H-ha? Bakit?!”

Wala na kong narinig na nagsalita. Bumukas at sumara lang ang pintuan. Katahimikan ulit. Pssh. Gusto ko ng matulog. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ang katawan ko ang pagod, kung hindi ang utak ko. Kung anu-ano kasing iniisip eh.

“Miss… sandali lang daw po tayo dito sabi ni doc.” Hindi familiar sa’kin ang boses niya, pero base sa sinabi niya parang isa siyang nurse? Pasyente rin dito ang dumadalaw sa’kin? Imumulat ko na sana ang mga mata ko ng biglang may humawak sa kamay ko.

Ngayon palang kilala ko na kung sino siya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi ko napigilan na magmulat para makita siya... siya lang ang kailangan ko ngayon.

Nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama ko habang nakayuko at hawak ang kamay ko. Mas nagulat ako ng makita ko siyang nakasuot ng hospital gown at may dextrose din siya na tinutulak ng nurse na kasama niya.

Napansin kong sa amin lang nakatingin ang nurse niya pero hindi nagsasalita. Base rin sa expression ng mukha niya, kilala niya ko.

“I’m so sorry, Luhan…”

And it breaks my heart. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya habang sinabasabi niya yon. Napatitig nalang ako sa kanya kahit nakayuko siya. Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin pero hindi ko na napigilang haplusin ang mukha niya nang makita ko ang mga luha sa pisngi niya.

Agad siyang tumingin sa’kin. Nagitla siya ng makitang gising ako.

“L-luhan…”

Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong hindi umiyak. Lalo akong nasaktan ng makita siya sa ganitong sitwasyon. Hindi naman ako tanga para hindi malaman yon.

“M-may dapat ba akong malaman, Kisses?”

Into Your WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon