Chapter 19: Second last chance.

1.1K 30 3
                                    

NP: Heaven - Ailee <3

Multimedia ----->

**

Chapter 19

Pinikit ko ang mata ko. No. It can't be. Hindi pwedeng nasa hospital ako. Pero pagmulat ko, yun pa rin ang nakita ko.

Naalala ko ang nangyari. Hindi ako nakapanood ng concert. Hindi ko na nakita si Luhan. Baka ngayon nakaalis na sila.

"Salamat, doc." Nakita kong bumukas ang pintuan. Pumasok si ate May. "Oh my gosh, gising kana Kisses. May masakit ba sayo?"

Kasunod lang ni ate yung doktor pero agad ding umalis. Umiling ako sa kanya. Nilibot ko ulit ang paningin ko sa buong kwarto. Parang ganito rin ako dati. Nakakulong sa kwartong to. Maraming kung anu-anong nakakabit sa katawan kong apparatus. Nakakasawa na.

"Ayoko dito, ate May."

"Pero kelangan mo, Kisses." Nilapitan niya ko tapos inayos yung pagkain sa may table. "Hindi mo alam kung pano mag-alala ang kuya mo sayo."

"S-si kuya?"

"Umuwi sa bahay para kumuha ng gamit. Ayos ka na ba?"

"Opo..."

"Mabuti pala't nakasama sayo si Toby. Baka kung ano nang nangyari sayo."

"Ayoko dito ate..." hindi ko pinansin ang sinabi ni ate.

Ayoko na dito dahil bumabalik lang sakin yung mga nangyari dati. Nakahiga lang sa kamang to at hindi sigurado kung mabubuhay ako o hindi.

"Sorry, Kisses."

I sighed. Andito na naman ako sa sitwasyong to. Kung san mo mararamdamang mahina ka ulit. Wala ka ng ibang magagawa dahil hindi mo hawak ang buhay mo. Pero hindi nila masisiguro kung mabubuhay nga ako dahil kahit sila, hindi nila hawak ang buhay ko.

"Hershey... oh dear, my daughter..." pumasok sina Mommy at Daddy sa loob ng room ko. Napaiyak nalang ako ng niyakap ako ni Mommy ng mahigpit. "Ayos ka na ba?"

"Why didn't you tell me about my situation, Mommy?"

"It is for your own good, Hershey."

"Yes." Parang wala sa sarili kong sagot. "My own good."

My own good. Para sakin pa rin ba o sa kanila? Kaya pala araw araw pa rin akong umiinom ng gamot dahil wala nang lunas 'tong sakit ko. Kaya pala sila ang nakikipagusap sa doctor dahil ayaw nilang malaman ko na hindi na ko gagaling.

"I'm so sorry, Kisses." Napatingin ako kay Daddy na nagsalita.

"I look so useless here."

"Hindi, Kisses."

"Andito na naman kayo. Aalagaan niyo na naman ako. Babagsak ulit ang kompanyang pinipilit niyong madevelop. I'm so sorry for being so useless. I'm so sorry for causing you problems."

"Shhh..." pinahid ni Mommy ang luha ko. Si ate May, nasa sulok lang habang nakatalikod sa'min. Pero naririnig ko na rin ang pag-iyak niya. Surprisingly, my dad didn't show any emotion. But I know I'm causing him pain inside. "It is my fault. I'm so sorry, Hershey."

"I don't want to be here. Ayoko dito. Alam kong hindi na ko gagaling. No point kung dito pako magsstay. Dadating ang oras na iiwan ko na rin kayo. Set me free, Mommy."

"No, Kisses. At least dito mamomonitor ka-"

"Mamomonitor ang unti-unting paghina ng katawan ko. Mamomonitor kung kelan ako mamatay."

Into Your WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon