Chapter 4

1.7K 40 7
                                    

Chapter 4

Naririnig ko yung tubig galing sa banyo. Grabe! Pigilan niyo po ako. Baka mapasok ko siya ng wala sa oras >/////////////<

Dumiretso ako sa sala. Hindi ko alam kung sasabunutan ko ang ate ko o magpapasalamat muna ako. Waaaah!

Dumiretso muna ako sa kwarto ko tapos tumingin sa paligid. Andito pa yung mga picture ni Luhan. Baka naman panaginip ko lang na naman to? Kinurot ko yung sarili ko. Haruuu. Masakit eh. >____<

Lumabas ulit ako at kumuha ng damit na hindi pa nagagamit ni Kuya, sexy naman si Luhan kaya siguro kasya to. Ayiiiie! Hihingin ko to kay Kuya kapag sinoli ni Luhan! <3

Bumalik ako sa kusina, malapit kasi yung CR namin don tapos hinintay siyang lumabas.

Swerte ko nga masyado. Ang dami nang nangyari at lahat yon, biglaan lang. Grabe!!

“Ahm… excuse me?” dubdub. Dubdub.

Tumingin ako sa may pinto ng CR, nakadungaw yung ulo niya. Tapos napangiti siya nung nakita nyang tumingin ako.

“Sorry… nakalimutan ko lang kunin yung shirt. Ahm, hindi ako makalabas eh. Baka matakot ka”

Oh damn! Labas na! Labas naaa~!

“Ahh…” lumapit ako sa may pinto tapos inabot ko yung shirt sa kanya “I-Ito na po…”

“Salamat po”

Sinarado niya ulit yung pinto. Tapos maya maya lumabas na rin siya. Sakto lang yung damit sa kanya.

Into Your WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon