Chapter 34: Parents.

870 20 1
                                    

YAAAH! LABS NA LABS KO SI TAEMIN KAYA GINAWA KO SIYANG CHARACTED DITO! <3

Chapter 34

“What the heck, Luhan?!”

“I need to be in the Philippines now, manager!”

“Quit that!” Napakamot ng ulo si manager. “Bukas na tayo aalis. Ako ang sasama sa’yo papunta sa Pilipinas, sigurado naman tayong makakarating. Bakit ka ba nagmamadali?”

“Kisses needs me. I need her, too.”

“Relax, Luhan. Kapag patuloy mong ginawa yan, lalong mawawala si Kisses sa’yo.”

Dun ako napatigil. Tinapik ni manager ang balikat ko at sinabihang bumalik na sa kwarto ko. Wala sa sarili akong sumunod.

Mali nga yata ang ginawa ko. Dapat magtiwala ako kay Kisses, hindi kami masisira ng isang lalaki lang. Mahal ako ni Kisses at iyon ang pinanghahawakan ko.

Kinabukasan, iba ang tingin sa’kin ng mga members. Wala akong tulog. Iniisip ko agad na magbukas na para makapunta na ko sa Pilipinas. Nagpaalam agad ako sa kanila. Baka sa isang araw ako umuwi sa Korea. Kelangan ko rin ng mahabang oras kasama si Kisses. Halos 7pm na ng lumapag kami sa Pilipinas. Sumakay agad kami sa private van, sa VIP exit din kami lumabas.

Pa’no nga kung sa sobrang higpit ko yata kay Kisses, iwan niya ko? Wag naman sana dahil hindi ko kaya. Hinding hindi ko kakayanin. Gagawin ko ang lahat para maibalik siya. Gagawin ko ang lahat para ako pa rin ang mahal niya.

“Luhan, wear this.” Inabutan niya ko ng jacket. Sinuot ko agad. “Alam na ba ni Kisses na nandito ka?”

“Hindi pa po. Mas mabuti na rin to. Para ma-surprise siya.”

“Oh, sige. Maghanda ka. Malapit na tayo.”

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay nina Kisses. Si manager ang kasama ko pagbaba. Nag-doorbell muna siya. Maya-maya lumabas ang may katandaang babae hawak si Hyunah. Napangiti ako nung makita ko si Hyunah. Lumalaki na siya.

“Sino po eyan?”

“Ahm, nandyan po ba si Kisses?”

“Ayy, si Ma’am Hershey po? Wala po eh, nasa hospital po kasama si Sir. Kahapon pa po. Bakit po?”

Halos manlaki ang mata ko sa narinig ko. Hindi ko mapigilang hindi mapalapit sa matanda.

“B-bakit po nasa hospital si Kisses?”

“Sumama raw po kasi ang pakiramdam. Nilalagnat po bago dalhin sa hospital.” Kumunot ang noo niya habang tinititigan ako. “Sino po kayo? Tao pa po ba kayo?”

Ni hindi ko man lang magawang ngumiti kay ate, tumango lang ako bago nagsalita. “Ako po ang boyfriend ni Kisses.”

“Eh sino yung nagbabantay kay Ma’am Kisses sa hospital? Akala ko siya yung boyfriend?”

Napakagat ako ng labi. Bwisit! Dapat ako yung nandun eh! Bwisit!

“Ako po. Sige po, salamat.” Tumingin ako kay manager. “Tara na, manager.”

“S-sige…”

“Lu… Lu.” Bigla akong napatigil sa pag-alis ng marinig ko ang boses na yon. Humarap agad ako sa kanila. Ineextend ni Hyunah ang kamay niya sa’kin “La-lab ka ti-tah Mwa”

Napangiti agad ako sa sinabi niya. Naintindihan ko naman agad kahit medyo bulol pa. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.

“Mahal din ni Lulu si Tita Mwa.”

Pumalakpak siya. Hinalikan ko ulit ang noo niya bago umalis. Mahal ako ni Kisses. Hindi ko yun dapat pagdudahan.

Dumiretso kami sa private hospital kung saan na-confine dati si Kisses. Bumalik na naman ang kaba ko. Tss. Bakit ba siya nilagnat? Sht.

Into Your WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon