Chapter 37: Lahat para sa'yo.

780 23 4
                                    

Chapter 37

"Lulu~"

Hinawakan ko ang kamay ni Hyunah. 2 months na ang lumilipas at walang nagpapakita o tumatawag sa'king Luhan. Nawawalan na ko ng pag-asa. Siguro nga nung nalaman niyang iiwan ko rin siya agad... hindi na niya ko mahal.

"A-tan Lulu?"

Umiling ako kay Hyunah. Niyakap ko nalang siya. Iniwan na ko ni Lulu, Hyunah. Kahit ayoko, wala na kong magagawa.

Kinuha ko ang cellphone ko at in-open ang wifi. Maraming notification ang lumabas. Facebook, twitter, weibo, dropbox... pero ang Kakao ang binuksan ko. Last 2 months pa ang conversation namin.

Siguro wala na nga.

"Kisses... kakain na tayo." Tawag sa'kin ni Ate May. Inalalayan ko si Hyunah na tumayo. Iniwan ko ang cellphone ko sa kama ko. Lumabas na kami ng kwarto. "Napagod ka ba ni Hyunah?"

Umiling ako tapos kumuha ng tubig para inumin. Nakatitig lang si Hyunah sakin habang ginagawa ko yun. Ngumiti ako sa kanya at kinurot ang cheeks niya.

"Gusto mong gumala tayo, Hyunah?" Bigla siyang nagtatalon tapos yumakap sa'kin. Buti pa ang mga bata, mababaw ang kaligayahan. Sana... sana ako rin...

"Kisses... you can't. Baka bigla kang atakihin--"

"I can do this. Kapag oras ko na, oras ko na ate. Trust me."

Ngumiti si ate sa'kin. Tanggap na nila. Nahirapan man silang tanggapin ang katotohanan, wala na kaming magagawa. This will be the end.

Itutuloy nila ang buhay nila... na hindi ako kasama.

"Alright. Magbihis ka na. Ako na mag-aayos kay Hyunah. If something bad happens, call me agad. Okay?"

"Ahuh!"

Matagal ko ng tinigilan ang pag-inom ko ng gamot. Bakit pa? Magsasayang lang kami ng pera. Hindi na naman mawawala ang sakit ko eh. Patatagalin lang nito ang buhay ko. Mamamatay rin naman ako.

Pero parang gusto ko magsisi dahil nung bumalik siya... at sinabi niyang mahal niya ko, wala na kong nagawa kundi itanggi at sabihing hindi ko siya kayang mahalin. Iiwan ko rin siya. Hindi ko gustong makitang malungkot siya kapag umalis ako.

Dapat magpasalamat pa ko. Binigyan ako ng chance na mapalapit at makasama ang mahal ko. Dahil sa pangakong binitawan ko, kahit mahirap, pinipilit kong mabuhay. Kahit sunud-sunod na araw na kong inaatake... pinipilit kong huminga dahil nangako ako sa kanya. Nangako ako sa kanya na kapag babalik siya dapat malakas ako.

Alam kong sarili ko lang ang niloloko ko kapag nakikita nya kong malakas. Ramdam na ramdam ko kasi sa sarili ko na hinang hina na ko. Gusto ko lang humiga sa kama... matulog ng matagal. Pero hindi. Pinipilit kong mabuhay para sa mahal ko. Siya nalang ang nagbibigay ng lakas sa'kin ngayon... pero wala eh, iniwan na rin niya ko.

Para san pa at lumaban ako?

"Kisses... tapos ka na ba?"

"Mwaa!"

Tumakbo ako palabas ng kwarto. Nakita kong naka-dress na si Hyunah. Nilapitan ko agad to tapos kiniss sa cheeks.

"Ang ganda ganda naman ng bata!"

She giggled. Cute. :">

"Susunduin ko kayo after work. Ayos lang ba? Pero kung maaga naman kayong makakuwi, just take a cab. Call me once you got home."

"Alright. We'll take the first offer. Hihihi. Where's kuya?"

"Here..." lumabas si kuya ng kwarto habang inaayos ang tie niya. "I can't fix it."

Into Your WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon