Chapter 1

2.8K 69 13
                                    

Chapter 1

“Eh sira ulo ka naman pala eh! Nakita mong ako ang unang nakakuha nito!”

“Mas nasisiraan ka na! Ako unang nakahawak diba?”

Ayan na! Alam kong mag-aaway sila sa photocard na to eh. =________=

“Teka… mga magaganda kong customer, marami pang ibang picture oh, bakit nagtitiis kayo sa picture ni Luhan?” sabi ko nalang. Akin kaya si Luhan! ^**^

“Eh bakit Miss, si Luhan ang gusto namin!”

“Hala! Wag niyo kong sigawan, nagtitinda lang ako noh!”

Hinablot ko ulit yung photo card ni Luhan, eh sa internet ko lang naman nakuha to eh.

“Hindi ko na pala ibebenta.” Sabi ko nalang.

“T-teka! Bakit?! Bibilhin ko! 500!” kontra nung isang babae

“Wait! 1000!” sabi pa nung kaaway niya.

“2000!”

“5000!”

OMG! Ano bang ginagawa nila sa pera nila?! Kung nagiipon nalang sila papunta sa Korea o China, edi sana may chance pa sila na makita sa personal si Luhanniie <3

“20K!”

“30K!”

=______________________=

“Hindi ko na nga ibebenta! Bumili nalang kayo ng kape namin!”

Andito ako sa coffee shop ng sister-in-law ko, tumutulong ako sa kanya sa pagtitinda since buntis siya. May mga kasamahan naman siya pero mas gusto pa rin ni Kuya na bantayan ko si Ate May.

“Eh mas gusto ko itong picture ni Luhan! 50K!”

“Bahala nga kayo dyan. Ang gulo ng lahi niyo, pwede namang pumunta nalang kayo sa Korea para makita niyo si Luhan diba?—”

Hindi pa tapos ang sasabihin ko ng bigla silang kumaripas ng takbo palabas ng coffee shop. Anyareee?!

Into Your WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon