Chapter 6

1.7K 36 7
                                    

ILANG TAON KONG HINDI NA-UPDATE 'TO? HAHAHAHAHAHA! OA MUCH! >3<

Nararamdaman ko na ang comeback nila kaya masyado akong ginanahan! Hahahaha! Well. Nakakamiss ang mga labingdalawang batang ito. Loool. XD

---Moiiiiii.

Chapter 6

Umuwi ako sa bahay ng pagod na pagod. Kahit wala naman akong masyadong ginawa. Feeling ko ang bigat bigat ng dibdib ko. Ganito naman lagi ang nararamdaman ko kapag may mga bagay na nangyayari na hindi ko nagugustuhan.

Hindi na ko sumabay kina kuya. Pagkauwi ko, diretso bihis agad ako at humiga sa kama at tumitig sa kisame. Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko? Hindi naman talaga ako dapat mag-assume. Siguro kelangan ko na ring tanggapin ang katotohanan na hanggang fan nalang ako. Deym.



**I got a boy meotjin! I got a boy chakhan!

I got a boy handsome boy nae mam da gajyeogan

I got a boy meotjin! I got a boy chakhan!--*

Wala sa sarili kong sinagot ang cellphone ko.

“Hello?” waaaah. Ang sakit talaga ng puso ko.

“Hello, Hershey?” tinignan ko muna kung sinong caller. Lalaki kasi ang nagsalita.

“Bakit Taemin?” classmate ko si Taemin, at uhhh… yeah. Nanliligaw siya sa’kin. Laaaah.

“Ahm, kamusta na Hershey? Nakakaistorbo ba ko? Itatanong ko lang sana kung sasabay ka sa’ming mag-enroll bukas? Habang konti palang ang nagpapa-prereg. Baka kasi masaraduhan tayo ng subjects”

“Sige…”

“A-ayos ka lang ba, Kisses—”

“Hershey. Yep, ayos lang ako. Itext mo nalang ako kung san tayo magkikita bukas. May gagawin lang ako. buh-bye!”

Into Your WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon