Chapter 23: Good night.

1K 26 5
                                    

Konti nalang magse-7K reads na. Thank you po! :"">

Sembreak na! Pipilitin kong matapos agad to. Mwa! Mwa!

Kamsahamnida! Saranghae. <3

-- Sehun's wife, Moi. LOL.

Chapter 23

Kisses’ Point of view

“Bakit tulala ka, ate Kisses?”

“H-ha? Ahh, wala. May iniisip lang.”

“Matulog ka na, bawal ka magpuyat. Sasamahan kita magpa-check up bukas. Good night ate,”

“Night.”

Inayos ko yung kumot niya para hindi siya malamigan. Niyakap niya yung unan sa tabi niya. Nakatulog siyang nakatalikod sa’kin. Huminga ako ng malalim. Bumangon ako at nagpunta sa terrace. 11 pm na. Niyakap ko ang sarili ko. Bakit ba bigla nalang lumamig?

Tumanaw lang ako sa labas hanggang sa nakarinig ako ng nagsalita.

“Bakit ngayon ka lang lumabas?” bigla akong napatingin sa right side ko. Nakita ko siyang nakatanaw din sa labas. Nasa kabilang room siya pero dahil magkatabi lang ang mga kwarto namin, kaya magkadugtong rin ang terrace namin. Dami ko yatang nasabi. :3 “Hindi ka ba nilalamig?”

“N-nilalamig pero kaya ko naman.”

Pagkatapos niya kong kausapin kanina, iba na ang naramdaman ko. Hindi naman ako manhid para hindi malaman yon. Sabihin na nating hindi ako sigurado at assuming pero anong magagawa ko? Umaasa rin naman ako pero bawal. </3

Niyakap niya ko ng matagal hanggang makatulog ako. Nagising nalang ako na nakahiga sa lap niya pero hindi siya nagreklamo. Kaya siguro ngayon, hindi pa ko inaantok.

Into Your WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon