Chapter 17: Last chance.

1.2K 29 2
                                    

NP: Peter Pan - EXO <3

Nanonood ako ng ISAC tapos biglang naka-goal si Lulu. Naalala ko tong IYW. SHET. Kelangan ko nga palang iupdate. HAHAHAHA! Ito naaaaa <3

Yeaaah. Peter Pan pinapatugtog ko habang naggagawa nitong update kanina sa school. ((:

--Oh Moi. ^^

Chapter 17

"Kisses..."

"Kilala nyo po si Ma'am?"

"Ahm..."

"Oo. Kaibigan namin siya." Si Chen na yung sumagot.

"Wow! Astig." Nakatingin lang ako kay Kisses non. Tumayo siya at dumiretso sa comfort room. Iniwan niya yung gamit niya sa table. "Ayos lang po ba kayo?"

Siguro napansin niyang nakatulala na lang ako sa iniwang table ni Kisses.

"Ahh, oo."

"Sige po, Sir. Balik na po ako sa trabaho. Alam ko na po kung bakit baliw na baliw sa inyo ang kapatid ko. Sobrang babait niyo pala."

"Salamat po sa inyo."

Maya maya umalis na rin siya. Nakatayo pa rin ako sa pwesto ko habang nakatingin sa pinto ng comfort room. Naalala ko tuloy nung makulong kaming dalawa sa cr ng boys. Damn. Yun ang oras na nakaramdam talaga ako ng kakaiba.

"Umupo muna kayo, Luhan at Chen. Bumili na rin ako para sa EXO-K"

"Sige po." Humanap ako ng pinakamagandang pwesto para makita ko kung lalabas na si Kisses. Maya maya rin naman lumabas na siya. Hindi na naman normal ang tibok ng puso ko.

"Parang... parang namumutla yata si Kisses?" Comment ni Chen. Yun din ang una kong napansin. Baka pagod lang siya. "Bakit ayaw mo pa lapitan? Mukhang aalis na siya oh."

Hindi na ko nakapagsalita. Nakita ko nalang na lumabas siya ng coffee shop. Tumigil siya sa may bench sa labas, umupo at pumikit.

Mas lalo ko siyang natitigan kahit malayo siya. Mabuti nalang pure glass dito sa coffee shop.

"Tara na boys."

Tumayo na si Chen. Kung hindi niya pa ko hinigit hindi ako makakaalis sa pwesto ko. Inalalayan niya kong parang may sakit dahil sa isang pwesto lang ako nakatingin.

Into Your WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon