Chapter 33: Ngayon na.

860 21 3
                                    

Chapter 33

Luhan’s Point of view

“THANK YOU SO MUCH, NEW YORK! HOPE TO SEE YOU AGAIN!” Sabi ni Kris. Ngumiti ako sa lahat. Kahit nakakapagod, masaya pa rin dahil sa mga fans na walang sawang sumusuporta sa’min. “WE ARE ONE, WE ARE EXO!”

Nag-bow kaming lahat. Nakangiti pa rin ako hanggang makarating kami sa backstage. Pumunta kami sa dressing room para magpalit ng damit. Maya-maya pumasok si manager.

“Today’s a success everyone! You did a great show! May party tayo after nito.”

Tumango lang ako at tinanggap ang bawat high five ng mga kasama ko. Pagkatapos kong magbihis, kinuha ko agad ang cellphone ko kay manager.

Napangiti ako ng may natanggap akong message galing kay Kisses sa Kakaotalk. Hindi ko pinansin ang ibang notification na lumabas sa cellphone ko. Tinignan ko agad ang message ni Kisses.

Mrs. Lu.

Right. Inedit ko ang pangalan niya at ginawa kong Mrs. Lu. Oh, well.

Mrs Lu: Kumain na ko kanina pa. Kamusta concert? – 8:30PM

Nagreply agad ako.

Sorry, ngayon lang ako nakapagreply. Katatapos lang ng concert. Successful naman. May party kami mamaya. Gusto kitang tawagan kaya lang baka nagpapahinga ka. Reply ka kung wala kang ginagawa. I love you, Kisses. – 10:25 PM

Nilagay ko ang cellphone ko sa bulsa ko bago dumiretso sa bus na sasakyan namin papunta sa ‘party’ daw namin. Siguro umaga ngayon sa Pilipinas. Palagi ko siyang sinasabihan na magpahinga dahil napapadalas din ang pagkakahospital niya. Nakakaramdam ako ng takot pero para kay Kisses, tinatatagan ko ang loob ko.

“Hyung, pagkatapos ng concert natin sa Spain, babalik ka sa Pilipinas?” tumango ako sa kanya. Chineck ko ang cellphone ko. May message galing sa kanya.

Mrs Lu: Nanonood ako ng tv. Napaiyak ka noh? Hihi. – 10:33PM

Naimagine ko agad siya habang tumatawa ng ganoon. Hindi ko mapigilang mapangisi. Lalo ko siyang namimiss. Magpo-four weeks na kong nalalayo sa kanya eh. Next week sa Spain naman kami. After noon, may 2 weeks kaming pahinga. Sa Pilipinas ako didiretso. Si manager na naman ang nag-aayos ng flight namin eh.

Nagreply agad ako.

Mrs. Lu: Psh. Medyo. Dami kasing nanood eh. :) May celebration party kami mamaya. Sana nandito ka. Miss na kita. – 10:35PM

Nakarating na kami sa venue. May konting fans sa paligid, siguro namukhaan lang kami. Ngumiti lang ako sa kanila. Sa totoo lang, mas gusto kong magpahinga. Aalis din kasi kami bukas para naman magpunta ng Spain. Hindi ko naman mapahindian si manager.

Kumain lang kami sa loob. Ni-rent pala nina manager to. Minsan sinisilip ko kung may message si Kisses, pero simula kanina hindi na siya nagrereply.

Maya-maya naglabas ng hard drinks. Kahit para sa mga managers, uminom ako ng kaunti. Hindi naman ako magda-drive kaya ayos lang kung makainom ako. Bawal lang malasing.

Lumayo ako ng kaunti sa iba para matawagan si Kisses. Sht. Medyo may tama na nga ako.

“Hello…”

“Kisses, I love you.”

“H-ha?” Napatigil siya sandali. “Oh, Luhan. Bakit ka tumawag?”

“Hmmm, I miss you.”

“What—oh, deer. Uminom ka?!”

“Hindi…”

“Aish! Bakit ganyan ang boses mo?”

“Ano bang boses ko?”

“Nevermind! Lasing ka. Baka may makakitang fan sa’yo!”

“Wala… I miss you so much, Kisses.”

“Kanina ka pa miss ng miss. Nasan mga kasama mo?! Baka naiwan ka na nila!” Narinig ko siyang medyo umubo. Parang bigla akong napabalik sa sarili ko.

“Inuubo ka?” Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong niya. Nag-alala agad ako. “Uminom ka ba ng gamot?”

“Medyo… medyo sinisinat ako eh. Pero ayos lang naman ako. Hindi na ko nagreply sa’yo dahil sabi mo may party kayo, baka makaistorbo ako.”

I sighed. “Kahit kelan, Kisses, hindi ka magiging istorbo.”

“Nope. Para sa inyo kaya yung party!”

“Whatever, Kisses. Pupuntahan agad kita pagkatapos ng concert namin sa Spain. Ayokong magkakasakit ka… bakit ba hindi mo inaalagaan ang sarili mo?”

Umubo ulit siya. Napahawak ako sa ulo ko. Hindi ko kayang malayo sa kanya ngayong may sakit pa yata siya. Tss.

“Pupunta na ko dyan.”

“SIRA ULO KANG LASING KA!” Napangiti ako sa lakas ng boses niya. Buti medyo nalayo ko sa tenga ko. Lastek. “NAPAKA MO! IBABABA KO NA TO. DI KITA NAMIMISS!”

In-end niya ang call. Napatitig ako sa cellphone ko kung saan si Kisses at ako ang wallpaper. I pouted. Hindi daw ako namiss. Tss.

Hindi pala ako namimiss ah? Tignan natin, Kisses.

Pero after 3 minutes, nagmessage ako sa kanya.

Mrs Lu: Joke lang, I love you! – 13:04 AM

Napatingin ulit ako sa oras. 13:04?! Ang tagal na pala namin dito! Tss!

Lumapit ulit ako sa pwesto nila. Nakita kong nagtatawan lang yung iba, yung mga managers naman medyo seryoso sa pinag-uusapan. Nagyakag na ko na bumalik sa hotel para makapagpahinga kami. Pumayag naman agad sila. Pagkarating ko ng hotel, natulog agad ako.

9AM na nung magising ako, nag-ayos agad kami para sa pagpunta sa Spain. Hindi ko rin nakalimutang i-message si Kisses.

Natapos ang concert sa Spain at masasabi kong successful rin to. Hindi na ko sumama sa party dahil pagod kaming lahat. Dumiretso lang ako sa hotel para magpahinga. Tinignan ko ang cellphone ko. Wala ulit message ni Kisses. Papunta na ko sa Pilipinas bukas. Simula ng pumunta kami dito sa Spain, hindi pa nagpaparamdam si Kisses.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan gamit ang kakao. Luckily, may sumagot. Ano kayang ginagawa niya? Buti naka-open ang account niya.

“Hello, Kisses?”

“Sino to?”

Kung hindi ako nagkakamali, lalaki ang sumagot. What the?!

“Ako yata ang dapat magtanong niyan, sino ka? Bakit hawak mo ang cellphone ng girlfriend ko?”

“Boyfriend ka ni Kisses?”

“Yes. Ikaw, sino ka?”

“Taemin.”

Biglang uminit ang ulo ko. Naalala kong nabanggit sa’kin ni Kisses ang pangalan niya dati. Kaibigan daw niya.

“Sinong Taemin?”

“Manliligaw niya.”

Lalong uminit ang ulo ko.

“Hindi ka niya sasagutin dahil ako ang boyfriend niya. Tigilan mo ko. Ibigay mo kay Kisses tong cellphone niya.”

“Tulog si Hershey. Binabantayan ko siya.”

“Nasan siya?”

“Sa bahay.”

Biglang nagpanting ang tenga ko. Inend ko agad ang call. Fcksht. Hindi ko mapigilang hindi magselos, nandito ako sa Spain. Malayo ako sa kanya. Samantalang yung ‘manliligaw’ niya eh binabantayan siya. Bwisit! Bwisit talaga!

Lumabas ako at nagmartsa papunta sa suite ni manager. Kumatok ako ng sobrang lakas. Halos hampasin ko ang pinto. Hindi ko kinaya ang narinig ko. Sht!

“Luhan.” Inaantok pa si manager paglabas ng pinto. Nakapajama na siya at halatang nabulabog ko sa pagtulog. “Anong kelangan mo? Matulog ka na. Magpahinga ka na.”

“Babalik na ko sa Pilipinas, manager. Ngayon na.”

“WHAT?!”

**

Into Your WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon