EPILOGUE

18.2K 521 68
                                    


EPILOGUE

[ THIRD PERSON'S POV ]

Nasa mainit na desisyon ngayon si Ash. Mahirap para sa kanya ang mamili sa pagitan ni Rieve at ni Oliver. Oo alam nating dapat madali na iyon sa kanya, pero paano kung napamahal na talaga sa kanya si Rieve, ngunit hinahanap naman ng puso nya si Oliver. Ano nga ba dapat ang piliin nya? Sino? Sino sa kanilang dalawa?

Umiiyak na huminga ng malalim si Ash.

" You can do this..."-pagpapanatag ni Rieve, pilit syang ngumiti kahit nasasaktan na.

Pumikit si Ash at humakbang ng isa papalapit sa kanya.

" Choose with no regrets. "-payo nito.

Ngunit patuloy na humakbang ng isa pa si Ash. Umiiyak sya habang humahakbang papalapit kay Rieve.

Hindi alam ni Rieve ang magiging reaksyon dahil kaunti na lang at malapit na si Ash papalapit sa kanya.

" Ash! What are you doing? "-tanong ni Rieve. Siguro tatlong hakbang nalang at nasa unahan na ni Rieve si Ash. Alam nyang naguguluhan lang si Ash sa desisyon nya kaya pinipigilan nya itong lumapit sa kanya.






Pero nung dalawang hakbang na lang, biglang tumunghay si Ash at pilit na nagsalita. " Rieve I'm sorry. "-nahihirapang magsalita si Ash dahil na rin sa pagkakaiyak.

Lumapit si Rieve at niyakap si Ash. " You have a better choice. "-sabi nito habang hinahaplos ang buhok ni Ash.

" Alam ko namang sya ang pipiliin mo. "-dagdag nito.

Patuloy lamang sa pagyakap si Ash ngunit natigil ito nang marahang alisin ni Rieve ang pagkakayakap nito sa kanya. " You better go now. Baka hindi mo na sya makita pang muli. "-sabi ni Rieve.

Napakunot ng noo si Ash. " Anong ibig mong sabihin. "-nahihirapan mang magsalita ay pinilip nya pa rin.

" I saw his post on facebook. He book a flight to Manila later. You must stop him. "-aniya.

Nagpahid naman agad ng luha si Ash. Tatakbo na sana sya ngunit pinigilan ito ni Rieve. " Wait.... your cloths."-napatingin naman si Ash sa suot nya.

" Okay lang to. "-nag-okay sign sya at ngumiti.

Mabilis na tumakbo si Ash para pumara ng taxi. Wala na syang pakialam sa suot nyang ternong pantulog na spongebob. Baka kasi hindi na nya maabutan si Oliver. Mamaya pa namang 3PM ang flight nya at 10AM palang ngayon kaya minabuti nyang magtungo muna sa hotel na pinagdalhan sa kanya nung nakaraang magkita sila.

Nagbayad agad sya sa taxi driver at bumaba na. Hindi man lang nya hinintay ang sukli bago tumakbo. Malamang pagsisisihan nya iyon dahil malaking pera ang naibigay nya.

[ ASHFAITH's POINT OF VIEW]

Tumakbo agad ako sa loob ng hotel na pinagdalhan sakin ni Oliver, nagbabakasakali kasi akong dito muna sya namalagi. Wala pa naman akong ideya kung saan sya nagpupupunta. Pero sana nga nandito sya.

Dumaretso ako sa counter para itanong kung saan nakastay-in si Oliver. Nagtaka pa ako nung batiin ako ng isa sa kanila.

" Hello Ma'am. It's nice to see you again po. :) "-sabi nung babae na mukhang Filipina din. Tinignan ko naman ang name nya na nakakabit sa damit nya. Ms.Sandoval.

Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now