CHAPTER TWENTY-ONE

18K 652 21
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ilang minuto din kaming nasa posisyon na yon.

Hindi ko alam ang gagawin.

Natapos ang kiss na yon nung bitawan nya ang pisnge ko.

" Oliver. "

Napatungo sya.

" I'm sorry. "

Pagkasabi nya non, bigla na lang syang umahon at iniwan ako na nasa tubig. Buti na lang nasa mababaw na kami.

Anong nangyayari sa kanya?

Pagkatapos nya akong halikan ganon ganon na lang? Magsosorry sya tapos iiwan nya ko? Ano bang nangyayari sa kanya? Ang labo naman nya.

**

Umuwi na agad ako. Pagkatapos kong magbanlaw samin, dumaretso agad ako sa kwarto ko. Gusto kong magmukmok sa kwarto.

Iniisip ko pa rin yung halik na yon. Ano bang ibig sabihin non para sa kanya? May meaning ba talaga yon? Para sakin, oo! May ibig sabihin yon! Hindi nya ko hahalikan kung wala syang nararamdaman para sakin.

Tinignan ko ang cellphone ko, wala man lang text ni Oliver. Nagbukas din ako ng messenger. Wala din. Active 10 hours ago. Hindi pa sya nag-oonline simula kanina? Waaa, Oliver wag mo naman akong pag-isipin ng ganito oh.

* 2 hours ago *

Hindi pa rin ako nakakatulog. Nakatingin lang ako sa cellphone ko at nagbabakasakaling magtext o magchat sya, pero wala e. Tinatawagan ko din ang number nya, pero hindi nya sinasagot. Nababaliw na ko.

*Plink*

From Oliver:

Ash, sorry. Kalimutan na lang natin yung nangyari kanina.

Seryoso sya? Ganon ganon na lang yon? Kakalimutan ko na lang yon? Ano bang nangyayari sa kanya?

Nagreply ako sa kanya. Hindi pwedeng ganon ganon na lang.

To Oliver:

Mag-usap nga tayo. Pumunta ka sa park. Nandon ako.

Pagkasend ko non, naghanap ako ng jacket. Tumakas ako kay Mama. Tulog na naman yon kaya madali akong nakatakas.

**

Dadating ba sya o hindi. Kanina pa ko dito e. Chinecheck ko din ang cellphone ko kada minuto.

Oliver ano ba? Pinahihirapan mo naman ako e! T^T

Mukhang wala akong mapapala dito. Delikado pa naman dito kapag gabi. Mas mabuti pa atang umuwi na lang ako.

Habang naglalakad ako, tumutulo yung luha ko.

" Sigurado akong may meaning yon e. "

Umiiyak ako habang naglalakad.

" Puta ka Oliver! Bakit ba ganyan ka? Napakapa-fall mo! "

Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now