CHAPTER SIX

25K 850 18
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



―Ashfaith Hernandez―


✉✉✉



Waaa, buti na lang at nakalayo agad ako sa kanila. Wushu. Napagod ako. Pero teka, oo nga pala, hindi ako makakaligtas sa kanila kasi kaklase ko sila at ang mas malala, katabi ko pa ang tatlo. Kung pwede nga lang magditch ng class. Kasi naman sya, 'pakiss' daw ba? Syempre magugulat ako don kaya nasuntok ko sya. Mahilig pa naman akong manuntok.

Nagpunta muna ako ng canteen para bumili ng pagkain. Nakahinga ako ng maluwag nung makalabas ako ng canteen na walang nakitang Oliver, Deniel at Patrick. Nilagok ko na yung binili kong softdrinks at kinagatan na ang hamburger.

*KRINGGGG* KRINGGG* KRINGGG*

Hala, ang bilis naman ng recess. Ayoko pang pumasok sa room namin. Napansin kong nawawala na ang estudyante sa ground at pumapasok na sa kanya kanyang rooms. Ayoko talagang pumasok.

Naglakad pa rin ako papuntang room. Kinakabahan ako. Nasa tapat na ako ng pinto, bubuksan ko na lang at eto na. Dahan dahan ko iyong binuksan. Nakapikit pa ko habang binubuksan yon. Hindi pa ko pumapasok kasi baka may trap sina Oliver.

Pero nagkamali ako. Nakita ko silang tatlo na tahimik at may kanya kanyang ginagawa. Gumuhit naman sa bibig ko ang malapad na ngiti. 'Yes' Hindi sila gumanti. Masaya akong binuksan ang pinto ng pagka-wide na wide.

"Good morn—"

*Plok*
*Plok*
*Plok*

"Hahahahahahahahahahahahahahaha!" sila

*Plok*

"Hahahahahahaha!" sila


Tinignan ko muna sina Oliver na tuwang tuwa doon at pinagtatawanan ang nangyari sakin bago ako tumakbo papalayo. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nakakahiya yung nangyari sakin, sa harap pa talaga ng maraming tao. Sino ba ang hindi mapapahiya sa mahulugan ng apat na ilog sa ulo. Masakit na, malansa pa sa buhok.

Hanggang ngayon, umiiyak pa rin ako habang pinupunasan ang malansang itlog sa buhok ko. Ang daming dilaw.

"Nakakainis naman oh! Sobra naman yung ganti nya saken." Nabubwisit ako habang pinupunasan yung buhok ko. Kawawang buhok.

Nagulat naman ako ng may mag-abot ng panyo sa harapan ko. "Here." boses lalake. Huh? Sino kaya 'to?

Inabot ko yung panyo na ibinigay nya. Hindi ko alam kung saan ko ipupunas, sa luha ko o sa buhok ko? Nakakahiya naman kung sa buhok ko ipupunas kasi may itlog, pero mas nakakahiya kung singahan ko yon. Pero pinunasan ko na lang yung luha ko.

"Hayaan mo na lang sina Oliver." naramdaman kong umupo sya sa tabi ko.

"Hayaan? Eh grabi naman sila gumanti e. Nakakasakit na."

"By the way, I'm Keith Tolentino." inabot nya sakin ang kamay nya.

" Ash—"

"Ashfaith Hernandez. " Alam nya pangalan ko eh di pa naman ako tapos magpakilala.

"Pa-pano mo nalaman ang pangalan ko?" nacurious ako kung bakit.

" I.D. Hahahaha. "

Napakamot ako sa ulo. "Ahh, hahahaha. Oo nga pala, may ID nga pala ako. Hehe. "

"Maligo ka na muna kaya. Ang lansa ng buhok mo." Sabi ni Keith.

"Paano ako maliligo eh wala akong towel at sabon? Tsaka shampoo."

"Halika. Samahan kita." Pagkasabi nya non, hinawakan nya ang kamay ko at binitbit kung saan. Lambot ng kamay nya. Parang hindi lalake.

Nakarating kami sa isang, parang room ng isang player.

"Nagtataka ka siguro kung bakit dito tayo nagpunta no?" ays, paano nya nalaman? ID na naman ba?

"Hahaha, oo." sagot ko.

"Varsity kasi ako ng basketball kaya dito kita dinala. May towel din dito, may extra naman ako kaya yun muna ang ipapagamit ko sayo."-habang sinasabi nya yon ay kinukha na nya yung mga gagamitin ko. "Tsaka yun ang CR, ilock mo ha, hahahaha. May shampoo at sabon na din don. Hintayin na lang kita matapos. "

"Salamat."kinuha ko na yung towel na binigay nya. Nagtungo na din ako sa CR.

Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now