CHAPTER FORTY-FIVE

14.4K 498 6
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





OLIVER's POINT OF VIEW

Nasa ospital ako ngayon kasi inatake na naman si Mama. Akala ko ba tapos na ang operation pero bakit nakakaramdam pa rin ng sakit si Mama.

Tinawagan ko agad si Ate Olivia para i-confirm kay Papa ang nangyari kay Mama.

Hindi na ako pinapasok ng doctor sa loob kaya mas minabuti ko na lang na hantayin sina ate Olivia.

--

Matapos ang ilang minuto ay dumating na sina Ate.

" What happen? Anong nangyari kay Eomma? "-agad na yumakap sakin si Ate tapos tumabi sa upuan ko. [Eomma=Mama]

" I dont know what is the exactly happened to her, yaya call me. Bakit ba walang nagbabantay kay Mama sa mga oras na yon? "-pagalit kong tanong kay Ate.

" Nasa office ako non and I know na si Papa ang nagbabantay kay Mama. "-napasuntok tuloy ako sa pader sa sinabi nya. Nakina Patrick kasi ako nung time na yon. Eh hindi ko naman alam na susumpungin si Mama edi sana ako na lang ang nagbantay. Psh!

" Bakit ka pumasok sa office? Alam mo namang busy-person si Papa, malamang iniwan na naman nya si Mama. "-pangangaral ko kay Ate.

" Oliver ano ba? Wag ka ngang ganyan kay Papa--"

" Ate wag ka ding ganyan kay Mama! Lagi na lang si Papa ang kinakampihan mo! Akala ko ba ayaw mo ring mawala si Mama pero bakit hinakayaan mong maiwan sya mag-isa? Anong klaseng anak ka--" -hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita ng masakit kay Ate. Oo, deserve ko naman yung sampal nya sakin e.

" Wag mo kong pinagsasalitaan ng ganyan Oliver! Ate mo pa rin ako! "-dinuduro duro nya ako tapos umiiyak na sya. " Hindi ko kinakampihan si Papa at wala akong kinakampihan sa kanilang dalawa. Parehas ko silang mahal Oliver kaya wag mong isusumbat sakin na namimili ako. Oliver, mahal na mahal ko din si Mama like you love her. Ayoko din syang mawala. "

Natigil ang drama ni Ate nung nagbukas ang pinto.

" Doc what happened to my Mom? Is she alright? "-tanong ko.

" As of now, she's fine but we need to pray also for her third operation. "-sabi ng doctor

" What? Third Operation? --Hindi na ba kayo naaawa kay Mama? "-sabi ko.

" But she need it to survive. "

Nag-init na agad ang ulo ko, baka kasi mamaya masuntok ko na tong doctor. Mas minabuti ko na lang na umalis kesa makita ko si Eomma na nasasaktan sa mga aparato na nilalagay sa kanya. Ayoko nang nakikita syang nahihirapan. T^T

May pag-asa pa ba talaga para mabuhay sya? Worth it pa ba kung papakasalan ko si Chloe? Worth it pa ba ang paghihirap ni Mama? Worth it pa ba ang paggigive up ng love para kay Ash? Worth it pa nga ba ang lahat ng sacrifice na 'to?

I think WALA NA! Wala ng saysay pa kung magpapakasal kami ni Chloe. Nahihirapan na si Mama sa operations na ginagawa sa kanya. Hindi naman sa sinasabi kong ' Give up' na ako, mahirap lang kasing makita si Mama na kada opera may susunod na operation ulit.

Pumunta na agad ako sa De Servantes Village para ikumpirma sa kanila ang desisyon ko. My FINAL DECISION.

" Magandang gabi po Sir Oliver. "-bati sakin ng maid.

" Where's Chloe and Mrs. De Servantes? "-maawtoridad kong tanong.

" Nasa loob po sila Sir. "

Bago pa ulit sya makapagsalita, naglakad na ako papasok sa loob. Sakto naman nung pumasok ako, nasa dinning area sila at kumakain.

" Oh Hijo, what are you doing here? "-tanong ng Mommy ni Chloe.

Agad na tumayo si Chloe at pumunta sakin. Hahalikan nya sana ako ng hawakan ko ang braso nya.

" Stop it. "

" Why? Diba kaya ka pumunta dito para dalawin ako? Bakit ayaw mo pang magpahalik? "-nang-aasar na tono nya.

Nanunuod lang samin ang mag-asawa. Si Mr. De Servantes na kanina pa masama ang tingin sakin at si Mrs. De Servantes na kanina pa nakangiti habang nakatingin sakin.

" I will straight to the point. "-inilapag ko ang dalawa kong kamay sa mahabang lamesa nila. " Wala ng magaganap na kasalan sa pagitan namin ni Chloe. "

" WHAT?! "-sabay sabay ang tatlong nakatingin sakin.

" Oliver ano ba to? "-sabi ni Chloe.

" Alam ba to ng Papa mo? Do you know what you are saying? "-dugtong ni Mrs. De Servantes.

Tinignan ko ng masama si Chloe. " HINDI KO GUSTO ANG ANAK NYO. "

Bigla namang tumayo si Mr. De Servantes at sinuntok ako. " How could you say that in the front of us?! "-namuo ang malakas na boses ni Mr. De Servantes sa loob ng mansion.

Sinuntok pa nya ako ng isa. At susuntukin pa dapat nya ako pero pinigilan ko na ang kamay nya. " Do you want to know why I dont like you daughter?"-pinahid ko muna ang tumulong dugo sa labi ko. " Because she's slut! "

Namuo na ang galit sakin ni Mr. De Servantes at sinuntok pa ako ng sinuntok. Naririnig ko lang na umiiyak si Chloe and she trying to stop her Dad by kicking and punching me. I need to do this para lalong magalit sakin ang Daddy nya.

Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now