CHAPTER TWENTY-SIX

16.6K 555 7
                                    


ASH IS ON THE MEDIA. <3

 <3

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



ASHFAITH'S POINT OF VIEW

Natapos namin ni Keith yung experiment. Nai-record na din namin yung mga equation and answers ng bawat questions. Proud na proud ako sa sarili ko dahil nagawa namin yun ni Keith ng walang kalat--este makalat pala kami. Walang kalat --- I mean is yung walang ulit, walang palpak at walang inisan. Perfect ang lahat. Hahahaha.

" Oh Keith. Pano ba yan? Kita na lang tayo on Monday. :) "

" Hahahaha. Sige. Ako na magliligpit nito. "

" Hahahaha. Okay lang? "

" Oo naman. :) Hintayin mo na lang ako dyan. "

" Ha? Bakit? Uuna na din kasi ako. Mamaya gabihin pa ko nito. "-isinakbit ko na ang bag ko.

" Hindi. Umupo ka dyan. Hindi ka naman siguro masusundo ni Oliver e. Mas mabuti pang ihatid na lang kita. Baka kung ano pang mangyari sayo. "

" Naks naman. Nag-aalala ka pa rin sa beauty ko. Hahahaha. Char lang. "

" Hahaha. Baliw ka talaga. Syempre mag-aalala ako sayo. "

Natahimik kami ni Keith. Tinignan ko din sya.

" Diba nga, kaibigan kita. Mag-aalala talaga ako sayo. Konsensya ko pa pag may nangyari sayo diba. Hahahaha. "-napangiti na lang ako kay Keith. Kahit kelan talaga, iba din si Keith e.

Natapos na syang magligpit. Pinaandar na nya din yung sasakyan nya. Parehas na kaming bumaba. Pinagbuksan nya muna ako ng pinto ng sasakyan bago sya pumunta sa driver's seat. Gentleman talaga neto.

Ilang oras din kaming nagbabyahe pero tahimik lang si Keith. Bakit kaya? Hindi tuloy ako mapakali sa upuan ko.

" Is there any problem? "-nakangiting tanong ni Keith.

" Ha? Ah eh-- wa-wala. "

" Ah alam ko na. Magsoundtrip na lang tayo para hindi nakakabingi yung tahimik na emo natin dito. Hahahaha. "-nice idea Keith.

" Mas mabuti pa nga. Hahahaha. "

Binuksan na nya yung radio sa kotse nya. Saktong chorus agad yung tumunog sa radio. Nagkatinginan tuloy kami ni Keith. Bakit kasi ganun pa yung kanta? ' That Should Be Me by Justin Bieber. '

" Hahahaha. Nang-aasar ata yung kanta. "-sabi ni Keith. Waaaa. Nang-aasar nga yung kanta mga besh.

" Hahahaha. "-hindi ko alam ang sasabihin ko e. Tawanan ko na lang.

" Ililipat ko na lang. "-inilipat na ni Keith yung channel ng radio. Mas okay naman yung ngayon kesa kanina.

Nakailang songs na kami at salamat naman na nakauwi na kami.

Pinagbuksan ako ni Keith ng pinto ng kotse at pinagbukas din ako ng gate. Hahahaha. Naman.

" Oy salamat ha. "

" Tss. As always. Hahahaha. Osige na. Gabi na din. Pumasok ka na. "

" Basta, babawi na lang ako sayo. Sabihin mo lang sakin kung may nililigawan ka na ha, ako ang lalakad sayo. Hahahaha. "-tinaas taas ko pa ang kilay ko para matawa sya. And yey, tumawa nga sya. Hahahaha.

" Hahahahaha. Puro ka talaga kalokohan. Hmmm once na may magustuhan ulit ako, ikaw ang una kong pagsasabihan. "-ginulo nya ang buhok ko at niyakap ng kanyang braso. Parang nasasakal tuloy ang leeg ko. Hobby nya yan sakin e.

* Kringggg* Kringgg*

Bigla namang nagvi-vibrate at tumunog ang cellphone ko.

" Si Oliver ba yan? "

" Oo e. Ano na naman kayang problema nito? -- Teka lang ha. "-kinuha ko ang cellphone sa shoulder bag ko.

" Ahmm, sige. Aalis na din kasi ako. Take your time. :) "

"Salamat nga pala ulit Keith. Sa uulitin. Ingat sa byahe. "

Dali dali kong sinagot ang tawag nung Bip na yon.

" Oh Bip anong problema mo? Bat ngayon ka lang tumawag? "

[ Kasama mo pa rin ba si Gunggong? ]

" Ha? "

[ Si Keith kung kasama mo pa? ]

" Hindi na. Kahahatid nya lang sakin ngayon. "

[ Nakapasok ka na sa bahay nyo? ]

" Bat ang dami mong tanong? Daretsuhin mo na nga ako. "

May pakeme keme pa kasi syang nalalaman. *pout*

[ Wag kang aalis dyan. Susunduin kita dyan. Gusto kitang makita. ]

Bigla na naman nyang pinatay agad.

Ano naman kayang problema nun. Pero infairness, kinikilig ako sa sinabi nya. Yieeee.

' Gusto kitang makita '

Hindi na tuloy naalis sa isipan ko yon. Hahahaha. Nakakabaliw. Pambihira!

Nag-antay lang ako ng limang minuto kay Oliver. Natanaw ko na kasi yung motor nyang all black.

Nasilaw naman ako sa ilaw ng motor nya.

" Hoy Bip, patayin mo na nga yan ilaw. Nakakasilaw ka. "

Medyo malayo pa lang sya sinigawan ko na. Eh nakakasilaw naman talaga e.

Tumigil sya sa tapat ko. Aba naka lether jacket pa ah. Pa-gangster si Bip.

Nung inalis na nya yung helmet, anak ng tupa! Ang gwapo talaga neto. Na-inlove ako sa mata nito e. Bat kasi parang iba yung mata nya! Pang korean e. May lahi ba syang Koreano? *pout*

Hinawakan nya ang kamay ko tsaka isinuot nya sakin yung helmet na isa pa.

" San tayo pupunta? "

Inilagay nya ang kamay ko sa bewang nya at ipinayakap sa kanya.

" Hoy Oliver. Gabi na. San ba tayo pupunta? "

Hindi nya ko sinasagot. Dare-daretso lang sya sa pagdadrive. Dahan dahan lang yon at ang sarap sa pakiramdam ng hangin. Pero teka, san nya ba ko dadalhin? 

Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now