CHAPTER TWENTY-TWO

18.6K 668 11
                                    

 -Ashfaith Hernadez-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



-Ashfaith Hernadez-

Medyo late na ko nung nakapasok ako sa school. Balak ko sanang umabsent pero may special quiz kami sa English. Ayokong mahulog dahil lang sa isang subject na yon.

Pinilit ko pa ring pumasok kahit na nilalagnat pa ako. Hindi ko na lang sinabi kay Mama yung mga nangyari kasi baka mag-alala pa sya. Kahit naman sabihin ko sa kanya yung nangyari, hindi pwede e, nangako ako kay Mama na hindi muna ako magsosyota. Ayokong sabihin kay Mama na may humalik na sakin. >.<

Pumasok ako sa room namin na walang gana. Masakit pa din kasi ulo ko.

" Look who's coming! Hahaha. "

Hays, pati ba naman tong tatlong bruhang to, makikisali pa sa sakit ng ulo ko?

Inilagay ko na lang yung bag ko sa upuan tapos umupo ako at inilapat ang ulo sa lamesa.

" Hey! "

Hinawakan ni Andrea ang buhok ko tapos pinalipad sa hangin.

Psh, ano bang problema nito?

" Hoy! Bingi ka ba o nagbibingi bingihan. "

Hinampas naman ni Trinny ang balikat ko. Masakit na ha!

Tumunghay ako at hinarap ang tatlo.

" Ano na naman ba ang pinuputok ng butsi nyo ha? "-tinaasan ko ang boses ko kahit medyo paos ako.

" Bakit absent si Oliver kahapon! Bakit wala sya? Magkasama ba kayo? "-tanong ni Andrea.

Napahampas ako sa table at napatayo.

" Tanungan ba ako ng mga taong nawawala? "-pagkasabi ko nun, tumayo na ako dahil baka kung ano pang magawa ko sa tatlong bruhang to!

Hinigit ni Andrea ang buhok ko.

" Wag kang pilosopo! Wala pang gumagawa nyan sakin! "

Tinabig ko ang kamay ni Andrea.

" Edi magaling pala na ako ang pinakaunang nakasagot sayo ng pabalang! --Alam mo, kung gusto mong malaman kung nasan si Oliver, edi puntahan mo! Hindi yung ako ang tinatanong mo! "

" Fuck you! Wag mo kong sinasagot sagot ng ganyan kung ayaw mong sampalin kita! "

" Sige ituloy mo! "

" Sinusubukan mo talaga ak--"

*Pak*

" Ang bagal mo! Puro ka satsat! "

Inunahan ko na ng pagsampal si Andrea. Yung sampal na lagitik at yung sampal na gusto kong isampal kay Oliver.

Lumabas na ako sa room, walang pupuntahan ang pagsasagutan namin ni Andrea. Sumakit kasi lalo yung ulo ko! Pft.

Hi Chat Love On - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon