CHAPTER SIXTEEN

18.5K 658 2
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ashfaith Hernandez

" Hoy Ash yung cellphone ko! " Nabalik ang diwa ko nung kumatok ulit si Oliver.

Mas lalo akong naguluhan sa nakita ko. Mas lalong dumami ang mga tanong. Gusto ko na talaga syang tanungin!

" O-oo sandali lang. Binubura ko lang! "-nabura ko na naman e, nagsinungaling lang ako sa kanya. Ibinalik ko ulit sa camera yung cellphone nya.

" Oh ayan na! --Kung gusto mo kasing picturan ako, magpaalam ka na lang. Po-pose pa ko kung gusto mo. "-nagkunwari akong hindi ko nakita yung nakita ko ..

" Psh! Ipopost ko pa naman sana sa wall ko yon! Bahala ka na nga, tutulog na ko! "

" Bat dyan ka pupunta? Ayun ang kama mo diba? "-humiga kasi sya sa sofa, ano na namang nangyare dito?

" Ikaw na dyan sa kama. Nakatulog na naman ako dyan kagabi e. "-pagkasabi nya non, nagtaklob na sya ng kumot.

Hindi naman maalis sa labi ko ang ngiti.

**

Hindi na naman ako makatulog. Sinilip ko si Oliver sa sofa, tulog na. Aba buti natitiis nya.

Bakit kasi ganon? Tuwing pipikit ako, nagpaflash yung nakita ko kanina. Ano bang ibig sabihin non? Sigurado akong may meaning yon e! Waaaaaa. Kailangan ko ng sagot! Makukuha ko lang yun kung tatanungin ko si Oliver. Pfft. Kaya ko to! Tatanungin ko na sya bukas. Promise. Huhuhuhuhu. Curiousity kills me!

Pinilit kong matulog kahit di ako makatulog.

Zzzzzzzzzzz.

Waaaa. Bat ang aga ko magising? Anong oras na ba? 5:25 AM lang oh. Tsk. Bahala na nga.

Pagkatapos kong maligo, pumunta ako sa may tapat ng pool. Iniwan ko muna si Oliver, tulog pa naman sya e.

Mag-iisip din muna ako kung paano ako magtatanong sa kanya. Waaaaa, ako ba talaga ang gagawa ng move? Oo na nga lang! Ang dami na talaga kasing nagstock na tanong sa utak ko e. Mababaliw na ko. Nakakabaliw si Oliver! Pota.

Paano ko nga ba itatanong sa kanya yon?

Makapagrehearse muna. Hays.

Umupo ako dun sa isang table na may taklob na rainbow umbrella, nakaharap ako sa pool. Ang ganda naman ng pool. Sayang lang kasi di ko sya magagamit kahit kailan. Hays. :(

" Hoy Ash! "

Nagulantang ako sa boses na narinig ko. Hay nako! Bat nandito sila? Sinusundan ba nila ako? Bwisit naman oh! Di ako makakapag-isip.

Tinignan ko lang sila.

" Umalis ka dyan! Pwesto namin yang tatlo! "-tangina? Talaga lang ha? Kung saan ako nakapwesto yun pa ang kukunin nila? Ang dami kayang vacant table.

Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now