CHAPTER TWENTY-FOUR

17.6K 618 11
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Ashfaith's Point of View

Loko talaga ang lalaking yon. Hay nako makatulog na nga lang.

**

" Nak gising na. Nandito na si Oliver! "

Narinig ko pa lang yung pangalang 'Oliver' nagmulat na ang mata ko.

Akala ko ba 10 o'clock sya dadating. Ano pa lang ba ang oras ngayon?

Tinignan ko ang oras sa orasan ko.

' 7:05AM '

Pambihira! Alas syete pa lang pala. Eh bakit ang aga nya.

Bumaba na agad ako kahit nakapantulog pa ako.

" Bakit nandito ka na agad? Akala ko ba mamaya ka pa dadating. " -nagmamadali akong bumaba ng hagdan. Kainis kasi tong lalaking to e.

Nginisian nya lang ako at tinignan mula ulo hanggang paa. Anong problema nito?

" Seriously? "-tumaas pa kilay nya. " Pati ba naman pantulog, spongebob pa rin? Hahahaha. "-kyaaaa. Oo nga pala. Spongebob nga pala ang tatak nito.

" Ano namang pake mo? Teka, bat nga kasi ang aga mo? "

" Hindi mo man lang ba ako papaupuin or ipapakilala muna kay Mama--este sa Mama mo? "-nagpamulsa pa ang loko. Tsk tsk.

" Sige na umupo ka na. Tatayo ka din naman mamaya. "

Ngumiti sya tapos umupo. Tumingin ako kay Mama.

" Ma, si Oliver nga pala--"

" Manliligaw po ng anak nyo. "-bwisit. Unahan daw ba ako? Sya din pala ang magpapakilala hindi pa kanina. Daming arte nito.

Pinalo ko si Oliver sa braso.

" Aray. "

" Napaka arte mo kasi. "

" Hahahahaha. Ahm, hello po tita, Oliver Gonzales po--ang pinakagwapo sa LCU. Ako din po pala yung inaasam asam ng anak nyo. "-aba't napakayabang ah. Pinalo ko nga.

" Ano bang pinagsasasabi mo. Mahiya ka nga. "

Halos kanina pa tawa ng tawa si Mama. Hindi na nga sya makapagsalita dahil sa katayawa tapos pinagpapantasyahan pa ata ni Mama si Oliver, titig na titig kasi sya.

" Hay nako, kayo talagang dalawa. Anak, maligo ka muna, mag-uusap lang muna kami nito ni Oliver. Ako muna ang bahala sa kanya. "

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni Mama. Baka akitin ni Mama si Oliver. Hahahahaha.

" Okay Ma. "-tumingin ako kay Oliver. " Hoy Bip, wag kang gagawa ng kung ano ano ha. Behave ka lang! "

" Anong akala mo sakin? Badboy? "

Hi Chat Love On - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon