CHAPTER SEVEN

23.6K 782 14
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Oliver Gonzales


Tss, napilitan akong pumunta sa guidance office. Ang dumi dumi ko, may toyo na ko sa damit, may putik pa, duguan pa ang labi ko, pero hindi pa rin naman nawala yung pagkapogi ko.

Nakakainis naman kasi si Keith, ang hilig mangialam! Bwisit! Nakaupo kaming tatlo sa harap ng table ni Mrs. Jen ang guidance.

"Oh my god, I'm so disappointed, Mr. Tolentino, alam mo naman na ikaw ang vasity at captain ng basketball, nakipag-away ka pa, maaapektuhan ang pagiging player mo nyan." Tsss, buti nga sa kanya, napakayabang nya kase.

"At ikaw, Mr. Gonzales, pang-ilang warning mo na 'to? Last one na lang at mapapatalsik ka na sa school na 'to. I'm sorry tosay that, pero makikick out ka pag nagkataon."-seryoso ang mukha ni Mrs. Jen.

"Pero Ma'am, hindi nyo pwedeng gawin yon."-tutol ko.

"Pwede naming gawin, ang papa mo na ang nagsabi, at kung makikick out ka na dito, sa states ka na daw papasok." Hayss, nangialam na naman si Papa.

"Pati ikaw, kababae mong tao gumagawa ka ng gulo. Hays, frehmen ka pa ata. I want to see you parents tomorrow."-nginisian ko si Ash. Hahaha. Buti nga.

" Ma'am busing tao po si Mama. Baka po—"

"No buts, no ifs! Pupunta sya dito! "-napapalo pa sa desk si Mrs. Jen.

" Okay po. "

" At dahil sa gulo na ginawa nyo, 1 hour kayo dito. Kumuha kayo ng anim na makapal na aklat at hatiin nyo and then put it in your 2 hards.. Hindi kayo aalis dito! And that is your penalty!. " Ayoko sanang kumuha ng books pero hindi aalis ang gurang na to hangga't hindi kami kumikilos. Si Keith at si Ash kumuha na. Tamad na tamad akong kumuha ng anim na aklat. Nakakainis!

**

30 minutes na ata kaming nakatayo. Nakakangalay na. Tinignan ko lang yung dalawa. Si Keith ganon pa rin ang itsura, parang hindi napapagod e. Malamang player. Sinilip ko din naman si Ash, pinapawisan na at kagat labi na. Nangangalay na ata.

"Okay, babalik ako! Aalis lang muna ako saglit dahil pinatawag ako ng principal. Subukan nyong alisin yang aklat, masususpend ko kayo! "-lumabas na si Mrs Jen at isinarado ang pinto.

"Waa, nakakangalay!"-aniAsh.

" Psh, di lang naman ikaw ang nangangalay. "-sabat ko. Napansin kong inalis ni Keith ang aklat nya sa dalawang kamay.

"Hoy Keith, ang daya mo ah!"-puna ko. Lumapit si Keith kay Ash at kinuha yung tatlong aklat na nakapatong sa kaliwangkamay ni Ash at inilipat sa kanya. Psh, pasikat!

"Bawasan ko na lang muna yang aklat mo."-nginitian pa ni Keith si Ash.

" Seryoso? " ani Ash. Ibinaba ko din yung aklat ko at lumapit kay Ash.

"Ngayon lang 'to!"-kinuha ko yung tatlong natitirang aklat nya at inilagay kosakin. Nakita ko namang napakunot ng noo si Ash. Problema nya?

-Ashfaith Hernadez-



Seryoso? Sabihin nyo nga? Tinulungan ba ako ni Oliver? Ehe? Pero infairness, kinilig ang lola nyo. Hahahaha. Pero kahit na, kasalanan nya pa rin 'to, pero hindi ko talaga mapigilan yung kilig. Ang gulo ko talaga kahit kelan. May pagkabilopar din pala tong lalaking to. Minsan nakakainis, minsan mabait, minsan nakakakilig.

Natapos na yung penalty namin kaya pinalabas na kami ni Mrs. Jen, nabasa ko lang yung pangalan nya dun sa table nya kanina. Guidance councillor pala sya dito. Magpapasalamat pa sana ako kay Oliver pero wag na lang, baka lumaki pa ang ulo. Nauna syang lumabas samin ni Keith. Ayy uwian na pala. Kinuha lang namin ni Keith yung bag namin tapos sabay na kaming naglakad papalabas ng school. Hindi ko na din nakita sina Oliver at ang barkada nyang badboys.

"Salamat nga pala kanina ha."-ngumiti ako ng malapad kay Keith.

"San?"-ay sige Keith, patay malisya ka.

"Dun sa pagtulong mo sakin kay Oliver, nakipagsuntukan ka pa talaga tsaka dun sa pagbawas ng aklat. Hahahaha. Galing mo nga eh, di ka nangalay masyado
."-tinapik ko ang braso nya.

"Eh kung hindi ko ginawa yon baka mamaya kung ano na ginawa sayo ni Oliver."-napatingin naman ako sa galos nya sa labi tsaka sa may kilay.

" Masakit pa? "-tanong ko.

"Di na. Mga 1 week wala na din to."

Hindi namin napansin na nasa gate na pala kami. Magko-cross na kami ng dadaanan ni Keith. Nasa right side yung kotse nyang itim tapos nasa left side yung mga tricycle .

"Una na ko ha. "-nagwave ako ng hand sa kanya.

"Sige. Next time ihahatid na lang kita. May pupuntahan kasi ako ngayon. Ingat."

**

Nakauwi na ko samin, mga 6PM around ako nakarating. Nakita ko si Mama na nagluluto ng hapunan namin. Shit, pupunta nga pala sya bukas sa school. Hayss, ano ba yan, napakabad news naman ng ibabalita ko kay Mama. Huhuhuhu. Si Oliver kasi.

" Hi anak. "

" Hello Mama. "-ngumiti ako sa kanya.

" Kamusta first day? "-yan na nga ba ang sinasabi ko. Lumapit ako kay mama tapos niyakap ko sya patalikod.

"Ma,--pinapapunta po ka-kayo sa office. Sorry ma."-halatang nagulat si mama sa reacksyon nya, itapon ba naman ang sandok.

"Ha, bakit? Ano na namang kalokohan ang ginawa mo? "

" Eh kasi Ma—kayo na lang po ang pumunta don. Sorry ma. "

"Tsk, pumasok ka sa kwarto. Grounded ka ng 1 hour sa cellphone mo! Walang cellphone cellphone! "

" Opo Ma. Sorry po. " Hays, nakakaasar naman kasi si Oliver! Bwisit!

Natapos ang 1 hour at ginamit ko na ang cellphone at laptop ko. Hindi na din ako kumain at bumaba, baka galit pa sakin si Mama. Humiga ako at tinignan saglit ang facebook ko.

Hays, wala pa ring pinagbago, puro si Oliver at ang fans nya ang nakikita ko sa newsfeed ko. Puro picture nya na lang at mga paghanga sa kanya. Seryoso? Bakit ba sya naging famous? Dahil gwapo? At Badboy? Hays. Oo na lang.

*Notification sounds*

*Keith Tolentino III sent you a friend request *

"Ayy si Keith!"Agad ko naman yong in-accept. Tinignan ko muna yung mga pictures nya, ugh, ang gwapo. Nakakaasar kasi ngayon ko lang sya nadiscover. Tapos may biglang nagpop na message sakin sa messenger.

"Yo." Ang tagal namang lumabas nung picture. Di ko tuloy alam kung sino yon.

Ayy baka si Keith. Natapos na magloading ang messenger at nakita ko na kung sino ang nagchat.

"Ikaw? –At bakit mo naman ako chinachat ha? "

" Aba, choosy ka pa, ikaw na nga ang chinachat! " Oo nga naman. Hahahaha. Pahard pa si ako. Pero nakakainis lang kasi sya!

"Che! At anong akala mo, nakalimutan ko na yung ginawa mo? "

"Tinulungan na nga kita diba? Ang arte mo naman. "

" At ako pa maarte! Ikaw nga e! " Gusto ko naman talaga syang pasalamatan, pero sabi ko nga nung una, WAG na lang.

"Hahahahaha! May tanong ako sayo. " Nakakakaba naman tong si Oliver!

" Oh ano naman yon! "

" May gusto ka sakin no? Hahahahaha. "

Aray!

Bwiset! Ang sakit ng ilong ko! Naihulog ko kasi yung cellphone ko sa mukha ko sa sobrang gulat schat ni Oliver! Hays, at bakit naman nya naisipang itanong! Gosh! Hindi pwedeng malaman nya na crush ko sya! Hindi pwede. Galit ako sa kaya diba?

"Oh! Silence means yes!"-nagchat pa sya ng isa. Dali dali akong nagtype.

"Hindi no! Ang kapal mo naman! "

"Ahh hindi! So kaya pala nagalit ka nung hindi kita pinapansin? Hahaha. Style mo bulok! Hahahaha. " Sinabi ko na e, lalaki talaga ulo nito kapag umamin ako, wag na nga lang siguro.

" Asa ka! Sige na, tutulog na ko! Goodnight Habagat! "

Napangiti naman ako sa chat ko.

" Habagat! Lol! Sige. Goodnight din Amihan. "

"Amihan mo ulo ko! *smirk emoticon*"

"Hahaha." Pagkasabi nya nun, naglog out na din sya kaya di na ako nagreply ulit. Natulog nalang ako para fresh bukas.

**

Maaga akong gumising. Hindi ko na ginising si Mama, nag-iwan na lang ako ng note sa ref. Mamaya pa naman ang punta nya sa school e.

After 15 minutes na byahe, nakarating din ako. Mukha na ulit akong gusgusin, pero hindi naman masyado, yung mga estudyante kasi dito mga nakakotse at van pa kaya hindi sila nauusukan at nagagabukan sa kalsada. Edi sila na!

Pagkapunta ko sa room namin, gamit ang elevator, may tumulak naman sakin pagkapasok ko pa lang ng pinto.

"Ayy lampa. "-
dinig kong sabi nung isang babae tapos nagtatawanan sila.

Psh, ayokong patulan, baka lalo lang ako mapaguidance. Inirapan ko na lang sya at ibinaba yung bag ko sa upuan ko. Wala pa yung tatlong bugok at si Keith. Lumabas muna ako ng room para mag-ikot. Gusto ko syang ikutin kasi ang ganda ganda nya.

"Uy!"

"Ay palaka! Ano ba! Wag nyo nga sirain ang araw ko!"-
sumulpot kasi sa likod ko sina Oliver, Patrick at Deniel, mukhang mga sabog na naman, gulatin ba naman ako!

"Hahaha, ang aga aga ang sungit mo na agad, eh pano pa kaya mamaya. "-sabi ni Deniel.

"Psh! Umalis na nga kayo! Hindi pa ata kayo nakakapunta sa room ako na agad ang pinagtripan nyo! "-suot pa kasi yung bag nila.

"Okay fine. Alis na kami. Bye."-tumawa naman si Oliver sabay apir sa dalawang bugok. Aysh, parang adik talaga.

Natapos ko ng ikutin yung campus. Ang weird lang kasi pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Masyado ba akong maganda para pagtinginan at pagbulungan nila?

"Hi Bitchy."-sabi nung nakasalubong kong grupo ng mga babae. Aba ako pa ang tinawag na bitch! Loko to ah.

"At sinong bitch ha!" -tanong ko.

"Ikaw. Oh my god, we are wasting our time. Let's go girls?"-umalis na silang nagtatawanan pa rin. Ano bang nangyayare? Nakita ko si Keith na tumatakbo papunta sakin.

"Hi Ketih! "-bati ko.

" Hello. Anong ginagawa mo dito? "

" Wala, namamasyal lang. "-ngumiti ako sa kanya.

" Ah ganun ba? Tara, punta tayo sa court. " sabi nya tapos inakbayan nya ko. Chansing 101

"May napapansin ka ba? "-tanong ko kay Keith. Ang weird kasi talaga eh.

"Hmm, teka." may inalis ata sya sa likod ko. "Ano to? " tapos ipinakita nya sakin yung papel na galing mula sa likod ko? Binasa ko ang nakasulat doon. Aba, printed pa!

* Hello! Free flirting. Come on. *

Nag-init agad ang dugo ko. Isa lang ang naiisip kong may pakana nito—sina Oliver!



Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now