CHAPTER THIRTY-TWO

14.5K 520 35
                                    


OLIVER IS ON THE MEDIA

OLIVER IS ON THE MEDIA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Oliver Gonzales 

Umalis na si Chloe sa kwarto ko. Putcha, kelan ba sya titigil sa paggulo ng buhay ko? Sawang sawa na ko. --Kailangan ko ng sabihin kay Papa ang desisyon ko para din matapos na tong kahibangan ni Chloe.

--

Kinaumagahan, pumunta agad ako sa dinning table. Alam ko namang nandun lang si Papa.

Tama nga ako. Nagbabasa sya ngayon ng dyaryo.

" Pa. "

Tinignan lang ako ni Papa at tinuloy na ulit ang pagbabasa.

" Nakapagdesisyon na ko. "

Ibinaba nya ang dyaryo ay itinupi.

" So, pumapayag ka na? "

Napabuga ako ng hangin.

" No Papa. --Hindi ko papakasalan si Chloe. "

Umalis na ko sa harapan nya pero tinawag nya ko.

" OLIVER! "-pinaharap nya ko sa kanya at hinawakan ang kohelyo ko.

Tinignan ko lang sya sa mata. Halata mong galit sya dahil nagngangalit ang panga nya.

" Ano bang sinabi ko sayo? Diba sabi ko PAG-ISIPAN MO NG MABUTI? --Anak ano ba? --Ano bang nangyayari sayo? "-umiiyak si Papa sa harap ko.

" Si Ash lang po ang papakasalan ko Papa. "

Sinuntok ako ni Papa.

" Hahayaan mong mamatay ang Mama mo dahil sa lintek na pagmamahalan nyong yan? Hahayaan mo na lang ang kumpanya natin na nagpalaki sa inyo? Hahayaan mo na lang ba ang pagod namin ng mama mo sa pagpapalago ng kumpanya natin? Anak, kahit ngayon lang, i-give up mo muna yang pagmamahalan nyo ng babaeng yan. "-halos lumuhod na si Papa sa pagmamakaawa sakin.

Hindi ko namalayan na umiiyak na din pala ako.

Tangina! Ang hirap.

Ang hirap pumili sa pagitan ng pamilya mo at ng taong mahal mo.

Ano bang mas magandang option para mabuhay si Mama at hindi ko maiiwan si Ash?

" Son, last operation na to ng Mama mo, --sa susunod na operation, hindi ko na kayang bayaran ang bills nya sa hospital. We need more money. Oliver, hindi ko na alam ang gagawin ko. --Hindi ko kayang mawala ang mama mo. "-iyak na ng iyak si Papa. Ngayon ko lang ulit sya nakitang umiiyak ng ganito.

Nahihirapan na ako sa sitwasyon.

" Bunso-- parang awa mo na. Sundin mo na lang si Papa. "-narinig ko ang boses ni Ate Olivia na pababa ng hagdan.

Hinawakan nya ang balikat ko at niyakap. Umiiyak din sya katulad namin.

" Oliver you need to marry Chloe. " -hinawakan ni Ate ang dalawang pisnge ko. " Gusto mo bang mamatay si Mama? Gusto mo bang mawala na sya? "-tumutulo yung luha nya.

Umiling lang ako kasi pinipigil ko yung pagbuhos ng luha ko. Syempre ayoko namang mawala si Mama samin. Mahal na mahal ko sya. At nakakalungkot lang na isipin na ako ang magiging dahilan para mabuhay sya kung pipiliin kong pakasalan si Chloe, pero ako din ang magiging dahilan ng pagkamatay nya kung hindi ko papakasalan si Chloe.

Waaaa. Putangina! Hindi ko na alam. Ayoko na.

" Oliver, you need to sacrifice. You need to sacrifice your feelings for Ash to save our Mother's life and ofcourse for your sake--OUR SAKE. "-sabi ni ate Olivia.

Hindi ko na napigilan ang tensyon sa mansion na ito.

Hindi ko na kinaya na pigilang huwag umiyak. Ayoko ng umiiyak ako. Ayoko ng ganito. Ayokong pumili.

Pero papaano si Mama?

Paano ang buhay namin?

How?

Bakit ba sakin pa napapunta tong pagsubok na to?

Lord? Ano bang kasalanan ko?

" Oliver. "-hinawakan ni Ate ang kamay ko.

Tinignan ko sya at nakaluhod na sya sakin, si Papa naman iyak na ng iyak at yakap yakap ang picture nila ni Mama. Tinignan ko din sina Yaya--umiiyak na din sila.

Huminga ako ng malalim.

Itinayo ko si ate Olivia.

Naiikom ko ang dalawang kamao ko.

" Pa! --Ate. "

Tumingin sila sakin.

" Pumapayag na akong magpakasal sa kanya. "

Naramdaman kong dalawang beses tumulo ang luha ko. Hirap na hirap din ako huminga.

Sorry Ash.

Sorry kung sasaktan na naman kita.

Sorry.

-colo�W0��4

Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now