CHAPTER THIRTY-SEVEN

14.4K 531 28
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




-Ashfaith Hernandez-


Pagkatapos nun, pumunta na ako kay Mama. Akala ko naiwan na ako ng flight e.

" Oh anak? Bakit basang basa ka? "

" Naulan po kasi dun sa labas e. "

Lumapit sakin si Mama.

" Umiyak ka ba? "

Napatingin ako sa mata nya sabay pahid ng luha. " Hindi po Ma, ulan lang po yan. "

" Eh bat sinisipon ka tapos ang pula pa ng mata mo. "

" Ma naman, kaya mapula ang mata ko dahil natuluan ako ng ulan sa mata tas nagkasipon po ako kasi nasinghot ko yung tubig ulan--"

Hinampas ako ni Mama sa braso. "Jusko patawarin! Puro ka kalokohan, umiyak ka e! "

" Ma hindi nga po. "

Habang nag-uusap kami, nagsalita na yung flight attendant at sinabing ilang minuto na lang at aalis na ang flight papuntang Korea.

Binilisan ko na ang kain ko.

Hindi ko naman mapigilan na umiyak habang kumakain. Waaaa. Alam mo yung feeling na ang hirap lunukin nung kinakain mo kapag umiiyak. Tapos sinisipon ka pa. Hindi ako makahinga ng ayos.

--

Kinulbit ako ni Mama habang nagfefacebook at nag-i-scroll ng newsfeed sa fb.

" Nak, tara na. "

Tumunghay ako tapos tumango tango.

Kinuha ko na ang maleta at gamit ko tapos pumunta na kami sa sasakyan namin.

Eto na talaga.

Aalis na kami.

Pupunta na kaming Korea.

Bye Philippines.

Bye Oliver.

Bye Bipolar!

Mahal na mahal kita!

--

Ilang oras na din siguro akong tulog sa airplain.

Nasan na ba kami?

Nasa himpapawid pa rin?

Inalis ko ang cover sa mata ko at idinilat ito. " Ma? "

" Bakit? "

" Nasan na po tayo? "

" Nasa himpapawid pa rin. "

" Nasa Pilipinas pa rin po ba? "

" Hmmm. Wala na siguro anak. Iba na ang mga building dito e. "

Hi Chat Love On - CompletedWhere stories live. Discover now