*Chapter 63

21.2K 333 93
                                    

*Chapter 63

Nath's POV

Pauwi kami kila Erin ngayon. Gusto kasi niyang doon kami matulog. Naging busy din kasi sa work. So sa off namin gusto lang niyang magstay kami sa bahay nila.

Naglalakad na kami pauwi sa kanila. Niyaya ko kasi siya na maglakad na lang tutal umaga naman. We were talking about something funny tapos napadaan kami kung saan yung kanto papuntan sa telephone booth. Inaya ko siyang pumunta doon since hindi pa naman masakit sa balat yung sikat ng araw.

Erin: "Anong gagawin natin dito?"

Ako: "Gusto ko lang balikan yung place. Kahit wala na yung telephone booth. It all started here eh."

Naglakad na kami papasok doon sa kanto. Nagtatawanan pa kami pero I noticed na parang 10 minutes na pero hindi pa rin namin nakikita yung spot kung nasaan yung telephone booth. This is just my second time kaya napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Erin.

Erin: "Wag kang matakot. Nandito ako." Sabi niyang nakasmile.

Ako: "Hindi naman ako natatakot ah." Palusot ko.

Nginitian lang niya ako. Then napansin namin ayun yung telephone booth! Tinakbo namin yung telephone tapos nagkangitian.

Erin: "Ready for an advanture?"

Ako: "Yes babe! Sa future naman! I wanna see kung anong ginagawa natin sa future."

Inangat namin yung handset ng phone then followed the promts. Sa future nga kami nagpunta sa year 2020. This time hindi na ako kumapit sa kahit na ano. Hinawakan ko lang yung kamay ni Erin. Hindi na namin pinagisipan kung anong kanto at pinto ang mga pinasok namin. Basta lakad at takbo lang.

Nagpunta kami sa bahay nila Erin pero walang tao. Kaya sa bahay naman kami nagpunta. Aba! Wala ring tao. Buti na lang may spare key ako. Sana lang hindi nagpalit ng lock sila mama.

Sp sinubukan ko yung susi na dala ko. Nabuksan naman yung pinto ng bahay. Wala pa ring pinagbago compared sa year 2014. Ganun pa rin yubg ayos aside sa napalitan ang mga sofa namin. Asan naman kaya ang mga tao dito? Ang aga pa eh wala na sila.

Pinuntahan ko yung room ko. Pero wala na dun yung mga gamit ko. Hay! Ano ba ito. Nasaan na kaya ako? Bakit wala na yung mga gamit ko? Ang dami ng tanong ang nagsisimulang gumulo sa isip ko.

Paglabas ko ng room nakatayo si Erin sa tapat ng pinto ng ref namin. May nakaipit na invitation dun. Invitation para sa bithday party. For someone named Natasha and it is dated today. Malamang nandun sila mama.

Niyaya ko si Erin na pumunta doon sa venue. Malapit lang naman yun at alam ko yung village na yun. Sana lang mali ang nabubuong idea sa isip ko. Sana. Sana. Sana. Hindi ko kakayanin na sa dami ng pinagdaan namin tapos hindi pala kami ang magkakatuluyan sa huli.

Tinignan ko si Erin. Nasa mga mata niya rin yung takot na nararamdam ko. Alam ko parehas kami ng naiisip ngayon. Pero kailangan namin i-confirm kung totoo nga ang hinala namin. It will be painful but atleast kasama ko si Erin na haharapin yun.

Bago kami pumunta sa venue nung party ay dumaan muna kami sa isang shop. We bought shades and baseball cap para disguise. Parang ewan lang kami pero okay lang.

Habang papalapit kami sa address na nakalagay sa invitation parang ang hirap ihakbang ng mga paa ko. Parang something is pulling me back. Parang ayoko na tumuloy. I stopped walking and looked at Erin. Nginitian lang niya ako at niyayang tunuloy na. Natatakot din siya. Pero pinapakita lang niyng matapang siya.

Mula sa isang tindahan ay kita namin yung bahay. Maraming tao sa loob at sa labas naman ay may mga nakaparadang sasakyan. Kita naman yung sa may garden area dahil mababa lang ang gate ng bahay. I saw an older version of me. Masayang nakikipagkwentuhan sa mga bisita. Pero walang Erin. Hindi ko rin makita yung parents ni Erin. I started to tremble. I can't stand this. How can I be happy kung hindi si Erin ang makakatuluyan ko.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon