*Chapter 40

18K 214 17
                                    

*Chapter 40

Erin's POV

Nasa bahay namin na luma ako. Napagtapat ko na kay mama ang tungkol sa akin. Pero hindi ko inaasahan ng mga susunod na pangyayari.

Bigla na lang ako naglaho mula sa time ni mama. Pati mga gamit ko ay ganun din ang nangyari. Sobrang natakot ako. Kung kelan nayayakap ko na si mama at natatawag na mama ko siya.

Akala ko sa time na 2007 ako babalik. Pero ng tignan ko ang paligid ay sa year 2013 na ako.

Alam ko na nasa present na ako dahil sa ingay ng daan namin at base sa nasa paligid ko.

Nandun pa rin ang telephone booth. Dali dali kong nilapitan ang booth at kinuha yung handset. Pero iba na yung dialog ng babae.

"Dahil natapos na ang mission ng teleponong ito ay hindi maaaring gamitin pa. Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Sana ay may matutunan sa paggamit nito. Magandang araw."

Tapos nakita ko sa dalawang mata ko na naglaho na ang telephone booth.

Gulong gulo ang isip ko. Kung kelan desidido na akong ipagpatuloy ang buhay ko sa year 2007 ay bigla naman natapos ang lahat. Paano na si Nath? Paano na kami? Paano na?!

At ang sinabi nung babae sa telephone. Natapos na daw ang misyon ng telepono. Paanong mangyayari iyon? Nagisip ako mabuti. Naalala ko na ang unang plano ko ay makilala si Nath sa panahong bata pa siya at makilala pa si mama. Ngayong natapos ko na lahat iyon ay tapos na rin ang pagkakataon kong magamit ang time machine.

Pinulot ko yung mga gamit ko. Buti na lang dala ko ang sulat at gift ni Nath. Pero maghihintay siya sa akin. Magkikita kami sa bahay nila.

Naglakad na ako pauwi sa bahay. Habang naglalakad ako ay tinawagan ko si Anne.

"Hello Anne." Bungad ko.

"Oh Erin! Buti napatawag ka! Si papa mo panay ang tanong kung kamusta na. Grabe ha." Sabi niya.

"Anne nandito na ako. Wala na yung telephone booth!" Sabi ko na umiiyak.

"Sorry. Bukas na bukas uuwi na ako. Hintayin mo ako." Sabi niya na puno ng worry sa boses.

"Okay. See you. Sabihin na lang natin kay papa may dinaanan pa kayo kaya nauna na ako." Sabi ko sa gitna ng pagiyak.

"Okay. Hintayin mo ako." Sabi niya ulit.

"Yeah." Sabi ko tapos tinapos na namin ang call.

Nang malapit na ako sa bahay ay inayos ko ang sarili ko. Ayokong makita nila akong ganito dahil alam kong hindi sila titigil sa pagtatanong.

"Pa! Nandito na po ako." Sabi ko pagpasok ng gate.

Lumabas naman agad si papa at tita Beth at niyakap ako. Namiss ko rin sila.

"Bakit hindi ka nagpasabi na ngayon ka na uuwi? Sana sinundo kita at pinagluto" Sabi ni papa ng makapasok na kami sa bahay.

"Okay lang po papa. Pasok na po ako sa room. Pagod po ako." Sabi ko sa pinasiglang voice.

Tumango lang si papa at tita Beth. Alam kong ramdam nila na hindi ako okay. Nagpapasalamat na lang ako at hindi sila nagtanong.

Pagpasok ko sa room nakaramdam ako ng matinding lungkot at sakit. Hindi pwedeng hindi ko na makita si Nath. Pagkatapos ng mga nangyari. This can't be happening! Not now!

Nilabas ko yung gift at letter ni Nath. Paulit ulit kong binasa yun. Paulit ulit ko ring pinakinggan ang boses niya. At sa bawat segundong nababasa at naririnig ko ang boses niya ay lalong dinudurog ang puso ko.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon