*Chapter 38

17.7K 207 40
                                    

*Chapter 38

Nath's POV

Lumipas ang isang linggo. Wala kahit isang  anino ni Erin. Wala kahit isang text o tawag na nagpapaliwanag kung bakit siya nawala. Ang pinakamasakit pakiramdam ko isang buong taon na siyang wala!

Wala ring reply sa mga text ko. Hindi ko rin siya matawagan. Ang sakit na wala siya sa tabi ko.

Palagi na lang ako nakatulala. Wala na kasi ako maisip kundi si Erin lang. Wala na ako maramdaman kasi dinala na ni Erin yung puso ko.

Sa school wala na rin ako gana. Parang pumapasok na lang ako dahil yun ang ineexpect na gawin ko. Ilang beses na akong kinausap ni Angela. Pero kahit anong sabihin niya walang makakapagpagaan sa nararamdaman ko.

"Best naman. Wag ka naman ganyan. Babalik siya. Kailangan mo lang maghintay. Gusto mo bang ganyan yung itsura mo kapag dumating na siya?" Sabi ni Angela.

Tinignan ko lang siya. I did not feel like talking to anyone kung hindi rin lang si Erin yun.

Ang hirap na mahiwalay sa kanya. Kapag tinitignan ko yung kamay ko napapaiyak na lang ako dahil wala na yung mainit na kamay na humahawak nun. I feel so alone.

"Angela. Pwede mo ba akong samahan?" Sabi ko bigla.

Nakita ko siyang nabigla. Sa ilang araw kasi na wala si Erin ay hindi na nila ako makausap ng maayos. Nakita kong ngumiti siya.

"Syempre naman best. Kahit saan mo ako dalin. Kahit sa gay bar pa na punong puno ng macho. Kahit eww yun sasamahan kita." Sabi niyang nakangiti.

Kung wala itong sakit na nararamdaman ko baka natawa pa ako. Pero pati yun nakalimutan ko nang gawin.

"Teka saan ba tayo pupunta?" Sabi ni Angela.

"Sa bahay ni babe." Sabi ko lang. Babe pa rin ang tawag ko sa kanya. Kahit na gustong gusto kong magalit sa hindi niya pagsabi sa akin kung bakit na lang siya nawala hindi ko pa rin maikakaila na mahal na mahal ko pa rin siya.

Hindi naman na kumibo si Angela. So after ng class namin ay pumunta na kami sa bahay ni Erin.

Sabi nung landlady niya hindi na bumalik si Erin since nung umalis. Tinanong nga ako kung ano nang gagawin sa gamit ni Erin. Sabi ko naman ay hayaan muna doon dahil bayad naman until next month si Erin.

Pumasok na ako sa bahay. Grabe sobrang sikip ng dibdib ko.

"Babe!" Sigaw ko bigla.

Ayun siya nakaupo sa sofa. Nakangiti sa akin with open arms na hinihintay na mayakap ako. Grabe namiss ko siya! Yung puso ko natutong timibok ulit. Natuto ako ulit ngumiti.

Natuto ako ulit nakaramdam ng ibang emotion maliban sa pain.

Binagsak ko na yung bag ko sa may pinto. Tapos ilang hakbang lang ang ginawa ko para mayakap ulit si Erin. Kahit na binilisan ko ang paghakbang parang slow motion ang buong paligid. Wala akong makita kundi siya lang. Wala ako marining na iba kundi ang boses niya habang tinatawag ako.

"Babe I missed you so much!" Sabi ko tapos naramdaman ko na lang na may pumipigil sa akin. May mga kamay na pilit akong inilalayo kay Erin.

"Nathalie!" Biglang may sumigaw.

Pero wala akong marinig. Si Erin lang nakikita ko. Nakagiti pa rin at hinihintay ako.

Bigla ko na lang naramdaman ang isang sampal sa akin. Doon ko narealize na si Angela ang may hawak sa akin.

"Ano ba Angela! Ayan na si babe! Bumalik na siya!" Sigaw ko rin.

Tapos tinignan ko yung sofa. Nawala si Erin.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon