*Chapter 6

29.9K 365 2
                                    

Chapter 6

The next day, 7 am na pala.Nagmadali ako bumaba. Hindi ko nakita si papa.

"Morning tita. Si papa? "

"Ayun. Hindi pumasok. Off nya ngayon. Natutulog pa sa kwarto. " sagot ni tita

"Gisingin ko tita."

Ngumiti lang si tita ko. At nagtataka ulit ang itsura.

Tumakbo na ako sa kwarto nila.

"Pa! Gising na! grabe ka ha! tanghali na."

"Nagulat siya. Aba anak hiya naman ako sayo. Pag ikaw ang natutulog ng hanggang alas nuebe hindi ka namin ginigising!"

"Eh pa, gising ka na. Mag luto ka ng pansit at sinigang. sige na po plssssssss" puppy dog eyes ako sa papa ko."

"Eh bakit ba anak? masarap magluto si Beth. Siya nalang."

"ih plss..ikaw gusto ko magluto. Babaunin ko sa picnic namin magbabarkada. "

"Ayan barkada na naman."

"Pa naman ngayong nagsasabi ako hindi mo pa ako pagbibigyan?"

"Oo na. Babangon na po mam at ipagluluto na po kita" sabi niya.

At bumangon siya naglakad ng parang zombie at nakaakbay sa akin.

"Oh.. Ginising ka na pala ng anak mo."

"Oo naglalambing nagpapaluto ng babaunin daw nila ng barkada nya. Hanep tong anak natin eh."

Nagtawanan sila at si papa nagluto na ng masarap na sinigang at pansit.

Tapos nilagay ko sa pagbaunan.

Umakyat ako sa kwarto ko para maligo. Tapos may naalala ako nag suot ako ng pambahay na damit at bumaba.

"Tita, My mga damit ka bang mga 90's dyan?"

Natawa siya. "Aanuhin mo anak?"

"Ah yung theme po namin sa party eh 90's"

"Sa bodega anak. Mangalkal ka doon. Ewan ko lang kung anong amoy. Hindi mo kasi sinabi agad eh. Di naglaba sana ako?"

"Hayaan mo na tita."

"At nakahanap nga ako ng jeans na .... at blouse na. "

Ang panget!!!

Tapos sinuot ko parin.Buti hindi amoy baul yung damit at sinuot ko na. Kinuha ko yung pancit at sinigang na nakalagay sa pagbaunan.

"Tita, pa... Alis na po ako. Di na ako kakain. Huwag kayong mag alala. Dame ko baon. Pag nagutom ko lalantakan ko lahat ito." Sabi ko.

Tinignan lang nila ako ng ang itsura nila eh parang malaking kwestion mark. hindi ko na sila pinansin at tumakbo nalang ako palabas at pumunta sa garahe. Dinala ko ang baby Amber ko. Nagpatakbo ako ng motor at pagkarating ko sa booth pumasok ako agad sa loob at nakarating na ako.

Pumunta ako sa bahay namin at nakita ko si mama na nagwawalis sa bakuran namin.

"Irene!" sabi ko.

"Oh Gen, Napadalaw ka? Halos 1 week din nung nagpunta ka dito."

"1 week na pala yun. Kumusta na si Erin?"

"Eto oh matakaw nagustuhan nya yung binigay mo. Pati yung milk kalahati nalang. Napadalaw ka yata? "

"Wala naman. Nainip lang ako sa bahay. May dala pala ako. Hindi pa ako kumain. Kain tayo!" Sabi ko with a big smile.

"Haha. Iba ka rin no? Pangalawang araw mo palang napapadpad dito palagay na din ang loob mo. "

Tumawa lang ako at binuksan yung baon kong ulam at pansit. Naamoy ata ni mama kaya lumapit siya.

" Saan galing yan ha?"

"Sa bahay. Tara kain na tayo." sabi ko sabay kuha ng pinggan at kutsara para sa pansit.

Agad akong sumubo at natawa si mama.

"Saang mundo ka ba galing?"

"Nako. kumaen ka na! " winala ko na naman ang usapan.

Binigay ko yung isang pinggan na may pancit.

"Sus, hindi yan makakatanggi. Alam ko. Hehe. "

At kumain na nga siya. Nung natikman niya ang pansit natigilan siya.

Nakakatuwang tignan si mama habang kinakain niya yung dala kong pansit.

"Alam mo paborito ko itong pansit."

"Ay hindi halata. Haha!" sagot ko naman.

"Ay sorry nawawalan na ako ng table manners. Masarap kasi. Alam mo ganitong-ganito yung lasa ng luto ng asawa ko."

Pagkasabi ni mama tungkol sa luto ni papa bigla akong nabilaukan.

"Oh...Napano ka? Okay ka lang?"

"Oo. Nasamid lang ako."

"Eto o inom ka ng tubig. Pasyensya na walang juice ha."

"Okay lang yan." sagot ko na nakasmile.

"Nga pala, sinong nagluto nito?"

"Si papa ko. Naparami kasi kaya naisipan kong dalan ka."

"Swerte mo sa papa mo ha. Panigurado swerte din ang mama mo sa kanya. Aba, si Erik lang ang kilala kong magaling magluto na lalaki. Ano palang pangalan ng papa mo?"

Muntik nanaman akong masamid sa sinabi ni mama. But I kept calm. Hindi pwedeng mahalata niya.

"Swerte nga po namin ni mama kay papa. Ahm... ang pangalan ng papa ko..." at biglang umiyak si baby Erin. Buti na lang! Magaling talaga akong tu-my-ming kahit baby pa lang.

Pinuntahan naman ni mama si Erin at pinatahan. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nakikita ko kung paano ako alagaan ni mama. Kahit na hindi ko siya nakasama sa paglaki ko yung makita ko lang siya kung paano ako alagaan at mahalin ay sulit na yung mga taong hindi ko siya nakasama.

Napansin kong nakatingin sa akin si baby Erin at ngumiti. Nararamdaman din ata niya kung gaano ako kasaya ngayon.

Nagkwentuhan lang kami ni mama. Actually siya ang pinagsalita ko. Ang dami ko kasi gustong malaman tungkol sa kanya. Ayun buti hindi nakahalata at nagkwento lang. Siguro wala din siya masyadong kausap dito kaya nasabik na may ka-chikahan.

Napasarap yung kwentuhan namin at gumagabi na kaya nagpaalam na din ako kay mama. Sabi nga niya na ihahatod daw ako pero I told her na bantayan na lang niya si baby Erin.

"Salamat pala ulit sa mga dala mo ha."

"Unlimited tayo? Oo nga at ubusin mo lahat yan ha." sabi ko na nakatawa.

"Anong unlimited?" tanong ni mama na nakakunot pa yung kilay.

"Ahh wala. Basta ingat kayo ni Erin. Bye!"

"Weird mong masalita minsan. Sige na at lumakad ka na para hindi ka masyadong gabihin." sabi niya at niyakap pa ako. Kung may goodbye kiss ako naman may goodbye hug na galing kay mama.

"Bye na."

Nagsimula na akong maglakad pabalik sa phone booth. Grabe talaga. Sobrang lucky ko naman at nagagawa ko ito ngayon. Alam ko hindi na dapat na magusisa pa ako. Pero bakit kaya ako pa ang nakakita sa phone booth? Bakit ako ang nabigyan ng pagkakataon na makabalik sa past?

Hanggang makauwi na ako sa present time ay yun pa rin ang iniisip ko. Inayos ko na ang mga gamit ko sa motor at nagsimulang magdrive. Mga 5 minutes na lang nasa bahay na ako pero I felt my phone vibrated on my pocket. Tinabi ko muna sa kalsada ang motor ko ang checked who was calling me.

Calling...

Unknown Number

Sino naman kaya ito? Sabi ko sa isip ko at sinagot ang tawag.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon