*Chapter 8

29K 359 25
                                    

*Chapter 8

Hello! I am Nathalie Belle Cruz. 23 years old na ako at isang head ng recruitement ng TalkANet (gawa-gawa lang ni writer yung name ng call center 0__o). May isa akong kapatid na lalaki. Or should I say half girl half boy. Ang sabi kasi niya half-half daw siya. Yes, he's gay. Ako naman, I know babae ako. Nakailang boyfriends na rin ako at iisa lang naman ang babaeng nagustuhan ko talaga. At yun ay nangyari pa nung kabataan ko. So okay isa akong bisexual. Tanggap naman iyon ni mama at ni papa. Si mama ay isang manager sa isang bank at si papa naman ay isang dentist.

Malamang iniisip ninyo na napakabata ko naman para maging head. Yun din kasi ang nasa isip ni writer eh. Haha!

Well, bago kasi ako mag-graduate nung nasa college ako nag-apply na ako sa company na pinag-ta-trabahuhan ko ngayon at swerte naman na natanggap. I worked my ass out para mapromote from being a call center agent to being where I am now.

Last few weeks may nainterview ako na babae. Kamukhang kamukha niya si Erin. Yung unang babae na nagparamdam sa akin ng love. I was 16 years old then at 23 naman si Erin. Kahit na sobrang bata ko at 7 years ang agwat ng age namin ay naging best friend ko kaagad siya. Palagi siyang bumibisita sa akin. We talked anything under the sun pero kapag tungkol na sa kanya nililigaw niya ang usapan. Okay lang naman sa akin yun dahil mabait naman siya at wala naman siyang masamang ginawa sa akin.

And weird talaga kasi naman is it possible na sobrang magkamukha ang dalawang tao? Hindi naman kasi sila magkasing edad kaya malabong kambal sila. Tinanong ko naman siya kung may kilala siyang Erin e wala naman daw. Hay... Their deep brown eyes are exactly alike na kapag tumingin as if trying to know my soul with matching eyeglasses pa. Tapos yung lips na ang pula knowing na wala namang lipstick. Then their body built are so much the same, balingkinitan. Well, medyo makaiba sila ng buhok kasi medyo mas mahaba ang black hair ni Erin kesa sa i-nin-terview ko. Same height din sila, I guess.

Ilang araw na rin na binubulabog nun ang isip at puso ko. When I shook her hand ng matapos na ng A part of me felt so happy dahil parang nakita ko si Erin ulit and a part of me is sad and angry. Parang timang tuloy ako na palaging tulala. Pati si Dave nahahalata na.

-Flashback-

"Hon, tulala ka nanaman. Hindi mo na nagalaw yung pagkain mo." sabi niyang may concern sa face.

"Ahh busog kasi ako." matipid kong sagot.

"Ilang araw ka ng ganyan. Ano bang gumugulo sa isip mo?"

"Wala naman hon. Sobrang stressed lang ako sa work." palusot ko.

"Wow. Bago yan ha. You are never stressed sa work mo."

"Well everything change. Anyway let's just eat." paglalayo ko usapan.

-End of Flashback-

And now eto nanaman ako. Iniisip yung applicant na yun. Yung maamo niyang mukha pero playful eyes na nakakahawa kapag nagsmile. How on earth would it be possible na yung soulful yet happy eyes would be worn by two different person? Tapos medyo clamsy pa. Parang si Erin talaga ganun din kasi siya. Paanong hindi ko siya maicocompare eh flat naman yung floor pero muntik pang madapa.

Hay! I need to remove her from my mind! Pero the harder I try mas lalo siyang sumisiksik sa isip ko na marang mighty bond ang ginamit niyang pandikit doon. Bahala na nga si batman!

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon