Past Perfect Tense! (lesbian love story)

127K 883 63
                                    

*Chapter 1

Im Genesis, gen for short. 23 years old na ako. Hindi pa ako tapos ng pag aaral pero dahil isa akong pasaway na anak hindi na ako nagpatuloy sa pag-aaral. Minsan kasi mahirap intindihin ang mga titser ko or ako ang mahirap intindihin. Ewan ko nga ba! Hindi ko maintindihan. Gusto ko na kasing maging independent at sawa na ako mag aral. Nahihirapan kasi ako. Hindi naman sa bobo ako. At hindi naman ako nangangatwiran pero tamad talaga ako magreview. Lage ako nakakakuha ng mababang grades kaya naisipan ko tumigil muna. Siguro may problema saakin talaga. Ahh basta ayoko muna mag aral sa ngayon. Try ko naman ang work kung makakatagal ako. Nagmamadali ako ngayon dahil baka maiiwan na ako ng buss. I'm from Cavite City at ito ang araw na mag aapply ako ng trabaho. Gusto ko sa office kaya I'm gonna push my luck sa call center industry. Sabi kasi nila kahit di ka nakatapos basta my potensyal ka pwede ka dito. Marunong naman siguro ako mag inglis kahit papano. Bahala na nga. At nakasakay na nga ako ng bus. Nasa lugar na ako na puno ng usok at traffic, ang Manila. Pagbaba ko ng bus nakita ko ang isang napakalaking building.

Tuminigin ako sa pinakatuktok ng building at sabi ko. Dito ko gusto magtrabaho. Pumasok na ako sa loob at nag elevator.

Binigay ko ang resume ko sa receptionist at hinintay ang pangalan ko matawag for first interview. Umupo lang ako at naghintay. Tapos I heard my name being called.

"Genesis Reyes?"

Kinabahan ako. Interview ko na.

Pumasok ako sa interview room. At umupo. Sa kaba ko hindi ko agad tinignan yung interviewer. At nabigla ako nung marinig ko siya.

"Ehem!"

Napatingin ako sakanya. Wow. Ang ganda ng interviewer ko. Para siyang angel. Nawala ako sa sarili ko ng saglit lang dahil napanganga ako sa ganda niya. (wink,wink)

o__o

"Ahm. Oh, sorry. Hi! My name is Genesis, But I prefer calling me Gen ;)"

Tinignan nya ako na parang nakakita ng multo. Parang nagulat siya. Ganun din ba ako kaganda? Hehe. Hindi ko alam kung bakit ganun ang reaction niya saakin. Ang weird. Tapos she suddenly smiled at me in a sexy way. And said.

"You ready?"

Parang kilala nya ako. Nataranta ako. Ano ibig nya sabihin?

"Ready what?" Ang nasagot ko.

"Of course for the interview." Tumawa siya ng napakacute.

"Let's start." sabi niya.

"Yes ma'am." sabi ko.

"Dont call me ma'am. Call me Nath." she said. She cleared her throat again and asked me,

"Tell something about yourself."

breathe in breathe out. Tug tug.... Tug tug... Sabi pa ng heart ko.

And I told her my name, age, san ako nakatira pati nga contact number ko. Ahem! Just in case kailangan niya ng kausap. Umaatake lang naman ang kalandian ko. Wag na umangal story ko ito.

So going back, "Reliable, hard working and fun to be with. These are my three best selling attitude that always works for me and to those I work with. You can count on me in any problem you have. I also see to it that I work 100% to achieve my goals and most specially I am fun to be with. I will make sure to put a smile on your face every day." ayun ang sagot ko sa kanya. Malay ko at saang sulok ng utak ko nanggaling yun. Haha! Sinasabi ko sa kanya lahat yun na para bang sa kanya ko pinapatama lahat ng salitang sinabi ko.

She smiled at me again. And nodded.

"This question will test your reasoning skills ang your organization of thoughts." sabi niya.

"If you are a mad scientist, what will you invent and why?"

Nagulat ako sa tanung. Pang miss universe! Bakit my ganung tanong? Hindi ako handa.

I closed my eyes and think for 5 seconds siguro.

"Well if I am a mad scientist I would like to invent a time machine. (Haha. Yun ang pumasok sa isip ko kasi idol ko si doraemon.) Because I would love to go back to the past and see the person who brought me to this world because I did not have the chance to see my mom. And if I will be lucky enough to go back in time I will fix the mistakes I had in the past. So a time machine is what I will invent."

Feeling ko naman impressive yung sinabi ko. Tinignan ko ang maganda nyang mata at nakita ko sa mata nya na parang may gustong malaman.

Out of nowhere nagtanong siya saakin ng hindi ko alam bakit nya natanong. Wirdo.

"Gen, do you know someone named Erin?

Nagulat ako bakit ganon ang tanung nya. kilala ba ako nito?

That was my first name. Actually my complete name is Erin Genesis. Pero Genesis lang ang ginagamit ko. I hate that name. Everyone in my family calls me Erin kapag galit sila sa akin kasi yun ang name ko sa bahay.

Tinignan ko siya ironicaly. At sumagot...

"Ahhhm... No! and why did you ask? Is that part of the interview?" ewan ko ba mali ata ng timpla ang sagot ko.

"Oh Yeah. Ahmmm. Sorry about that. I just.. Ah.. yes! Da-the interview is over. We will just be notifying you within 30 days. Just keep your phone line available. Thank you."

Hay . Sa wakas natapos din ang tensyon. Hindi ko matanggal sa isip ko yung babaeng yun. Napakawirdo nya talaga. At parang my something sakanya na hindi ko mapaliwanag. Parang nararamdaman ko na this is not going to be the last time that I will encounter her.

Sumakay na ako ng bus pauwi. Habang nagbibyahe nirecall ko yung mga sinagot ko sa interview. Tapos bigla akong pumikit at sinubukang umidlip.

Nasa isang lugar ako parang naliligaw ako. Sinundan ko lang yung daan at nakita; ko si mom

na bumubuhat sa akin. Nakita ko din yung time na pinagalitan nya ako dahil umalis ako sa bahay ng hindi nagpapaalam at nakipag laro sa kapit bahay. Tapos sinubukan ko lapitan ang batang ako at kinausap ko ng biglang...

"Oh! Noveleta na po!"sabi ng kundoktor

Nagulat ako at nagising sa panaginip ko. Malapit na kasi ako sa amin. Wow ayos yung dream ko parang yung time machine na sinagot ko sa interviewer kanina. Hanep.. How I wish totoo ang time machine. Lalo ko namiss ang mama ko.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon