*Chapter 61

21.6K 284 59
                                    

*Chapter 61

Nath's POV

Ano ba naman yan. Pati ang ang best friend ko na recruit na nila sa kabaliwan nilang dalawa. Nakakainis na. Bakit ba kasi ang lakas ng trip nila maka-time machine. Walang ganun. Sa wansapanataym lang meron nun. Sa palabas lang posible yun. Pero bilib din ako sa effort ni Erin. Hanep din. Lakas ng determinasyon. Galit padin ako sakanya but my heart is telling me to listen. Hindi ako makapaniwala.

Pag nagmamahal ba talaga nabubulagan na? Pwes hindi ako makakapayag na mangyare yun saakin. Hindi ko hahayaan na masaktan ulit ako ng isa pang Erin. Ngayon pa na nalaman  kong magkasabwat sila. Plinano nila.

Ano ba ang nagawa ko sa kanila? Bakit ganun? Kapatid niya kaya yun sa labas? Oh kamag anak niya? Napaka dami kasi nilang pagkakaparehas.

Kahit anong gawin ko hindi kayang idigest ng isip ko ang time machine na yan at kahit anong process ng intel na utak ko, upgraded na rin ang processor ng utak ko dahil ang alam ko i7 na ito. Windows 7 pa.

Wala talaga akong alam na nagawa ko sakanila para saktan ako ng ganito. Mabait naman ang mama at papa ko para pag higantian kame if ever man. I really don't know. Magulo ang programs ng utak ko. Kaylangan ireformat para maerase na ang mga malware na sumisira sa programs ng utak ko para gumana ang buong katawan ko ng maayos. Grrr.

Naiinis talaga ako. Pwede ko lang sanang i-control+alt+delete, end task or alt+f4 ang utak ko para huminto na irun ang mga programs na hindi naman kaylangan eh ginawa ko na. Pagod na ako kakaisip. Baka mag over heat na ako sa kakaisip ko kaya kaylangan ko ng matulog muna.

*Nasa isang madilim na lugar ako. The place looks familiar. Parang napuntahan ko na. Hindi ako huminto kakalakad hanggat may nakita akong isang bagay. Wait. Totoo ba ito? Isang telephone booth na luma na.

Nasa gitna ng masukal na daan. Sa sobrang luma ng phone booth may mga vines na ng halaman dito.  Ito na ba ang kasagutan sa mga tanong ko? Nilapitan ko ang phone booth ng marinig kong mag ring. *

Ring!!!! Ring!!

Ano ba naman. Nabigla ako. Panaginip lang pala. Nag alarm ang phone ko. Ano ba naman. Day off ko naman wala ako pasok at maaga pa. Kagagaling ko lang naman sa work at 11 am palang. Mga 2 hours palang pala ako natutulog. At bakit naiba ang time ng phone ko? 4pm na. Tsk. Oo nga pala tinanggal ko ang baterya kanina tawag kasi ng tawag yun isa pero binalik ko din. Hay.

Ang weird ng panaginip ko. Naiimpluwensyahan na ng utak ko ang mga kalokohan ni Erin. Nakakainis.

Wait. What if its true? Bakit hindi ako makinig sa explanations niya, at bakit may picture siya saakin at alam niya every detail. Erase! Pakana niya lang yun. But I don't know.

My heart is telling me to give a one last shot. Nag isip isip ako. Yung panaginip ko familiar sa place na pinuntahan namin. Yung papasok. Sa lugar yun na pinagdalhan saakin ni Erin. Ang pinagkaibahan lang sa dream ko ay yung mukhang malayo yung nilakad ko bago ko yun marating. Is that a sign? Do I need to go there para macheck? Last nalang talaga ang kabaliwan ko. Wala naman makakaalam na pupunta ako duon.  So hindi nakakahiya just in case gawa-gawa lang talaga ni Erin ang lahat.

Bibigyan ko siya ng one last chance. After ko pumunta dun pupunta ako sa bahay nila to listen a further explaination. Bahala na.

Nagpaalam ako kay mama at papa na may lalakarin ako saglit. Tapos pumunta ako sa coastal. Yun ang sakayan papunta sa Cavite City. I ride a green bus.

Bacoor...

Hay... Tama ba na sakyan ko ang kabaliwan nila?

Kawit

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon