*Chapter 20

29.1K 230 13
                                    

*Chapter 20

Erin's POV

Ayun. Nakakastress na nga ang maging call center agent mas pa pala ang maging teacher. Buti pa ang call center agent walang lesson plan at paper works pag uwi mo kung ano dala mo papunta yun din ang dala mo pauwi. Haha.

Nagchecheck nga ako ng mga papers nila. Syempre inuna ko yung paper ng cute na cute na batang si Nath. Hmm. Matalino talaga siya. i lang ang mali nya eh. Walang nagbago sa attitude nya. Smart parin ang dating niya, same smile, at yung mata nya gaya padin ng present. Pag nagdidiscus ako sa mata niya ako nakatingin. Alam ko nacoconcious siya kaya minsan nagpapasimple na tumingin sa labas.

After ko titigan ang answer sheet nya. Nilagyan ko ng sulat.

"Good job Nath! Keep it up!"

Tapos yung pirma ko with smiley. Haha. Siya lang may ganun sa mga papel na nicheck ko. Para na ako timang. Alam ko namang bawal eh ang teacher-student relationship but the hell I care! Yun ang main purpose ko kaya andito ako. Hayyy..Ewan ko ba ang adik ko. Haha.

Bago ako matulog nag isip ako kung pano ako mapapalapit pa sakanya. Pano nga ba? Gusto ko din siya makilala eh. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Ngayon lang ako tinamaan ng ganito. Ang dating eh para na akong stalker. Haha. Parang lang naman.

-Kinabukasan-

Hindi ako nakauniform, nag jeans lang ako at snickers. Pano ba naman magtuturo ka sa class ng isang oras ng nakatayo eh. Ayoko. Di ko bet ang skirt at heels no. Sub lang naman ako. Kaya wag silang umangal. Hahaha. So ayun nga

English class na naman. Mapapasabak na naman ako sa Englishan as usual. Haha.

Pagbungad sa classroom siyempre hahanapin kong una yung cute na love ko. Hinahanap ko kaso wala siya. Nadisappoint ako. Parang nawalan ako ng gana magturo ngayon ah. Tsk. Ang gulo pa ng mga students ko.

Sumigaw ako.

"Class!!!! Tahimik!" Sabi ko ng naiirita ang boses.

Nagulat ang buong class. Umupo sila ng maayos at tumahimik.

Natawa naman ako. Kulang lang pala sila sa gulat. Haha.

Umupo ako sa desk at sinampa ang paa ko sa chair. Nagulat ang class.

"Anong tinitingin nyo guys? Haha.

Teka? Parang kulang kayo? San si Ms. Cruz ba yun? (haha, kunware di ko kilala)"

Student: "Ma'am malelate daw po."

"Sinabi ko bang mag tagalog ka? Ako lang may karapatang mag tagalog dito." (kunware seryoso)

Student: "Ah. Ah eh.. Hmm. Ma'am Nath will late himself because her, she text me and tell me that . That the."

Hahaha, di ko nakeri yung english nitong studyante ko. Tumawa ako ng malakas. Nawirdohan na ata ang mga studyante ko siguro saakin.

"Haha. Come on you can do it."

Student: "That her brother is sick and she take care her brother while wait for her mother to go home."

"Haha! Great. At least you can express yourself. Well work on your grammar don't worry, good job. Thank you for that Miss? whats your name?"

Student: "Mae Ma'am.."

"Well thank you Mae. Oh class. Ganyan dapat. Kahit hirap na hirap. Sanayin ang english. Haha. Mag break na nga muna kayo. 30 minutes. Haha. Sikret lang natin yan ha. Alam ko gusto nyo yan. Hehe."

Studen 2: "Wow ma'am! Your such an angel! Thank you."

Sabay takbuhan sa labas.

Tinatamad talaga ako mag turo pero I'll make sure na may matututunan sila saakin. Ayoko na matakot ang mga studyante ko saakin. Gusto ko malapit sila saakin. Lalo na si Nath. :)

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon