*Chapter 12

28.8K 345 11
                                    

*Chapter 12

Erin's POV (aka Gen)

Grrr... Nakaisa yung Anne na yun! Naku! I admit nung kafling ko siya we kissed a lot pero hanggang doon na lang yun. Parang linta. Hindi ko maalis ka pagdikit sa akin.

Nakita tuloy ni Nath yung kanina. Grrr... Pano na ako poporma sa kanya ngayong may palaging nakadikit sa akin. Hay... Bahala na nga.

Pagdating ko sa bahay gising pa si papa.

"O pa bakit gising ka pa?"

"Nagising lang ako kanina. Wala pa kasi ang baby girl ko."

"Si papa. Hindi na po ako bata."

"Kahit na. Baby girl pa rin kita. Kamusta sa work?"

"Ayun okay naman po. Daming magandang benefit pa. Asar lang, si Anne kawork ko pala."

"Haha! Ayan na nga ba kasi ang sinasabi ko sayo eh. Nakahanap ka ng katapat. Hindi naman kita pinipigilan sa mga ginagawa mo. I know who you are."

"Papa naman. Nakakainis na kasi yun. Hindi pa ako lubayan."

"Madali ka kasing mahalin baby girl. O siya tulog na. Ako rin at maaga pa ako papasok mamaya."

"Goodnight pa."

"Goodnight baby girl."

Umakyat na ako sa room ko. Alam naman ni papa kung anong gender ko. Akala ko nga dati nung nahuli niya akong may kasamang babae sa room ko itatakwil ako eh. Pero he just talked to me. Wala naman daw siyang magagawa kundi ang maging masaya kung saan ako masaya.

Kaya nga nagsisisi na ako sa pagrerebelde ko before. Now I know how much he loves me.

Naligo na ako at nakatulog ng mahimbing.

--10am--

"Erin anak! Gising na at baka malate kana sa work."

"Gising na po tita!"

"Sige dalian mo may naghihintay sayo eh."

Sino naman kaya itong bisita ko. Ang aga lang ha.

Pagbaba ko ng sala ayun si Anne prenteng nakaupo sa sofa namin. Tsk.. Ang aga mambubuwisit nanaman ito.

"Morning babe. Sabay tayo ha."

"Will you cut it! Naririning ni tita Beth! Makatawag ka ng babe ha parang tayo."

"Erin... Wag mo naman siyang sigawan. Ang gandang bata oh. Kain na para makapasok na kayo."

"Pasalamat ka nandiyan si tita." bulong ko kay Anne.

Ngumisi lang naman siya. GRRR... Alam kasing kakampi si tita Beth.

After kong kumain nagmamadali akong naligo at nagbihis. Mahirap na baka malate pa kami sa unang araw ng training.

Makakapit naman itong si Anne parang tuko. Hays...

Pagdating namin sa building ng TalkANet dumiretso na kami sa training room. Nagulat ako kasi nandoon si Nath. Kausap yung trainer namin. Hay... Buti na lang may pambawi. Nakita ko siya. Atleast may magandang nangyari sa araw ko.

Nagsimula na ang training. Parang back to school lang eh. English training kasi. Tapos papakilala pa sa lahat. Nung ako na yung magpapakilala kinabahan ako. Paano yung mga kasabayan namin puro may experience na sa call center. Samantalang ako newbie pa. Nakadagdag pa sa nerbyos ko kasi magoobserve daw si Nath sa first day namin.

"Ahmm... He-hello everyone. I am Erin Genesis Reyes. You can call me Gen. I'm 23 years old. This is my first call center job. And my hobbies are motorcycling and taking pictures. Thank you."

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon