*Chapter 35

18.7K 199 12
                                    

*Chapter 35

Erin's POV

Umuwi na muna kami sa bahay kasama si Nath. Syempre hindi mawawala ang lambingan.

Nakahiga kami sa bed ko. Nakaunan siya sa arm ko.

"Babe I want to stay like this forever." Sabi niya bigla.

Hindi ako makasagot. Because I know that as of now we can't. What I can only promise is to continue what we have in the present time.

"Babe? Ayaw mo ba ako makasama forever?" Tanong niya ulit.

"Sorry. May iniisip lang ako. Syempre naman. Ikaw lang ang gusto ko makasama. Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin para ikaw ang maging future ko." Paliwanag ko.

"Ano naman iniisip mo? Sana ako? Akala ko ayaw mo ako makasama. Ang tahimik mo kasi." Sabi niya.

"Wala yun babe. Ano ka ba? Wag mo nga iniisip na ayaw kitang makasama."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko na kaso talaga alam kung anong next move ko. Alam kong kailangan ko pa rin naman na ituloy ang buhay ko sa present time. Pero i-e-enjoy ko na muna ang time ko with her.

Tahimik lang kaming dalawa. Nakahiga pa rin at nakayapak sa akin. Tapos bigla siyang nagsalita.

"Babe ano ba tayo?" Sabi niya.

"Mahal kita at mahal mo ako." Sagot ko.

"So meaning?" Tanong niya.

"Meaning?" Balik kong tanong sa kanya.

"Girlfriend mo ako." Sabi niya na nakatingin sa mga mata ko.

Hindi nanaman ako nakakibo. I am not expecting her to say that. Well I am not expecting this to happen. All I planned was her knowing me para naman sa present time ay maalala niya ako.

I looked back to her eyes. I saw she was hurt because I did not answer her question. Nakaramdam ako bigla ng panic.

"Of course babe. Girlfriend kita." Sagot ko.

"Eh bakit ang tagal mong sumagot? Ayaw mo? Are you just playing with me?" Sabi niya na hindi maitago na nasasaktan siya.

"Babe I was just shocked. Syempre naman ako na ang pinakaswerteng tao sa mundo at ako ang napili mo." Palusot ko. But in reality I am facing a war inside my head. A war that I know I can' t win.

"Talaga?" Sabi niya. Halata pa rin na nagtatampo.

"Oo naman babe. I love you so much. And you being my girlfriend is just too amazing." Sabi ko.

Parang hindi pa rin siya satisfied sa sagot ko. I just hugged her tighly and gave her a passionate kiss.

Pagkatapos nun ay okay n ulit siya. Oh god! Ano ba itong napasok ko? How can I leave this time kung ganito na katindi ang nararamdaman ko sa kanya.

Hindi ko napansin a tear fell from my eye. She wiped it using her thumb.

"Eh bakit na naiiyak?" Sabi nanaman niya.

"Masaya lang ako." Sabi ko. Nakakailang pagsisinungaling na ako sa kanya. Naiiyak ako dahil nahihirapan ang loob ko na iwan ang time na ito. Na iwan ang relationship namin sa time na ito. At higit sa lahat ang iwan siya at bumalik sa present lalo na alam ko na sa present time may boyfriend siya.

Niyakap lang niya ako at ganun din ang ginawa ko.

Nagusap kami na magkikita kinabukasan. Sinabi ko din sa kanya na dadalawin ko si mama. Which is totoo naman. I planned to see my mom at magtapat na sa kanya tungkol sa akin. Alam kong sa umaga ay nagsisimba sila. And I don't know kung makakabalik ako agad.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon