*Chapter 5

30.7K 383 4
                                    

Chapter 5

Nagkulong ako sa kwarto. Nanood ng tv maghapon. Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari. Araw araw ko babalikan si mama. Hindi ko na naiisip pa ang mga tropa ko. Kumatok si tita sa room ko.

"Anak. Kain na tayo. Labas ka na dyan."

Lumabas ako with a big smile. Na feeling ko eh nagtataka siya.

"Opo tita. "

Hawak ko ang kamay nya.

" Ano ulam?"

"Ah. Eh. sinigang anak." sabi niyang nagtataka.

"Wow paborito ko! Tara tita kain na tayo."

"Teka Erin? Ano nakain mo?"

"Ha? Wala po. Yun nga eh wala ako nakain kaya ganito ako. Kain na tayo gutom na ako."

Natawa si tita.

"Nako Erin ha. Nagtataka na ako sayo. "

"Bakit po ba? Hindi po ako nagdadrugs tita."

Tumawa siya ng malakas.

"Kung epekto yan ng drugs ipag patuloy mo dahil nakakatuwa ka." biro nya.

"Haha.Sige po tita. Ang tagal ah. Gutom na ako eh"

"Anak. Seriously ipagpatuloy mo yang bagay na nakakapagpabago sayo."

"Opo na nga. Kain na tayo." sabi ko ng nakangiti.

At kumain kame nagbiruan at pumasok sa kwarto. Pagulong gulong sa kama minsan nag lalaro sa tablet ko o kaya nag iinternet.

Hinintay ko lang gumabi at natulog dahil bukas pupunta ako kay mama ng umaga.

Hindi pa ako nakakatulog ng marinig ko yung busina ng kotse ni papa.

Dali-dali akong bumaba sa kwarto at sinalubong si papa.

"Pa!! mano po."

Nagulat din si papa saakin.

"Beth anong pinakain mo sa batang to?"

Natawa si Tita.

"Ewan ko ba sa anak mo hon."

Tapos kinausap ko si papa.

"Pa, anong paboritong ulam ni mama at pagkain" sabi ko.

Tumingin siya kay tita. Parang hindi siya comfortable sagutin.

"Bakit mo natanong anak? "

"Basta."

"Ah, sinigang at pancit"

"Talaga? Kamukha ko ba siya? Sinong mas maganda sa amin? "

"Ah siyempre yung nanay mo. Hindi ka nga kumalahati sa ganda niya eh" biro niya saakin.

"Hmp! Ang sama mo. Wala naman siya dito di mo pa sabihin na mas maganda ako.Haha."

"Tama na nga. ang kulit mo ngayon eh. oh kunin mo na nga itong susi ng baby mo!" Sabi niya saakin. "

"Oh bakit binabalik mo na po?"

"Bakit ayaw mo? oh akin na ulit."

"Teka akin na. Hindi ka na mabiro pa. "

Napatingin ako kay tita Beth at natutuwa lang siya saamin.

"Yung mga mahal ko dyan, pasensya na ha. Ano kaya kung ibaba mo na yang bag mo at kumain na tayo mg dinner?"sabi ni tita.

Inakbayan ako ni papa at naglakad sa may mesa.

Kumain kame ng sabay sabay. At nagkwentuhan. Hindi namin ito ginagawa lage eh dahil lagi ako nahuhuli kumain.

"Ehem anak my boyfriend ka na ba? " tanong ni papa.

"Hanep! Boyfriend agad? wala po. Crush meron"

"Aba dalaga na pala ang baby Erin ko."

"Oa tayo pa? 23 na ako. Pwede na nga ako mag asawa eh! Pero wala po talaga." Biro ko.

"Nako. Huwag ka munang mag asawa. Sino ba itong crush mo? Gwapo ba? Sabihan ko nga na layuan ka! O baka naman girlfriend at maganda. Mali ata ako ng tanong eh."

"Naku papa. Wala nga po talaga. Unang una di siya gwapo. (Kasi maganda siya haha. sabi ko sa isip ko) At pangalawa remind ko ulit ha? Ay.... Em... TWENTY THREE years old. Matanda na ako. " Biro ko.

"Hahaha. Basta para saakin baby ka palang. "

"Ah pa, naalala ko lang pala, yung kotse mo medyo luma na."

"Ehem. Parang may pahiwatig ang anak ko. :)"

"Wala naman pa. Malapit na kasi bday ko. Pangarap ko kasi yung second Honey mo. Hindi naman ako namimilit ha. Hehehehe."

Nagtawanan lang kame at pagkatapos kumain nagsipuntahan na sa kwarto.

Hindi ko napansin na ang time machine na yun ang makakapagpabago sa akin. Sana hindi siya mawala.

Hindi ko alam sa kwarto nila papa ay ako pala ang pinaguusapan nila.

Daddy Erik's POV

"Nakakapagtaka si Erin ngayon Beth."

"Oo nga. Alam mo ba kahapon kinausap niya ako. Sabi niya wag daw sasama ang loob ko dahil sa hindi niya pagtawag ng mama sa akin. At higit sa lahat tinuturing na rin niya akong ina."

"Buti naman at sa kanya na rin un nanggaling. Masaya ako at nagbago na siya."

"Ako rin Erik. Bigyan na lang natin siya ng time para mag-open up sa atin."

At natulog na ang lahat ng tao sa bahay.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon