TBS 29 - YOU FLIRT!

10.9K 187 12
                                    

Chapter 29 • 

Lorraine Pov ♥

"YOU FLIRT!"

Isang sampal ang ibinigay ni Laurice sa akin nang mapagbuksan ko ito ng pinto. Hindi ko ininda ang sampal na iyon.

Mas masakit ang katotohanang bumalik na ito mula sa amerika para bawiin ang mundo nitong sandali kong hiniram... at si ALEXUS.  

Hindi na ko ikinagulat ang pagsulpot ng kakambal makalipas ang isang linggo mula nang bumalik ako sa Bacolod. 

"Im sorry Laurice. Hindi ko sinasadya.." Iyon na lamang ang nasabi ko. Humakbang ako patungo sa sala at naupo sa kabilang dulo ng mahabang sofa. 

"Hindi sinasadya?" galit nitong reaksyon. "Pwede ba Lorraine! dont give me that bullshit alibi!" singhal nito habang palapit sa akin. "Alam ko naman kung bakit mo ginawa iyon eh. Gusto mo akong gantihan at pasakitan." 

Mabilis na namagitan ang lola namin nang bumaba ito at makita ang galit na si Laurice. Seventy years old na si Lola Tarsing ngunit malakas parin. 

"Ako pa ba ang gusto mong magmano saiyo Laurice?" sarkatiskong baling nito sa kakambal ko. 

Nakaismid man ay humalik din si Laurice sa pisngi ni Lola Tarsing. 

"Magkamukhang-magkamukha pa rin kayo. Kahit pinaghiwalay kayo ng kakitiran ng isip ng ama ninyo. Marami pa ring magkakamaling iisa kayo." 

"Kaya nga ho sinamantala ng apo ninyong maakit ang asawa ko." sikmat ni Laurice. 

"Dahan-dahan ka ng pagsasalita Laurice." napipikon nang sabi ko rito. 

"Ikaw ang walanghiya Laurice." bwelta ng lola namin rito." Ngayon may katwiran ka ng magalit kay Lorraine at itakwil siya dahil muntik na niyang maagaw ang pagmamahal ng lalaking pinakasalan mo kahit hindi niya intensyong magkaganon." 

"Intesyon niyang akitin si Alexus Lola Tarsing!" pagtutungayaw ni Laurice. 

"Hindi. Kilala ko ang kakambal mo, Laurice". pamamagitan ng matanda. "Mahal ka niya kahit ganyan ka. Hindi niya magagawa saiyo ang iniisip mo. Nagpuputok ka lang sa galit ngayon dahil siguro minahal siya ng asawa mo sa maikling panahong nagpanggap siyang ikaw. Pero dahil ayaw ka niyang saktan, hindi na niya in-nentertain ang mga tawag nito." 

Natahimik si Laurice. 

"Kailan ka pa magbabago apo? Isa-isa nang nawawala ang mga taong dapat ay nagmamahal saiyo. Sa maniwala ka't sa hindi, si Lorraine pa ang nakiusap kay Alexus na bigyan ka pa ng pagkakataon. Nagpanggap siyang ikaw para mapalambot ang puso ng asawa mo na ikaw na rin ang nagpatigas." 

Bewitching Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon