Prologue ♥

24.9K 348 16
                                    

 Lorraine Pov ♥

Identical twins kami ni Laurice, 

Ngunit magkaibang-magkaiba ang mga ugali namin.

"Ikaw ang anghel at ako ang may buntot at sungay. Ang bait-bait mo raw samantalang ako napakamaldita ko".

'yon ang palaging sinasabi ni Laurice sa'kin. Hindi naging maganda ang reunion namin matapos ang matagal na pag hihiwalay, Kaya pinili ko na magbakasyon muna sa Villa Royale Island kaysa kunsumihin ang sarili sa kakambal ko.

Ganon na lamang ang gulat ko ng harangin ako ng isang lalaki at halikan. Pagkatapos ay walang sabi-sabing iniuwi ako sa villa nito. Huli na ng malaman kong ito pala si Alexus Laurel ang lalaking pinakasalan ni Laurice..

Pinanindigan ko ang pag papanggap bilang si Laurice ng hindi ako paniwalaan ni Alexus na kakambal lamang ako ng asawa nito. Wala akong masamang intensyon ng gawin iyon. Gusto ko pa nga na makatulong ako para maayos ang relasyon ng dalawa.

Ngunit hindi ko na-anticipate na unti-unti akong mahuhulog sa karisma ni Alexus. Nagising na lamang ako isang umaga na mahal ko na ito. At nararamdaman ko din na umaamo na rin ito sa'kin dama ko iyon sa mga halik nito.

Pero paano kung para kay Laurice pala ang mga halik na iyon at hindi para sakin? at paano ko tanggapin ang panunumbat nito kapag natuklasan nito ang aking panloloko? 

-----------------------------

Authors Note: ENJOY READING ..

Bewitching Stranger (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant