TBS 13 - Sexy Abs! Grrrrr ♥

10.2K 210 13
                                    

Chapter 13 ♥





Lorraine Pov *





"IBABA mo sabi ako eh!". pagpupumiglas ko.



"O edi ibaba!" sabi ni Alexus saka niya ako ibinagsak sa kama.





Lihim kong ipinagpasalamat na inilapag na niya ako.



"Anong palabas ito Laurice? Bakit doon ka natulog? Hindi mo pa ako sinasagot."

"W-wala. Naisip ko lang. Hindi ba ayaw mo na akong makatabi kahit man lang sa kama?"

"Pero hindi mo naman dating ginagawa yan. Pakiramdam ko parang ilag ka na sa akin."



Napalunok ako. Nararamdaman na pala ni Alexus ang pagiging aloof ko rito.



"Nadala na ako. Baka i-reject mo na naman ako ulit." Sinikap kong langkapan ng pagtatampo ang tinig ko.



Bahagyang lumambot ang anyo nito.



"Let me ask you one question. Kung naging crude man ako sayo, Kung sumobra man ang rudeness ko sayo, can you blame me?"



Hindi ako umimik. Sa puntong yun hindi ako maaring sumagot in behalf of Laurice dahil mag kaiba kami ng damdamin.



"You drove me away from you Laurice".



Sabi ni Alexus habang lumalapit sa banyo. Huminto ito sa pintuan at nilingon ako.



"Sa halip na mag-exert ka ng extra effort para patunayan sa aking hindi ako nagkamali ng pagpapakasal sayo, Lalo mo lang ipinakita sa akin na hindi tayo bagay. Gusto mo mahalin kita but you didn't show me na marunong ka ring magmahal."



Kunwari ay tinanggap ko ang panunumbat nito. Nagbaba ako ng tingin. At noon ko naalalang nighties lamang ang suot ko. Malalim ang neck line nito kung kayat nakadungaw ang cleavage ko.



Bigla kong naitakip ang mga kamay ko sa tapat ng dibdib ko. Paano kung ma-provoke ito? Kailangan palagi akong on guard. Hindi dapat mangyari ang hindi dapat.


"Baligtad na ba ngayon?". Tanong nito na may himig ng pang iinsulto. 

"Ikaw na ang lumalayo sa akin kasama ba yan sa mga pagbabagong sinasabi mo?" 

Hindi ako nakaimik..

"At bakit hindi mo man lang ako binihisan ng pantulog kagabi? Hinayaan mo akong makatulog ng ganito." 

Paano ko ba sasabihin ditong hindi ko ito kayang hubaran at palitan ng damit? 

"Okay, nevermind. Sandali lang at magsa-shower ako. May meeting ako this morning sa members ng partido ni Papa. In case you still dont know, Im running for office." 

Isang gulat na reaksyon ang ibinaling ko sa kanya. 

"Kakandidato ka this coming election?" paniniyak ko rito. 

"Yeah. Nakasagot na ako sa mga tagarito na humihiling na tumakbo akong mayor. Wala talaga sa mga plano ko iyon. Gusto kong mag-concentrate sa business ng pamilya. Pero kinakawayan ako ng public service." 

Muli ko itong tinitigan. Lumalim ang tinatakbo ng isip ko. Kakandidato pala si Alexus. Well i knew he would make a good public official. Isang tingin pa lamang dito ay masasalamin na rito ang tatag ng pagkataong maaaring sandalan ng sinuman. A dependable and responsible man. 

Habang nasa banyo si Alexus ay binuksan ko ang French Door at sumilip doon. Sinalubong ako ng malakas na hanging pang umaga.. 

Napakasarap langhapin ng morning breeze sa isla, wala iyon sa Metro Manila. Kahit sa Bacolod, kung saan na ako nagdalaga, beyond comparison pa rin ang kagandahan sa Villa Royale. Parang napakalapit ko sa kalikasan. Kahit saan ako tumingin, luntian ang natatanaw ko---rainforest, meadows, ang crystal-clear sea water.

Bewitching Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon